Chapter 7
Ulan
"Tulog mantika gising na!"
Parang dati ako ang gumigising sa kanya. Nakakalungkot isipin na hindi na ata kami babalik sa dati. Pero masaya rin ako nang malaman ko na mahal nya rin pala ako. Yun nga lang hindi nya alam na asawa nya ako.
Nakakalungkot pa rin
"Sige na gising na~"
Ayoko munang idilat ang mga mata ko. Susulitin ko muna to baka kasi di na maulit pa.
"Jade sige na! Lalamig tong pagkain gutom na ako!" Kahit kailan talaga para syang bata.
Idinilat ko ang mata ko at nakita ko syang nakakunot ang noo. Kaaga-aga ang sungit nito!
"Good Morning." Sabi ko
Ngumiti sya
"Good Morning. Kain na lalamig ang pagkain."
Pumunta na kami sa dining area ng kwarto namin at kumain na kami.
Tumingin ako sa mga kamay niya kung suot nya ba ang wedding ring namin. Umasa ako pero wala. Asan kaya? Bakit ako lang ang may suot sa aming dalawa? Di kaya tinapon nya? Hindi naman siguro.
Pagka-kain namin sabi nya mag bihis daw ako ng pang-alis, lalabas daw kami. Di ko alam kung anong topak ang sumapi sa lalaking to.
Nung 1st day of school ko ang sungit sa akin tapos kinabukasan sinundo ako at dinala dito. Ewan ko na.
Siguro lukso ng pag ibig?
"....I think, I-I like you Jade...I don't know how or when....but I mean it. Good Night."
Bigla akong napangiti ng maalala iyon. Sigurado akong hindi isang panaginip yun. Kahit pagod na pagod na ako nung araw na iyon alam kong hindi ako nananaginip nun.
"You look very beautiful." Aniya
ASDFGHJKL! Bakit ka ba ganyan Felix!! Marerape kita ng wala sa oras nyan eh, Gagawin mo pa akong makasalanan.
"Thank you." Sagot ko nang makahinahon na ang buong sistema ko
Lumabas kami ng hotel at sumakay sa sasakyan nya. He's wearing white t-shirt, denim jacket at jeans. Hemeghed
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan." Sabi niya at tumingin sa daan.
Binuhay nya ang makina at nag libot-libot na kami. Grabe sobrang ganda dito sa Baguio at malamig pa! Kung ano-ano ang binili namin habang nag r-road trip kami. Hanggang sa gumabi na at napag pasyahan na naming umuwi.
Habang tinatahak namin ang daan papauwi biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Hininto ni Felix ang sasakyan sa gilid ng kalsada at ngumisi sa akin.
"Ligo tayo sa ulan?"-Felix
Unting-unti nawala ang mga ngiti sa labi ko.
"Ligo tayo sa ulan?" sabay gumuhit ang malokong ngiti sa mukha ni Felix.
"Seryoso ka? I mean with my wedding dress? Seriously?"
"Yes I'm serious. Let's go?"
"Uy! Jade! Tara! Ligo tayo sa ulan!" at bigla sya ng lumabas ng sasakyan.
"UY!! BAKA MAG KASAKIT KA NYAN!!"
"WAAHHH ANG SAYA!! C'MON!! WAG NG KJ MISIS KO!"
Napaangat ang tingin ko kay Felix na nasa labas at tuwang-tuwa sa ulan. Lumabas ako ng sasakyan at sumama na rin kay Felix sa pag ligo sa ulan.
Nasa kanya lang ang atensyon ko habang naliligo kami. Wala pa rin syang pinagbago. Childish pa rin talaga to...
"Alam mo ba Jade, Ngayon lang ako nakaligo sa ulan!" Sigaw nya
"HAHAHAHA NGAYON LANG AKO NAKALIGO SA ULAN!"
"AKO RIN HAHAHA MASAYA NGA TALAGA!!"
"Ako rin!" sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Ang sarap pala sa pakiramdam!! Bat ka nakatulala dyan? Tara!!" Bigla nya akong hinaltak papalapit sa kanya at talon kami ng talon.
Para lang kaming mga batang nakawala sa kural kung tutuosin.
"I miss you. Come back Felix, Come back to me." at bumagsak ang mga luha sa mata ko.
"Ha?! Ano?!!?"
Syempre sa sobrang lakas ba naman ng buhos ng ulan, imposible talagang marinig nya ako, lalong-lalo na ang makita ang mga luha sa aking mukha.
Umiling lang ako at ngumiti, sinuklian nya naman iyon ng napakatamis na ngiti.
Come back to me, Come back to me Felix....
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
RomanceJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...