STA 12

84 6 0
                                    

Chapter 12

Rejection


Tumitig ako sa salamin na nasa kwarto ko. Tinignan ko mabuti ang mukha ko. Ito na talaga ang araw na kailangan kong ayusin ang sa amin ni Felix, Wala nang atrasan to. Isasantabi ko muna ang mga gumugulo sa isipan ko.

Lumabas ako nang kwarto at nag tungo sa school, wala rin akong balak pumunta sa klase ko dahil napag alaman ko na hindi papasok ang mga teachers namin sa umaga, Urgent meeting daw.

Lumibot- libot muna ako sa buong school dahil wala akong magawa, ang boring. Sa hindi inaasahan nakasalubong ko si Jared.

"Jade." tawag nya sa akin ng mag tangka akong mag lakad papalayo sa kanya.

Pwede bang hindi ko nalang sya makita? I hate this guy.

Hindi ako huminto sa pag lalakad at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Jade!" rinig ko ang papalapit nyang hakbang

Tumakbo ako at naisipan kong mag tago sa likod ng building namin, tumingin ako sa likod ko at nakita ko syang hinahanap ako. Buti nalang nakatakas ako sa mga mata nya. Nakita ko rin na tumabo sya papuntang canteen. Akala nya siguro nandoon ako.

(Play the song at the media)

Ngumisi ako at tumingin sa gilid ko. Halos mag breakdown ako sa nakita ko. Nakita kong nag hahalikan si Felix at ang babaeng kahalikan nya noon. Gusto kong tumakbo papalayo ulit ngunit hindi sumang-ayon sa akin ang katawan ko, Sa halip na tumakbo ako ay lumapit pa ako sa kanila.

Bakit ba palagi ko nalang sinasaktan ang sarili ko?

Felix kissed her passionately, hinahalikan nya ito na para bang mahal na mahal nila ang isa't isa at parang wala ng bukas.

Tumulo ang mga luha ko, I can't take this anymore. Run Jade! Run!

Pero once again hindi nanaman sumang- ayon ang katawan ko. Para akong tangang umiiyak sa harapan nila.

"Felix.." Sambit ko.

Sa gulat nya ay naitulak nya ang babae.

"Shit." sabi nya

"Hey babe, we're not yet done." sabi ng babae

Bumuhos ang mga luha ko at kumawala sa bibig ko ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

"Leave us alone Kristine." sambit ni Felix

"But--"

"I SAID LEAVE US!"

Umalis ang babae sa harap namin ni Felix. So Kristine pala ang pangalan nya.

Nanghihina ako sa mga nakita ko. Pinag sisisihan ko na nag punta ako dito. Napa-upo ako at inakap ang mga tuhod ko habang umiiyak.

Why are you doing this to me Felix? Akala ko ba gusto mo ako?

Nakatingin ako sa mga bato, at inisip ko kung anong masamang nagawa ko to deserve all of this. Darn! this is too much!

"J-Jade.."

Hindi ko sya pinansin, ayoko. Wag muna ngayon.

"Jade bakit ka nandito?" malamig na sabi ni Felix

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko, Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim.

"S-sorry k-kung naistorbo ko kayo."

Tumingin lang sya sa baba at hindi nag salita.

"G-gusto ko s-sana sabihin na sayo yung t-totoo." sabi ko habang humihikbi

Napaangat ang tingin nya sa akin.

"F-Felix, I-I want you to come back to-"

"I can't do that Jade."

"A-akala ko b-ba? You l-like me?" yumuko ako sa sinabi ko, yun lang talaga kasi ang pinang hahawakan ko, Yung 'like' na yun

"Yes, I like you Jade but...I don't want any commitments."

Huminga ako ng malalim. I knew it. Alam ko na mangyayari to. Pero hindi ko inaasahang ganito kasakit. Sobra. Sobrang sakit. Para akong pinapatay ng dahan- dahan.

"It's too early, Naguguluhan ako Jade. Please wag ngayon."

And with that he just walked away from me.

I just watched him walking away from me. Ang sakit. Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito?

Pinunasan ko ang mga luha ko. At ngumiti ng peke.

"Ok lang ako, Ok lang ako." bulong ko sa sarili ko at huminga ng malalim.

I guess uuwi na ako, gusto ko muna mag pahinga. I had enough today.

Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon