Chapter 4
Second Life
"You can now take your recess." At lumabas ang teacher namin
Agad akong lumabas upang sundan si Felix.
"Oy Jade sandali lang!!" Sigaw ni Ken
Hindi ko na sya nilingon at tumakbo ako upang hanapin si Felix.
Huminto ako sandali sa likod ng school dahil pagod na pagod na ako kakahanap. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa.
Hingal na hingal na ako at kung saan-saan na ako nag punta pero hindi ko pa rin sya makita.
Sa di kalayuan nakita ko si Felix na nasa likod ng kabilang building. Lalapitan ko sana sya pero nakita kong may kasama syang babae at bigla nalang syang hinalikan nito.
Tinakpan ko ang bibig ko sa sobrang gulat, pilit kong nilalabanan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
Pero sa huli di ko na napigilan. Bumuhos ang luha ko nang makita kong tumugon sya sa bawat halik ng babaeng yun.
Felix ano bang ginagawa mo??
"Mahal na Mahal kita Jade, At kung magkaroon tayo ng second life, hahanapin kita. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko."
Napaurong ako.....
Second life?
Second life?
Nasa second life ba ako?
Biglang may tumakip sa mga mata ko.
"Anong--"
"Sshh si Ken to tara na sasabihin ko na sayo ang totoo."
----
"Jade makinig ka sa akin mabuti..." hinawakan nya ang dalawang balikat ko.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Nandito ka sa pangalawang buhay mo. Dito sa lugar na to tanging ikaw lang ang nakakaalam ng past mo at ako syempre."
"Bakit ako at ikaw lang nakakaalam ng past natin? Bakit si Felix hindi? Si eomma di rin nya alam!"
"Hindi ko rin alam. Nagising nalang ako isang araw na nandito ako at matapos ng ilang araw nakita kita dito. Tandaan mo to, araw-araw ka pumapasok sa school na to, Hindi ka umaabsent." Aniya
"So ibig sabihin matagal na ako nandito? Kahit kanina lang ako nakapunta dito?" Tanong ko
"Oo. Ganun na nga. Kaya don't act weird or else mag tataka sila. Hindi mo pwedeng sabihin sa lahat na second life to dahil tatawanan ka lang nila. Hindi sila maniniwala."
"Paano si Felix?"
Huminga sya ng malalim.
"Wag mo muna alalahanin si Felix. Ang mahalaga malinaw na sayo ang lahat. Mag pakatatag ka Jade. Kaya mo yan."
"Papaano kung di ko kayanin?" Maluha-luha kong sabi
"Kakayanin mo. Para kay Felix at sa magiging anak nyo."
Tumulo ang luha ko.
"Ang anak ko!!" Di ko na napigilang humagulgol.
Tinapik ako sa likod ni Ken.
"Tara na malelate na tayo sa susunod nating klase"
Hinaltak na ako ni Ken papalayo at bumalik na kami sa classroom.
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
RomanceJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...