STA 9

85 6 0
                                    

Chapter 9

Care to explain?


Ngayon na pala ang balik namin sa Manila, sinabi nya sa akin kanina habang kumakain kami ng umagahan. Ayoko pa sanang umuwi kaso may pasok pa kami, ayokong matapos ang moment na to. This is the only way I can pretend na bumalik na sa tama ang lahat. 

"Are your things ready?" he said

"Yep, para namang ang dami kong dala." ngumiti ako

Ngumisi lang sya at lumabas na.

Iniwan lang namin sa counter ang susi ng kwarto at dumiretso na kami sa parking.


Tahimik lang kaming bumibyahe pauwi ng Manila, hindi rin matanggal sa isip ko yung mga nangyari, Sana ganun din sya pero parang sa aming dalawa ako lang ang affected. 

"Felix gagamit lang ako ng banyo saglit, bibili na rin ako ng pagkain natin sa biyahe." paalam ko nang huminto kami sa Shell of Asia.

"Sige, go ahead." 

Kinuha ko ang wallet ko at lumabas na ng sasakyan, Hindi naman talaga ako nac-cr, gusto ko lang makawala sa awkward atmosphere namin ni Felix. Pumasok ako sa convience store. Humanap ako ng mga pwedeng makain namin at pumila na sa counter, Dahil gabi na, konti nalang ang mga taong nandito at hindi mahaba ang pila.

"Thank you ma'am for coming!" sabi ng cashier ng maibigay nya na sa akin ang mga binili ko.

Pinaglalaruan ko ang dala- dala kong supot habang pabalik ako sa sasakyan ni Felix, Napangiti ako nang makita kong malapit na ako sa sasakyan ni Felix.

Binuksan ko ang pinto at agad nang sumakay sa sasakyan.

"Eto na pala yung--"

Hindi na ako nakapag salita sa nakita ko, Si Felix, Hawak ang cellphone ko at ang kanya, Dahan- dahan nya ito pinag- dikit hanggang sa nabuo ang picture naming dalawa. Nabuo ang picture ng wedding kiss namin. 

Tumulo ang luha ko, Tanging mga hikbi lang ang tumakas sa bibig ko. Nakita ko rin ang reaksyon nyang gulat na gulat, hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o nakita ko talagang lumuha rin sya.

"It's you, Ikaw pala." dahan- dahan nyang sinabi

Nanatili lang akong umiiyak habang sya ay nakatulala sa cellphone namin. Nakita kong may kinukuha sya sa kanyang bulsa at ng ilabas nya ito nakita ko ang wedding ring nya. Tiningnan nya iyon ng mabuti tsaka inilipat ang kanyang tingin sa kamay ko.

Yumuko rin ako para tignan ang sing-sing ko.

"Shit." isinandal nya ang ulo nya at hinampas ang manubela

"Bakit ngayon ko lang napansin?!" His hands are now on his head, massaging it

Lalo akong napaluha sa mga inakto nya. Ito na nga ba ang kinakatakutan namin ni Ken, ang malaman nya ang totoo. I really want to talk to Felix about this, sasabihin ko naman eh, pero hindi pa sa ngayon. Wala to sa plano ko. It's to early for the love's sake! 

"B-but, I can't remember you. I don't even know kung kailan nangyari to. Care to explain?" sabi nya habang nakatingin pa rin sa mga pictures namin.

"Mahirap i-explain. L-let's just go home. I-I want to go h-home." sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko. 

Tumango sya at inilagay ang cellphone namin sa dashboard.

This will be my longest ride ever.





Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon