Chapter 15

972 49 2
                                    

Kalalabas lang ni Japs sa library nang makasalubong niya si Meryl sa hallway. Kapansin-pansin talaga ang pagiging inosente at maamo niyang mukha.

Muntik pa silang magkabunggo, ngunit agad na inalis ni Meryl ang kanyang tingin sa lalaki, tila ba hindi na niya ito namumukhaan.

"Snob din pala si Ms. Sisa," mahinang nitong tugon, at hinayaan na lang itong makalagpas. Bago pa man ito makalayo ay panandalian siyang huminto upang muling tignan kung saan patungo ang dalaga.

Napansin niyang huminto siya sa engineering department.

Nakapagtataka, iyon lamang ang sumagi sa isip ng binata. Nagsisimula na kasi ang night class ngayon, at halos lahat ng faculty ay nagsi-uwian na rin.

Unless na lang...

Agad inalis ni Japs ang hinala niya sa kanyang isip. Imposibleng may mangyari ulit na masama, gayong matagal na rin noong huli niyang nabalitaan ang ginawa ng propesor.

***

"Sir, sorry po talaga hindi ako nakapunta last week. Umattend po kasi ako ng make-up class dahil hindi po ako naka-attend nu'ng mismong oras ng klase ko." Pagpapaliwanag ni Meryl sa nakaupong propesor.

"It's okay, hija. I'm glad you came today." Mahinahong sagot nito, tumayo, at sinandal ang sarili sa kanyang lamesa upang mas mapalapit sa inosenteng estudyante.

"Besides, you can always make it up to me,"

Natuwa si Meryl sa pagiging 'mabait' ni Dr. Draco sa kanya, ngunit dahil sa hahanapin pa niya si Vince ay kailangan na rin niyang umalis agad.

"Ano po ba ang kailangan niyong tulong sa boyfriend ko? Magkikita pa po kasi kami mamaya,"

Kumunot ang noo ng propesor nang malamang magsasama pa sila ng pasaway na estudyanteng iyon.

"Gusto mo bang pumasa ang boyfriend mo sa subject ko?" May pananakot na tanong niya.

"Opo! Gusto niyo po bang turuan ko siya?" Masigla namang sagot ni Meryl.

Mas lalong ginanahan si Dr. Draco sa pagiging masigla ng kanyang biktima. Lumakad ito palapit sa kanya, hinawakan ang magkabilang balikat, saka hinigit upang isandal sa dingding.

Sa pagkabigla ni Meryl ay hindi na nito magawang makagalaw, lalo na nang idikit ng propesor ang ulo nito sa kanyang leeg, animo'y inaamoy ang kanyang pabango.

Sinubukang kumalas ni Meryl at nagsimulang magsisigaw.

"Gusto mo, 'di ba? Ganito lang naman kasimple ang kailangan mong gawin," bulong ng uhaw na guro saka pinagpatuloy ang paghimas sa katawan ng estudyante.

Pilit na sumisigaw ng tulog si Meryl sa abot ng kanyang makakaya, ngunit mas lalo itong nahirapan nang takpan ng kamay ang kanyang bibig.

Isang flower vase ang pumukaw sa atensyon niya. Nasa lamesa ito, ngunit imposibleng maabot niya ito dahil hindi nga siya makawala sa mahigpit na paghawak ng guro.

"Papatayin kita," ito lamang ang mga salitang lumabas sa kanyang isip habang patuloy na nakatitig sa vase.

Kasabay ng pag-galaw ng kanyang utak ay ay pag-angat ng vase mula sa lamesa.

Ilang sandali lang, ang walang kamuwang-muwang na si Dr. Draco ay tinamaan ito. Rinig na rinig ang malakas na pagkabasag ng vase sa kanyang ulo.

"What on..." hindi makapaniwalang sabi ni Japs sa nakita, "earth?"

Binalikan niya si Meryl nang hindi siya tantanan ng kanyang konsensya. Ngunit hindi niya agad naawat ang propesor dahil nang dumating siya, isang lumilipad na flower vase and bumungad a kanya.

Napahiga ang propesor, at saka  kumalat ang dugo mula sa kanyang ulo.

Napaupo na lang din si Meryl sa pagkagulat. Maging siya ay hindi inaasahan ang lahat ng pangyayari.

