Pagpasok sa classroom ni Meryl ay hindi maiwasang mapatitig ng mga ka-block nito sa kanya. Ilang araw kasi matapos ang exam week nila ay naglabas na ng partial results ang Dean, at ang mga candidate sa Dean's List.
Mas kilala na ngayon si Meryl dahil sa pag-trend niya sa isang app sa hologram, ngunit dahil hindi naman ito madalas pumapasok sa klase ay marami ang nagulat nang makita ang kanyang pangalan. Mayroon din silang university app kada-department, kung saan may access ang mga estudyante sa kanilang grades. Si Meryl lang naman ang may pinakamataas na GWA (General Weighted Average).
"Aminin mo nga sa'min kung pa'no mo 'to nagagawa?" Tanong ng isang babaeng estudyante habang hawak ang tablet kung saan nakabukas ang app. "Gaano ka ba kayaman para bilhin lahat ng grades sa bawat subject?"
"Uy Karla, magdahan-dahan ka naman," pakiusap ng kanyang kaibigang si Michelle. Siya din mismo ay nagtataka, pero hindi naman siguro magandang bigyan ng konklusyon ang isang bagay na wala pang kasiguraduhan.
"O baka nga totoong may problema ka sa utak?"
Mas napukaw nito ang atensyon ng mga kaklase dahil sa tanong.
"Ha?" Matipid ngunit gulat na sambit ni Meryl.
"Ang sabi ni Zayne baliw daw ang nanay mo. Isang psycho. Hindi ka ba informed? Alam mo, isang malaking pagkakamaling sirain ang relasyon ng dalawang tao dahil babalik at babalik ang karma. Siguro nga kaya nagagawa mo ang mga bagay na 'to dahil tulad ng Nanay mo, isa ka ding baliw!"
Nandilim ang mga paningin ni Meryl at wala sa wisyong sinakal ang kaklaseng si Karla. "Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi baliw si Mommy!"
Alerto naman ang mga kaklase at agad na napaghiwalay ang dalawa, ngunit nagpatuloy pa din ang initan.
"Kung hindi siya baliw, hindi siya makakapatay ng tao at makukulong! Kitang-kita namang mana ka du'n diba? Pinatay mo si Professor Draco, at ngayon balak mo pa kong idamay sa kabaliwan mo!"
"Karla tama na!" Pakiusap sa kanya ng mga kaibigan ngunit patuloy pa din ito sa pangungutya kay Meryl na hindi naman nagpapatalo.
"Hindi ako baliw! Hindi baliw si mommy!" pagpupumiglas nito at sinusubukang makawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng mga kaklase, ngunit tinulak na lamang siya palabas sa kwarto upang maiwasan pa ang magkagulo.
"Wag ka nang pumasok dito, baliw!" sigaw ng ilan bago tuluyang i-lock ang pintuan. Sisiguraduhin muna nilang nakaalis na si Meryl bago ito muling buksan.
Napagdesisyunan na din ni Meryl na magpalamig muna ng ulo at umalis, ngunit bago siya lumakad ng tuluyan ay puno ng galit niyang tinitigan ang doorknob, at saka ito sinira.
***
Tahimik na nagbabasa ng libro si Japs sa isang bench sa free park. Nakahiga ito sa may lilim ng puno, at dahil tanghaling tapat naman ay wala pang mga batang naglalaro kaya solo niya ang lugar.
Makakatulog na sana siya nang makarinig ng babaeng humihikbi. Sa katunayan, hindi na niya kailangan pang tignan ang mukha ng babae bago niya ito makilala. Boses pa lang ay alam na niyang si Meryl iyon.
Uupo sana ito sa isang seesaw na nabalanse lang dahil sa bato, ngunit pag inupuan ang isa ay siguradong babagsak ito. Bago pa siya makaupo ay agad nang tumayo si Japs at hinawakan ang kabila. Dahan-dahan din siyang umupo ng bahagya at sinigurong balanse pa rin ito.
Nakatalikod na umiiyak si Meryl sa kanya, kaya naman hindi pa niya ito agad nakikita. Nang medyo humina na ang paghikbi ng dalaga ay saka na nagsalita si Japs,
"Problema nanaman ba sa lovelife, Sisa?"
Dahil sa gulat ay agad napatayo si Meryl, habang si Japs ay aksidenteng bumagsak sa seesaw.
"Aah! Aray ko!" Mabilis nitong sigaw, tumayo, at napahawak sa pwet. Biglaan kasi ang pagkakatayo ng dalaga, kaya hindi man lang siya nakaalis muna.
"Aray ko nabalian yata ako," Naiiyak nitong sabi, habang si Meryl ay unti-unti ng natatawa sa itsura ng binata.
"Natatawa ka pang nahulog ako ha? Alam mo bang iningatan ko pang i-balanse 'yan para lang hindi ka mahulog, tapos ako lang din pala ang mahuhulog at masasaktan." Medyo humina ang boses nito sa bandang dulo nang ma-realize na napapahugot nanaman siya, out of a seesaw.
"Sorry na," natatawang sabi ni Meryl. "Ice cream, gusto mo?" Pang-aasar pa nito.
Napangiti na lang din si Japs habang nakatitig sa kaibigan. Kahit papaano ay nawala naman ang sakit sa may pwetan niya dahil sa panunumbalik ng sigla ni Meryl.
Hinila niya ito at inupo sa swing, saka hinawakan ang dalawang tali sa gilid habang nakaharap sa babae. "Ngayon sabihin mo sa'kin, anong problema? Si Vince ba? Babanatan ko ba ulit?"
Umiling si Meryl habang nakangiti. "Hindi. Hindi siya. Nalaman ko kasing candidate pala ako for Dean's list ngayon."
"O? Hindi ba good news 'yun? Bakit ka umiiyak?" Gulat na tanong ni Japs. Paluhod itong umupo upang mas makita ang reaksyon ni Meryl.
"Hindi kasi makapaniwala 'yung mga ka-block ko e, kasi naman minsan lang din ako pumasok 'di ba."
"Puro ka kasi love life,"
"Tss," pa-irap na sagot ni Meryl at saka tinuloy ang sinasabi, "ang sabi nila baliw daw si Mommy. At namana ko daw 'yun. Pinagbibintangan pa nila akong binayaran lang ang grades ko."
"Hindi ka lumaban? Makikipagpusta akong may ginawa ka nanamang kakaiba. Anong bagay naman ang pinalipad mo ngayon?"
Napailing si Meryl habang natatawa sa kausap. "Sinira ko lang naman 'yung doorknob. Balak pa kasi nila akong saraduhan. Pero 'yun lang naman ginawa ko, umalis na din ako."
"Iba ka talaga 'no, Sisa? Pero ayos 'yan, mabuti nang bagay na lang ang sirain mo, 'wag tao, okay? Pero 'wag namang sobra-sobra baka mahalata ka niyan."
Sa totoo lang ay hindi pa rin sigurado si Japs sa mga payong binibigay niya sa dalaga. Ramdam nitong nakuha na niya ang tiwala ni Meryl, ngunit ang buong pagkatao nito ay sadyang malabo pa sa kanya.
"Bakit pala ilang araw din kitang hindi nakita?" Tanong ni Meryl.
"O? Ilang araw? Hindi ko nga napansin e. Di ba magkasama naman kayo ni Vince?" Tumayo si Japs at ipinasok ang isang kamay sa bulsa, habang ang kanang kamay ay hawak pa din ang libro.
Sumunod naman si Meryl at tumayo din, sa tabi ng kaibigan. "Five days, and a half. Minsan kasama ko si Vince, minsan kasama niya si Zayne."
Nagulat si Japs sa narinig at muling napatitig kay Meryl. "Si Zayne? Hindi ba hiwalay na sila?"
Tumango si Meryl at natahimik ng ilang sandali, pagkatapos ay muling nagsalita, "patago naman, nagkikita pa din sila. May ilang beses na nakikita ko silang magkasama, naghahalikan..."
Hinawakan ni Japs ang magkabilang balikat ni Meryl at hinarap ito sa kanya. "Ano ba kayo ni Vince, Meryl?"
"Girlfriend niya 'ko."
"Girlfriend. Girlfriend ka niya pero ano 'to? Gag*han? Alam mo 'yung ginagawa niya sa'yo pero hinahayaan mo lang? Pu*cha mahal mo ba talaga 'yung ga*ong 'yun?!"
Muling tumango ang dalaga, ngunit hindi makatitig ng deretso kay Japs. "Alam ko naman 'yung ginagawa ko..."
Bumitiw si Japs at napamura na lang sa ere. Hindi na talaga niya maintindihan ang kamartyr-an ng babae. "Ewan ko kung matutulungan pa kita, Sisa. Ewan ko."
Tumalikod ito at lumakad na paalis, habang si Meryl ay parang na-estatwa sa kanyang kinatatayuan, hanggang sa bigla na lamang niyang naisipang tumakbo at habulin ang lalaki.
Mula sa likod ni Japs ay yumakap si Meryl. Hindi nakapagsalita kaagad ang binata dahil sa gulat.
"Pwede bang samahan mo pa rin ako?" Malungkot na tugon ni Meryl, "kasi 'pag kasama kita, 'pag nakakausap kita, pakiramdam ko tao pa din ako. Pakiramdam ko, hindi ako naiiba."
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Mystery / ThrillerNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...