Sa tingin ni Japs ay kailangan muna ng kaibigan na lumayo at magisip-isip. Marahil ay madami din itong pinagdadaanan sa labas ng kanilang unibersidad.
"Pero kailangan kong sundan ang boyfriend ko..." Malungkot na tugon ni Meryl dahil napalayo nanaman siya dito, gayong si Vince na nga lang ang nag-iisang rason kung bakit siya bumalik.
"Hindi mo ba nakita, ayaw ka pa niyang kausapin?"
"Alam ko kailangan niya 'ko, baka kung ano pang mangyaring hindi maganda sa kanya,"
Napabuntong-hininga na lamang si Japs. Hindi na nito alam kung ano pang sasabihin kay Meryl upang kumbinsihin itong hayaan na lang muna mag-isa si Vince.
"Baliw ka ba talaga? O sadyang hindi lang makaintindi?" Naiinis na nitong tanong. "Alam mo bagay talaga sa'yo ang pangalang Sisa e, palagi kang naghahanap. Palagi mo siyang hinahanap, hinahabol, kahit na wala ng pag-asa. You keep saying na boyfriend mo siya, pero Sisa parang hindi naman e. Hindi ba one-sided 'yan?"
"Anong one-sided?"
Noong unang panahon pa yata 'to pinanganak, tugon ni Japs sa sarili. "Yung ikaw lang ang nagmamahal, tapos 'yung mahal mo, hindi ka gusto. Gets mo na ba? O gusto mo i-drawing ko pa?"
Nalungkot bigla ang mukha ni Meryl, at ilang sandali lang ay tila paluha na ang kanyang mga mata. Napansin iyon ni Japs, at agad naman siyang naawa dito.
"Oy Sisa, 'wag kang umiyak, sorry na..."
"Ibig mo bang sabihin, hindi ako gusto ni Vince?"
Napapakamot na lang sa ulo si Japs lalo na't tila bata ang kanyang kausap. "H-hindi naman sa hindi ka gusto... uhm," lahat na ng magagandang salita ay hinalungkat na niya sa kanyang utak. Hangga't maaari ay hindi niya gustong makakita ng babaeng umiiyak. "kailangan niya lang mag-isip, okay? Give him time, Sisa. Okay ba 'yun?"
"Okay!" Positibong sagot nito at agad din naman ibinalik ang ngiti sa kanyang mukha.
***
Abala si Karen sa pagb-browse gamit ang hologram nang bigla na lamang may nag-pop up na notification. Isa na namang update sa ranking ng University's Prime Beauty, isang listahan ng mga sikat at magagandang babae sa kanilang unibersidad. Minsan nang naging number one si Zayne, ngunit sa ngayon ay naglalaro na lamang siya sa top 3 to 5.
Kadalasan kasi new faces ang binoboto ng mga tao, kaya karamihan ng napupunta sa top 1 ay freshman.
"Zayne, look!" Sabi ni Karen sabay hila sa kaibigan.
Mugto pa din ang mga mata ni Zayne, ngunit piniglan na nito ang sariling umiyak pa. Nakita niyang lumabas ang kanyang pangalan sa Prime Beauty, at as usual, pang-top 3 nanaman siya.
"O anong bago?" Tanong nito. Wala na siyang pakialam sa mga freshman na nangunguna. Been there, done that, tapos na siya sa yugto ng kanyang buhay kung saan gagawin niya ang lahat mauna lang.
"Anong bago? Look who's trending. Meryl Danes. Hindi ba siya 'yung kabit ni Vince?"
Nakalagay lamang sa 'What's hot' section si Meryl at wala pa sa top 10, ngunit dito naman halos nagsisimula ang lahat. Ibig sabihin may nakapansin na sa kanya, at susundan na ng voters na suportahan siya.
Sa inis ay in-off ni Zayne ang hologram dahil kitang-kita ang malaking mukha ni Meryl. Hinugot niya ang tablet mula kay Karen at akmang ibabato pa ito.
"Zayne ano ba! Hindi sa'yo 'yan!" Agad namang inagaw ni Karen ang tablet sa kaibigan. Mahirap nang masiraan ng gadget, gayong wala na siyang pambili. "Huminga ka nga muna, please? Tsaka 'wag mong ibuhos 'yung galit mo sa gamit ko,"
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Mystery / ThrillerNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...