Dahan-dahang lumapit si Japs, inalis ang jacket at ibinalot sa halos hubad na katawan ni Meryl.

Natatakot itong hawakan siya, ngunit kung pagmamasdan ay tila isa lamang siyang babaeng walang kalaban-laban. Isang babaeng napagsamantalahan.

Napaubo si Meryl nang makaramdam ito ng hilo at hirap sa paghinga.

"Let's go, bago pa may makakita sa'tin." Nanginginig pa rin na sabi ni Japs, habang patuloy pa din sa pag-ubo ang babae.

Maingat niya itong hinawakan, pagkatapos ay binuhat na lamang at dali-daling lumabas sa kwarto.

Alam niyang mag-iingay nanaman ang eskwelahan dahil sa insidenteng ito, ngunit hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag ang pagbato ng flower vase sa ulo ni Dr. Draco.

Sana lang ay buhay ito, kung hindi ay baka panagutan pa nila pareho ang nangyari.

"Uy, ayos ka lang ba?" Muli nitong tanong at ibinaba muna si Meryl sa tagong lugar ng school park, kung saan may artificial grass at tree.

Kanina pa kasi ubo ng ubo si Meryl, at hindi na ito tumigil simula nang umalis sila sa building.

Hinalungkat ni Japs ang bag upang kumuha ng tubig. Bago pa man niya ito mai-abot at mapainom kay Meryl, ay bigla na lamang itong sumuka ng dugo.

"Uy, Sisa!" Wala na siyang ibang pangalan na masabi kaya iyong pinalayaw na lamang niya ang ginamit.

Ipinasandal niya ito sa kanyang dibdib, kumuha ng panyo upang ipunas sa dugong tumulo, at pina-inom ng tubig nang medyo nabawasan na ang kanyang pag-ubo.

"Dadalhin na kita sa ospital," ito na rin ang nakikitang pinaka-mainam na gawin ni Japs, ngunit hindi ito agad na nakausad nang hawakan ni Meryl ang kanyang kamay.

Sobrang lamig nito, at kanina pa kinikilabutan si Japs dahil para siyang may kasamang bangkay.

"Teka lang," mahinang wika nito at dahan-dahang tinulak ang sarili mula sa kanya. "Kaya ko,"

Nagawa pa nitong ngumiti. Ito ang pinaka-pinagtataka ni Japs. Baliw ba talaga 'tong babaeng 'to?

Isa ba siyang Android o cyborg at nagawa niyang magpagalaw ng isang bagay?

O baka naman siya na ang superhero na hinihintay ng mga tao dahil may mga alien na parating, ngunit dahil bago pa lamang siya sa earth ay naninibago pa ang kanyang katawan?

Ugh, masyado na 'kong nag-iisip ng kung ano-ano, sambit niya sa sarili.

"Ano bang ginagawa mo doon sa office ni sir Draco?" Ito na lang ang una niyang tanong, tutal naman ito ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat.

"Sabi niya kasi kailangan niya ang tulong ko para kay Vince. Hindi ko naman alam na iba pala 'yung tulong na sinasabi niya,"

Napamura sa isip si Japs. Naiinis siya kay Vince dahil hindi man lang nito maprotektahan ang babae niya. Nanloko at nag-two time na nga siya, hindi pa siya marunong magpahalaga.

"At paano naman..." hindi magawang itanong ni Japs ang ginawa niyang self-defense.

Paano kung sabihin nga niyang galing siya sa planetang Mars, at totoong may superpowers siya? Paano kung siya naman ang maging biktima?

Ngunit kung hindi naman niya ito babanggitin, baka habambuhay na itong maging pala-isipan sa kanya.

"Yung lumipad na vase kanina,"

"Huh?" Nagtatakang sabi ni Meryl na para bang walang alam sa sinasabi ni Japs. 

Ang totoo ay wala na siyang matandaan maliban sa ginawang masama ni Dr. Draco, at ang pagdating ni Japs.

Ang alam lang niya ay 'yung lalaki ang nagligtas sa kanya.

"Saan ka nga pala, nauwi? Hatid na kita," suhestyon ni Japs at inalalayan na rin ang dalaga sa pagtayo.

"Sa dorm lang ako," sagot ni Meryl. Ngunit dahil naaawa pa rin ang binata sa kanyang kundisyon, nagmagandang-loob na siyang ihatid ito.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon