Chapter 9

1K 53 2
                                    

Kung dati ay palaging pundido ang ilaw sa tree house, ngayon naman ay gabi-gabi, maliwanag sa loob nito.

Masyado nang malaki si Vince para maglaro pa dito, ngunit patuloy siyang umaasa na isang araw, makikita niya muli si Jan.

Naisipan nitong kumuha ng comforter, unan, at ilang mga stuff toy. Inayos niya ang loob ng tree house na parang batang naglalaro ng bahay-bahayan. Kumuha din ito ng iba't-ibang kulay ng rosas mula sa kanilang halamanan. Pagkatapos, dinikit ang ilan sa harap ng pintuan at bintana ng kubo.

Pinagpipitas nito ang mga petal, at ikinalat sa higaan. Nagtabi din siya ng maliit na flower vase sa gilid.

Nang makuntento na siya sa ginawang dekorasyon ay napasandal na lamang siya sa dingding upang magpahinga.

Ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase sa kolehiyo. Kinuha niya ang kursong civil engineering, dahil hindi rin naman siya pinayagan ng kanyang ama na mag-medicine. Hindi naman big deal ito sa kanya, gayong kaya lang naman niya napag-interesan ang science ay dahil kay Jan.

"Vince, hijo, hinahanap ka na ng daddy mo, sabay na daw kayo maghapunan." Pagtawag ng kanilang kasambahay mula sa baba.

Iniwang bukas ni Vince ang ilaw sa tree house at sumunod na rin. Pagkatapos, ay pumasok na sa bahay upang sabayan ang kanyang ama na maghapunan.

Sila lamang dalawa sa malaking lamesa. Buti nga at kahit papaano, nagagawa pa rin nilang magsalo kahit dalawa na lamang sila.

"Naayos mo na ba 'yung mga gamit mo?" Tanong ng kanyang daddy. Malayo-layo kasi ang university na pinasukan ni Vince, kaya kailangan niyang mag-dorm.

"Yes dad," sagot nito, at naalala ang kanyang personal laboratory, "ah dad, pwede niyo na po siguro ipalinis 'yung science lab. Hindi ko na naman po magagamit."

Hindi muna nagbigay ng komento ang kanyang ama tungkol doon. Panandalian itong natahimik at may kinuha mula sa kanyang bulsa. "I saw this from the lab,"

Nilapag nito ang dalawang newspaper kung saan nakasulat ang mga article tungkol sa mercy killing chip.

"Why do you have this, Vince?"

May pagtatakang tinitigan ni Vince ang papers at reaksyon ng kanyang ama. Bakit tila apektado siya dito?

"Uhm, ginamit ko lang po para sa assignment namin."

"These are archived journals. Saan mo 'to nakuha? Imposibleng sa school niyo 'to nahanap. They're banned articles."

Hindi maintindihan ni Vince ang sinasabi ng ama. May alam kaya siya tungkol sa mercy killing chip? Kung ganoon na nga ang kaso, ay hindi na nagdalawang isip pang magsabi si Vince.

"Ang totoo po nyan, nakuha ko lang po 'yan mula sa gamit ng kaklase ko. I've found out na grandfather pala niya si Arturo Villegas."

"Villegas?" Nakaramdam ito ng kaunting kilabot nang marinig ang pangalang iyon. "Ano ba ang pangalan ng kaklase mo?"

"Jan po, Jan Meryl Danes. Villegas po ang middle name niya. Pamilya po ba kayo sa kanila?" Tanong ni Vince nang mapansin niyang tila may alam ang kanyang ama.

Marahil ay matulungan pa nito ang kaibigan. May kakaibang saya naman ang naramdaman ng lalaki, sa isip-isip niya ay sa wakas, makakaganti na rin siya. 

"Dad?"

"Ah, parang pamilyar. I think her mom's a friend of mine. Alam mo ba kung sa'n sila nakatira?"

Natuwa naman si Vince nang marinig iyon. Pakiramdam niya ay mas mapapalapit sila ni Jan dahil magkaibigan pala ang kanilang mga magulang.

"Yes dad, do you plan to visit them?"

"Well, not really now. Mas maganda siguro kung makikita ko din 'yung kaklase mo, si Jan?"

"Sure, ipapakilala ko siya sa'yo 'pag balik niya." Nakangiti si Vince habang kumakain at kausap ang kanyang ama. Maisip niya lang na gusto nitong makita at makilala si Jan e hindi na niya matago pa ang kanyang excitement. 

***

Lumipas ang ilang buwan at nasa unang baitang na ng kolehiyo si Vince. Naging busy ito, kaya bihira na lamang makauwi sa kanilang tahanan. 

Halos lahat na yata kasi ng organisasyon sa school ay sinalihan niya, makalimutan lang ang lungkot tuwing iniisip niyang wala pa rin ang babaeng hinihintay.

Isang araw nang umuwi siya sa kanilang bahay, nagtungo siya sa tree house para silipin ang kundisyon nito.

Hindi na pala gumagana ang ilaw. Lahat ng halaman ay lanta na rin, at ang mga stuff toy ay puno na ng alikabok. 

Pagbaba ni Vince mula sa kubo ay tinawag niya ang kanilang kasambahay. "Ate, paki-linis na lang po ito. Tsaka, paki-alis na rin."

"Yung buong kubo ho?"

Tumango lamang si Vince. "Tumawag ka na lang ng carpintero na bubuwag dyan." Pagkatapos, ay pumasok na sa gate saka inalis ang paningin sa kubo.

Pakiramdam ng kasambahay ay nawalan na ng pag-asa ang binata. Dati lang, tuwing gabi, ay hindi nito nakakalimutang bumisita at maghintay sa kubo. Simula kasi nang makilala niya si Jan, ay saka na lamang niya muling nagamit ang kubo. Noong namatay kasi ang kanyang ina, halos hindi rin nito magawang silipin.

Ngunit ngayon, tuluyan na ngang mawawala ang tree house-- isang lugar na puno ng masasayang alaala.  


The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon