Chapter 8
I'm Just Kidding
*Play the video above while reading*
"Dapat kasi di kana naligo sa ulan. Ayan may lagnat ka tuloy."
"I'm okay." Ngisi nya habang nakapikit.
Tumayo ako at nag tungo sa banyo para kumuha ng towel at tubig. Pag balik ko payapa nang natutulog si Felix. Dahan-dahan ko syang nilapitan at pinunasan, napakislot sya ng konti pero bumalik agad sa pagka-katulog.
Umupo ako sa gilid nya nang matapos ko na syang punasan, Tinitigan ko mabuti ang kanyang mukha. Ang perpekto nyang brown na buhok, ang mga mata nyang nakakainlove, ang matangos nyang ilong at ang mapula at nakakaakit nyang labi.
I want to kiss him so bad pero shit! Stop it Jade! ni hindi ka nya kilala! ni hindi ka nya naaalala!
Hindi tama to.
Nakakalungkot na isipin na sa mundong to wala akong karapatan kay Felix. Wala akong karapatan sa sarili kong asawa, pero hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat bumalik lang ang Felix ko. Bumalik lang ang alaala nya.
"Felix bibili lang ako sa labas ha?" bulong ko
Aalis na sana ako kaso bigla syang nag salita. Iyon ang dahilan kung bakit ako nanigas sa kinakatayuan ko ngayon.
"Babe."
Nilingon ko ang natutulog na si Felix.
"Babe." ulit nya
Hindi ako makagalaw, Hindi rin ako makapag salita. Tumulo nalang ang mga luha na galing sa aking mga mata.
God knows how much I miss that endearment. God knows how much I want to hear it once again.
Tumakbo ako papalabas ng kwarto namin dahil hindi ko na mapigilan pang humagulgol, baka magising pa si Felix. Sumandal ako sa pintuan ng kwarto namin at doon ako nag i-i-iyak. Bakit sa dami-dami ng tao kami pa ni Felix?
I wanna run into Felix arms, Act like we used to.
Biglang bumukas ang pintong sinasandalan ko at muntik na akong mahulog, buti nalang may sumalo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang napag tanto ko na si Felix pala iyon.
"Why are you crying?" nakita ko ang pag aalala sa mga mata ni Felix
Umiwas ako ng tingin
"What happened? Is everything ok?" At yun. Bumuhos nanaman ang mga luha ko. Lintik na yan
Wala na syang sinabi pa at bigla nalang nya ako kinabig paharap sa kanya at inakap ako.
"What can I do?"
"J-Just h-hug me tight. Hold me tight." naramdaman ko ang higpit ng yakap ni Felix sa akin, Ang yakap na ayaw kang pakawalan. Darn! It feels so good to be embraced by the love of your life.
He kissed the top of my head and he sighed.
"Come on, let's sleep together. I know your tired." At dinala nya ako sa kama namin.
Humiga kaming dalawa at niyakap nya ako. Niyakap nya ako ng mas mahigpit kaysa sa kanina. Ramdam ko pa na may sakit pa rin sya.
"Don't think of anything, Let's just sleep."
Ipinikit ko ang aking mga mata, dinama ko mabuti ang mainit na yakap ni Felix dahil baka hindi na ito maulit.
Idinilat ko ang mga mata ko nang tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw, Habang itong si Felix ay tulog pa rin at nakaharap sa akin. Napangiti ako nang narealize ko na yakap nya pa rin ako. Gusto ko palagi nalang kaming ganito, walang problema, walang nasasaktan, walang nahihirapan. Kung titignan mo kami ngayon, Everything seemed so perfect pero kung ikaw ang nasa kalagayan ko, everything is not okay. Nothing is perfect.
I kissed the tip of his nose at bumangon na ako sa pag kakahiga.
I went to the nearest convenience store to buy some food. Habang humahanap ako ng makakain namin ni Felix biglang may tumawag sa akin.
"Jade! Nandito ka rin pala." at ngumiti sya
Hindi ko sya kilala to be honest. Kaya ngumiti nalang din ako.
"Pasensya na nga pala sa nangyari noong nakaraang buwan ah. Loko kasi yung mga yun. Di na mauulit."
Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Felix na muntik na akong mapahamak last month dahil sa Jared na yun.
"Jared?"
"Yes?"
Yumuko lang ako, ano bang sasabihin ko? Wala naman akong alam sa nangyari.
"Jade sino nga pala kasama mong pumunta dito?" tanong nya
"Si Felix."
Bigla syang napalunok ng mariin, Dumilim rin ang mga titig nya sa akin. Mukhang may alitan ata sila ni Felix.
"Ah, Yung pakielamerong yun." ngisi nya
"Sige Jade alis na ako. Enjoy nalang." Lumabas sya at sumakay na sa kotse nya
Ang kapal ng mukha nyang sabihan ng pakielamero si Felix! Huminga ako ng malalim at nag tungo sa counter.
Pag kabalik ko sa room namin ni Felix, nakita kong natutulog pa rin sya, Lumapit ako sa kanya at inilapat ko ang kamay ko sa noo nya. Mainit pa rin sya. Inilapag ko ang mga pagkain na binili ko sa mesa at inayos ko ito.
"Felix gising na, kain na tayo."
"Hm?"
"Gising na." sabi ko habang inaayos ko pa rin ang mga pagkain
Bumangon sya sa kama at pumunta sa likod ko sabay yakap.
"Ang bait naman ng misis ko."
Nabitawan ko ang basong hawak ko, buti nalang at nasalo ni Felix.
"Hey I'm sorry. I'm just kidding."
Nakatulala lang ako habang tumatango
Tinapik nya ang likod ko at nag tungo sya sa banyo.
What are you doing Felix?
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
RomanceJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...