Chapter 42

773 31 0
                                    

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" Tanong ni Japs kay Meryl.

Magkatabi silang nakaupo sa sofa habang nanonood sa maliit na TV. Gabi na ngunit nasa labas pa rin si Amanda. 

Sanay na naman si Japs na madalas lumabas ang kanyang ina kahit pa hindi nito sabihin kung saan siya pupunta. Minsan nga, hinihintay pa din niyang dumating ang araw na makahanap siya ng lalaking mamahalin din siya ng buo. Tutal naman, hindi pa ito kasal kahit kanino. Sadyang ginagamit lang ni Japs ang apilyedo ng kanyang ama dahil tumira rin naman siya sa mansyon noong bata siya.

"Anong sasabihin ko?" Tugon ni Meryl nang hindi inaalis ang tingin mula sa TV.

"Yung sinabi mo kanina." 

"Ano ba'ng sinabi ko kanina na gusto mong sabihin ko ngayon?"

"Ang sinasabi ko lang naman, gusto kong sabihin mo 'yung sinabi mo kanina kaya ko tinanong kung wala ka bang sasabihin. Ngayon, sasabihin mo na ba?"

Walang emosyong tumingin si Meryl at ilang segundo lang ay tumingin na lang ulit sa TV. "Ang corny mo." 

"Okay, fine. Seryoso na." Inalis ni Japs ang ngiti sa mukha at muling nagtanong, "bakit ka nagsinungaling kanina? Sabi mo nasa States yung parents mo."

"Totoo 'yung sinabi ko."

"Weh?"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

"Patingin nga ng number ng tinext mo kanina. Proof na number pang-US 'yan."

"Dinelete ko na." 

Napabuntong hininga na lamang si Japs. Hindi pa rin ito kumbinsidong umalis nga ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi na muna niya pipiliting umamin si Meryl dahil malamang, may rason kung bakit niya ginagawa 'to. Kung bakit wala pa siyang balak puntahan ang kanyang mga magulang.

Tumayo si Japs at panandaliang pumasok sa kanyang kwarto. Lumabas din siya agad nang makuha ang proposal letter na inabot ni Dr. Gail.

"Sisa, para sa'yo pala 'to."

Kinuha ito ni Meryl at binasa ang content. 

"Kinausap ako ni Dr. Gail tungkol dyan. Pero syempre ikaw pa rin naman ang makakasagot kung okay lang sa'yong pag-aral niya 'yung kundisyon mo."

"Okay sa'kin." Mabilis na sagot ni Meryl. Halos iniscan niya lang din ang two pages na proposal letter.

"Binasa mo ba lahat? Inintindi mo ba?" Pagtataka ni Japs. "Pwedeng ma-invade 'yung private life mo dyan, okay ka lang dun?"

"Samahan mo na lang ako sa office niya bukas." 

"Meryl, ano ba'ng problema?" Pakiramdam ni Japs ay madami pang hindi sinasabi sa kanya ang dalaga.

"Wala, ano ba'ng dapat kong problemahin? Pinakita mo sa'kin 'yung letter, eto na 'yung sagot ko. Okay lang sa'kin, in fact makakatulong pa nga sa'kin 'to, 'di ba?" 

"Ano ba'ng pinaplano mo?"

Tumayo si Meryl at tumungo sa maliit na kusina upang kumuha ng tubig. Gusto niya lang talagang umiwas sa mga tanong ni Japs. Ramdam niyang hindi nanaman ito titigil hangga't wala siyang binibigay na matinong rason.

"Meryl, kausapin mo 'ko. Ano ba talagang nangyari kela Vince? Bakit kailangan mong lumayo, bakit pati mga magulang mo, pinagtataguan mo?" Sunod-sunod na tanong ni Japs habang nakabuntot kay Meryl.

"Sasabihin ko rin naman sa'yo e. Pero hindi ngayon, Japs. Hindi ba pwedeng gusto ko lang makasama ka?" 

"But I need to understand. I know you're going through a lot of things now and I want to help, Meryl."

"Hindi mo 'ko maiintindihan, Japs." 

Natigilan si Japs sa naging sagot ng dalaga. "What? Hindi kita maintindihan? Pero bakit ako 'yung nilalapitan mo sa tuwing may kailangan ka?" 

Naalala nanaman niya ang sinabi ni Dr. Gail na sa lahat ng taong kilala ni Meryl, siya ang pinagkakatiwalaan nito. If after all hindi naman pala niya naiintindihan ang babae, then everything just doesn't make any sense.

"Di ba, kaibigan kita?"

"K-kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Japs. "kaibigan mo 'ko?" sarkastikong napatawa si Japs at napapunas sa kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang palad.

"Japs,"

"Sabihin mo nga sa'kin, Meryl. Kahit dito lang, please, maging totoo ka. Mahal mo ba talaga ako? O ginagamit mo lang ako kasi alam ko kung anong lihim mo?" 

Napayuko ang dalaga at panandaliang natahimik. "Mahal ko si Vince. Pero mas gusto kitang makasama."

"B*llshit!" Kasabay ng kanyang pagmumura ay ang pagsipa niya sa isang container. Dala na rin ng galit ay nasuntok pa niya ang pader. 

Iniwas na niya ang tingin kay Meryl, tumalikod, at lumabas ng sariling bahay. Pagka-start ng sasakayan ay mabilis niya itong pinaandar. Walang humpay siya sa pagbusina tuwing may mga humaharang. He just cannot stand the pain anymore. And tonight, he just want to get wasted to forget everything.

Nanginginig ang mga kamay ni Meryl. Muli itong umupo sa sofa, at gamit ang tissue ay pinunasan ang kanyang bibig. Sa bawat ubo niya ay may dugong lumalabas.

Muli niyang binasa ang proposal letter at napansing natuluan pala ito ng dugo. Gamit ang tissue ay sinubukan niyang alisin ito, ngunit mas lalo lamang kumalat at nagmantsa. Tiniklop na lang niya ang papel at inipit sa kanyang notebook. 

Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na rin si Amanda. Sinalubong siya ni Meryl sa pag-aakalang kasama nito si Japs, ngunit hindi.

"O Meryl, kumain ka na ba? Nasa'n si JP?" May panghihinang tanong ni Amanda. May hawak itong medical certificate, at nang mapansin niyang napatingin si Meryl doon ay agad niya itong tinago.

"Umalis lang po si JP. Sa'n po kayo galing?"

"Ah, wala. Madalas lang akong pumunta sa bahay ng mga kumare ko. Kaysa naman dito lang ako sa bahay, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Amanda at nagtungo sa kusina. "May ulam pa 'kong niluto kanina e, ipapainit ko na lang 'to."

Hindi sinasadyang naiwan ni Amanda ang med cert sa lamesa, kaya nabasa ito ni Meryl.

"May sakit po kayo sa puso?"

Agad itong inagaw ng ina ni Japs. "Ah... hija..." 

"Hindi ko naman po sasabihin sa anak ninyo kung hindi pa po kayo handa."

"Oo, Meryl. Wag mo sanang sabihin sa kanya kasi maaagapan pa naman 'to. May konting ipon na rin naman ako para sa heart's transplant." Sagot ni Amanda saka uminom ng isang basong tubig. "Medyo mahal nga lang, pero may tiwala naman ako sa Diyos."

"Tita, magpagaling po kayo ha. Kailangan po kayo ng anak niyo e." 

"Salamat, Meryl. Gusto ko pa din siyang makitang ikasal at magkapamilya." Natawa si Amanda at nagdagdag pa ng biro, "kayo pala. Tutal naman mukhang nagkakamabutihan na kayo."

Napangiti na lang din si Meryl. Pagkatapos ay tumulong na din sa paghahanda sa kusina. 


The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon