Pag-park ng sasakyan ng Alpha Bet ay nagsimula na ring magsibabaan ang karamihan. Walo sila lahat, kasama na ang mga bagong recruit.
"Op op, boss!" sambit ni Jobert kung kailan handa na ang lahat para pumasok sa ospital.
"Sigurado ba kayo na lahat talaga tayo papasok? Sigurado kukwestyunin tayo dun! Baka mapagkamalan pa tayong frat."
"Bobo frat nga tayo!" Iritableng tugon ni Carlos sabay batok kay Jobert.
"Bobo ka din! E ospital 'to madaming nanay!" depensa ni Jobert, "mamaya mapa-baranggay nanaman tayo kahit na ang pakay lang natin e bumisita. Tsaka mga pre ha, aakyat ng ligaw ang ating the great and mighty Oz. Tingin niyo ba matutuwa si Meryl na makita siya?"
"Sinasabi mo bang hindi siya matutuwa 'pag nakita ako? Akala ko ba maayos 'yung tinext mo?!" Agad na wika ni Oz at akmang manununtok na ngunit inawat lamang ng isang miyembro at baka mahuli pa sila ng guard.
"No--no! Hindi boss, mali lang 'yung pagkaka-construct ko ng sentence. Hindi siya matutuwang makita ka kung ganito tayo kadami. Baka matakot lang 'yun."
"May punto nga naman si Job. Mukha tayong manunugod kapag lahat tayo pumasok." Sa unang pagkakataon ay kumampi si Mundo kay Jobert.
"O sige na, sige na! Ako na lang ang papasok!" pagdedeklara ng leader ngunit bago iwanan ang grupo ay huminto muna saglit. "Oy Jobert sasama ka sa'kin."
"A-ako talaga?"
"Oo gungong! Ikaw ituturo ko 'pag panget pala 'yung text na sinend mo! Bitbitin mo 'tong mga prutas!"
***
Tahimik sa kwarto ni Meryl habang kumakain na siya ng pananghalian. Ayaw pa kasing kumain ng dalawang binata.
Nakaupo at naglalaro sa tablet si Vince sa tabi ng kama ni Meryl habang si Japs naman ay nasa sofa, nagbabasa ng libro. Kaya naman tila isang malakas na tunog na ang umecho sa kwarto nang mahulog ang tinidor ni Meryl.
"Ako na!" sabay na sambit ng dalawang lalaki. Nahulog kasi ito sa pagitan nila, kaya halos pantay lang kung sino ang mas malapit dito.
Napansin ni Meryl ang tensyon sa pagitan ng dalawang binata kahit na wala namang dapat pag-awayan.
"Ako na," mahinahong pag-uulit ni Vince ngunit nang pupulutin na niya ito ay wala na sa dating pwesto ang tinidor.
Umiiling na pinulot ito ni Japs. "Sabi sa'yo ako na e, mas malapit kaya sa'kin." Nakangiti nitong sabi. "Hugasan ko lang 'to."
Pagtayo ni Japs ay tumungo ito sa banyo upang maghugas. Kumunot naman ang noo ni Vince dahil sigurado itong nag-iba ang pwesto ng tinidor. Ngunit imposible namang gumalaw ito mag-isa kaya inalis na lang niya ito sa kanyang isip.
Umupo ito sa gilid ng kama ni Meryl upang mas mapalapit siya at matulungan niya ang dalaga sa pagkain. "Para hindi mo na mahulog pati kutsara mo, ako na,"
"Susubuan mo 'ko?"
Tumango lamang ang binata at inihipan muna ang sabaw bago ito isubo kay Meryl. Tila sumama naman ang timpla ng mukha ni Japs nang datnan niya ang ganitong scenario.
"Mukhang 'di mo na yata kailangan ng tinidor?" tanong nito.
"Ah, hindi, thank you Japs," sagot naman ni Meryl at kinuha pa rin ang tinidor mula sa lalaki. "Yan ba 'yung libro na binabasa mo nu'ng isang araw?"
Kung nasa kabila si Vince, sa kaliwang bahagi naman umupo si Japs kung saan may pang-isang taong couch sa tabi ng kama ni Meryl. "Oo, eto 'yung librong sinira mo. Ginamitan ko na lang ng glue tsaka tape,"
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Mystery / ThrillerNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...