Nagising si Meryl sa ingay. May kurtinang nakaharang sa maliit na espasyo ng ospital. Bumangon siya mula sa kanyang kama, sakto namang may bumisitang nurse para sabihing wala namang nakitang kumplikasyon kaya maaari na rin siyang ma-discharge.
"Nasa kabilang ward lang po 'yung kasama niyo," tugon ng nurse pagkatapos pa-fill up-an ang isang form kay Meryl.
Dahil sa amusement park nangyari ang insidente, ang kumpanya na rin ang sasagot sa pagpapagamot ng mga pasyente.
Hinawi niya ang kurtina at saka lumabas, nilibot ang mga mata at naglakad ng kaunti. Nasa emergency room lang naman siya, kung saan karamihan ng pasyente ngayon ay sugatan dahil sa insidente sa horror house.
Napahawak siya sa kanyang ulo nang maalala ang nangyari. Sa kanang bahagi ay nakita niyang duguan ang isang lalaki. Agad namang hinila ng mga nurse ang kurtina para magamot ito ng maayos.
Unti-unti siyang nagpanic nang maalala si Japs. Sa paghahanap niya sa lalaki ay iba't-ibang ward ang kanyang nabubuksan. Napapasinghap siya sa gulat tuwing may nakikitang mga pasyenteng nasa malalang kundisyon. Binalikan niya ang ward na pinanggalingan at tumungo sa katabi nito, at saka hinawi ang kurtina.
Nakaupo si Japs sa kanyang hospital bed. May benda ito sa ulo dahil sa tinahing sugat. "M-meryl,"
Kitang-kita ng lalaki ang pagtataka at pagkatakot sa mukha ni Meryl. Lumakad ang dalaga palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.
"Okay ka na ba? Buti nagising ka na. Sorry kung dinala pa kita sa horror house. Kasalanan ko talaga lahat e." Sa katunayan, kanina pa sinisisi ni Japs ang sarili.
Ngunit hindi naman siya pwedeng magsalita lalo na't pinagkakaguluhan ngayon ng media ang insidente. Kung aamin siyang may alam siya sa nangyari, siguradong ikakapahamak ito ni Meryl.
"Uy, bakit ka umiiyak?" Tanong ng lalaki. Walang maisagot na kahit ano si Meryl kundi ang kanyang pag-iyak.
"Umiiyak ka ba kasi..." hinila ni Japs si Meryl at maingat na niyakap ito. "Kasi akala mo mamamatay na 'ko?"
He sighed heavily, stroked her hair, and tried to lighten up the mood. "Siyam kaya ang buhay ko. Hindi mo 'ko mapapatumba sa isang titig mo lang. Pero kung 'yang titig mo naman na 'yan ang makakaubos ng siyam na buhay ko, edi masaya akong mamamatay."
Tinulak ni Meryl ang sarili mula sa lalaki. Kunot-noo nitong tinignan si Japs.
"Sorry na, Sisa! Wag mo 'kong tunawin joke lang 'yon gusto ko pang mabuhay may mga pangarap pa 'ko gagraduate pa 'ko magtatrabaho at bibili ng malaking bahay!" Dere-deretso niyang sabi at dali-daling hinawakan ang pisngi ni Meryl upang ibaling ang tingin nito sa pader.
"Ayan, ganyan na lang tayo mag-usap. Sanayin mo nang sa pader ka nakatingin ha? Sayang naman kagwapuhan ko kung matutunaw lang din pala." Pang-aasar pa nito lalo.
Inalis ni Meryl ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi at dahil sa inis ay pa-walk out na sana nang hawakan naman ni Japs ang kanyang kamay upang hilain ito pabalik.
Sa isang iglap ay muling naglapat ang kanilang mga labi. Pinalupot ni Japs ang kanyang dalawang braso sa baywang ng dalaga.
"I do love your eyes, Meryl... just not your monster genes." He whispered, at bago pa muling makapagprotesta si Meryl, he kissed her again.
"John Patrick, ano nanaman ba--" Nanlaki ang mga mata ni Amanda pagkahawi sa kurtina ng ward ni Japs. Tinext kasi ito ng anak ilang minuto ang nakalipas.
At dahil isang jeep lang naman ang layo ng ospital kung saan siya nagtatrabaho ay dali-dali na siyang umalis para puntahan si Japs.
Hindi naman niya inaasahan ang scenario na maaabutan.
"N-nay!" Gulat na sambit ni Japs. Napayuko si Meryl nang makaramdam ng hiya sa harap ng ina ng lalaki.
"Nay, minor injury lang po, p-pero bawal daw akong pagalitan masyado kasi baka pumutok. Kakatahi lang," May halong kabang paliwanag ni Japs habang tinuturo ang kanyang ulo.
"Baka pumutok?! Paano mo naman ipapaliwanag sa'kin itong..." muling natigilan si Amanda nang ibaling ang tingin kay Meryl. Namumula na ito sa hiya, at hindi naman niya gustong ipahiya ang dalawa.
"Haynako, JP. Nagmadali pa naman din akong umalis sa trabaho ko!"
"Nay, wala naman po akong sinabi sa text na pumunta ka dito."
"Paanong hindi? Ang OA kaya ng text mo. Nasa emergency room ka, pumutok ang ulo mo at kailangang tahiin. Nahihilo ka. Sino ba'ng magulang ang hindi mag-aalala dun, ha?" Napapahawak na lang si Amanda sa kanyang dibdib habang ngingiti-ngiti lang si Japs.
"Dyan ka magaling. Hindi mo sineseryoso mga sinasabi ko."
"Ayos na 'ko Nay. Sagot na rin daw ng ospital 'yung pagpapagamot."
"Buti naman," sagot ni Amanda at saka kinausap si Meryl, "okay ka lang ba, hija? Alam na ba ng mga magulang mo?"
"H-huh?" Halos wala sa sariling sagot ni Meryl. "O-opo... kaya lang po nasa States kasi sila ngayon... hindi po sila agad makakapunta. P-pero ayos na naman po ako, tatawagan ko na lang po ulit sila mamaya."
Kumunot ang noo ni Japs at tinignan ang dalaga. Alam nitong nagsisinungaling si Meryl, dahil imposible namang biglang umalis ang mga magulang niya papuntang States nang hindi man lang siya dinadalaw.
"Ganu'n ba? Pwede ka namang tumuloy ulit sa'min kung wala ka rin palang kasama sa bahay niyo."
"Thank you po." Matipid na sabi ni Meryl at bahagyang ngumiti.
***
Nanlumo si Vince nang malaman niyang bilang na pala ang araw ng kanyang amang si Richard. Dahil na rin sa shock ay hanggang ngayon, hindi pa rin ito gumigising.
Pagpasok na pagpasok niya sa kanyang kwarto ay napaupo na lang siya sa sahig at napasandal sa pader. Hindi na niya alam kung paano pa niya haharapin ang buhay mag-isa kung pati ang kanyang ama ay mawala na rin ng tuluyan.
Napansin niya ang mga papel sa kanyang kama. Nakalimutan na halos niyang hanapin si Meryl, ngunit paniguradong wala na itong balak makipagkita pa.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at isa-isang inayos ang mga papel upang basahin ang mga ito.
Compilation ito ng buong storya ng pagkakasangkot ni Richard Fermano sa buhay ni Aurora Villegas. Naroon din ang mga litratong nakuha ng witness na si Chris Ferrer na nagsisilbing ebidensya laban sa kanyang ama.
Hindi na niya kailangan pang basahin ang lahat ng dokumentong naroon. Sapat na ang ilang ebidensya upang malamang kasinungalingan ang lahat ng kwento ng kanyang ama.
Napasabunot siya sa kanyang ulo. His dad injected the mercy killing chip. It almost killed Mia, and now, it's killing her daughter, Meryl Danes.
"Why, Dad... why?!"
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Mystery / ThrillerNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...