Araw ng graduation. Magsisimula na ang ceremony ngunit nasa tabi pa rin ng pintuan si Vince, naghihintay na may Jan na dumating.
Si Jan pa naman ang magbabahagi ng kanyang speech mamaya, dahil siya ang valedictorian.
Puno ng pangamba si Vince na baka dumating na ang kanyang kinatatakutan. Ilang oras pa ang lumipas, at mismong pangalan na niya ang tinawag sa stage kaya kailangan na niyang magmartsa.
Pinilit niya ang sariling ngumiti. Hawak ang tatlong pulang rosas ay naisipan niyang ibigay ito kay Jan pagkatapos ng graduation ceremony.
***
"Ingat kayo ha, 'wag mo papabayaan 'yung anak mo." Payo ni Mia sa kanyang anak at sa asawang si Levi.
Si Levi lang kasi ang sasama kay Jan sa States, habang si Mia ay maiiwan para mas mabantayan si Jay-Jay. At isa pa, gusto rin naman bisitahin ni Levi ang kanyang ama.
Medyo dismayado pa rin si Mia ang makitang malungkot ang kanyang anak. Ramdam nitong gustong-gusto niyang pumunta sa graduation, ngunit hindi na rin nila pwedeng i-delay ang flight.
"Pagbalik mo anak, magsasama na ulit tayo. Saglit lang naman 'yun e. Tapos dito ka mag-aaral ng college ha? Doon ka sa pinakamagandang university,"
"Talaga po mommy?" Sa wakas ay nagkaroon ng buhay ang mukha ni Jan. "Pag-aaralin niyo po ako ng college?"
"Bakit hindi pa sa States? Kasama mo pa 'yung lolo mo du'n," pagsingit naman ni Levi habang inaayos ang kanilang mga bagahe sa loob ng sasakyan.
"Ano ka ba Levi," protesta ni Mia, "dito nga ang gusto niya e. Huwag ka ng makulit. Magpapagamot lang siya du'n."
"Okay, okay. Sige na," lumapit si Levi kay Mia at hinalikan ito sa noo. Nasa loob ng bahay si Jay-Jay at hawak ng kanilang kasambahay. Simula kasi nu'ng mangyari ang insidente ay hindi na nila pinagtabi o pinagsama ang magkapatid.
"Ingat, mahal." Malambing na tugon ni Mia.
"I love you," sambit naman ni Levi at humalik sa labi ng kanyang asawa.
Bahagyang napangiti si Jan sa nakita at pumasok na lamang sa sasakyan. Medyo awkward makitang naglalambingan ang kanyang mga magulang, ngunit natutuwa pa rin ito dahil kitang-kita niya ang pagmamahalan nila sa isa't-isa.
Naalala din niya si Vince. Malamang naghihintay 'yun sa kanya ngayon, lalo pa at nangako siyang sabay silang magmamartsa.
Ngunit sa ngayon ay kailangan niya munang isipin ang kanyang paggaling. Naniniwala naman siyang babalik din siya agad.
***
Alas sais na ng gabi natapos ang graduation ceremony. Nagpaalam naman si Vince sa kanyang ama na may pupuntahan lang ito saglit, at uuwi din siya agad.
Upang mas mabilis siyang makarating ay nag-taxi na lamang ito. Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate. Agad inabot ni Vince ang bayad sa driver, lumabas, at nag-doorbell.
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang gate, at bumungad sa kanya ang mommy ni Jan. Kamukhang-kamukha niya talaga ang mommy niya, naisip niya habang pinagmamasdan ang kanilang pagkakahawig.
"Ikaw si Vince, 'di ba? Anong ginagawa mo dito?"
"Ah, si Jan po? Hindi po ba kayo umattend ng graduation?" Tanong nito, hawak-hawak pa rin ang tatlong rosas.
Nagpakita ng onting lungkot si Mia. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa binata na umalis na si Jan, lalo na at hindi niya pwedeng malaman kung bakit.
"May nangyari po ba sa kanya?" Muling tanong ni Vince nang makita ang naging reaksyon ni Mia.
"Pumunta na kasi siya sa States, kasama ng daddy niya."
Tila nawalan na ng pag-asa ang binata. Ang buong akala niya ay magsasama pa sila ni Jan, maging sa kolehiyo. "Uuwi din po ba siya? Kailan po?"
"Uuwi din siya, 'wag kang mag-alala."
Kahit paaano ay nabawasan ang lungkot niya. Natuwa ito sa balitang magkikita pa sila, at gaano man katagal 'yun, ay maghihintay siya.
"Para kay Jan ba 'yan?" Tanong ni Mia nang mapansin ang tatlong rosas.
"Ah, opo." Sagot nito at inabot ang rosas. "Sayang nga po, hindi ko na naabutan."
"Salamat, hijo. Hayaan mo, ibibigay ko 'to sa kanya pag-uwi niya. Congrats din pala ha."
"Thank you po," wika ni Vince, at paatras na humakbang saka nagpaalam, "sige po, una na po ako."
"Ingat ka," ayun na lamang ang nasabi ni Mia at pinanood na makalayo ang binata bago isarado ang gate.
Iniisip niya kung saan nga ba niya nakita ang batang iyon at parang pamilyar ang mukha, o baka may pagkakahawig lang.
Isang pangalan ang sumagi sa kanyang isip, ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. Imposible namang buhay pa ang taong iyon.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Misterio / SuspensoNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...