STA 24

74 3 0
                                    

Chapter 24

Zambales

"Are your things ready?" nilingon nya ang mga bag na dala ko

"Yes mom."

Lumapit si Mommy sa akin at inakap ako.

"Mag ingat kayo ha? Felix, ingatan mo si Jade ha." bilin ni Mommy kay Felix

"Yes Maam." sagot naman ni Felix na nakangiti

"Ikaw naman Felix, just call me Tita." humagikgik naman si Mommy

"Okay po, Tita," sabi naman ni Felix

Mukhang nag kakamabutihan si Mommy at si Felix, I think my mom really like Felix. Kahit noong nasa hospital palang ako ay naramdaman ko na gusto ni Mommy si Felix, Natuwa naman ako at mukhang boto si mommy sa napangasawa ko.

Nag paalam na kami kay Mommy at sabi ko kay Mommy na sabihin kay Daddy na umalis na kami, Wala kasi sya sa bahay. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tinulungan naman ako ni Felix tsaka kami nag lakad papalapit sa sasakyan nya.

Binuksan nya ang sasakyan at inilagay na namin ang mga gamit sa loob. Napangiti ako ng makita kong suot nya ang wedding ring namin, hanggang sa pag pasok namin sa loob ng sasakyan ay nakatitig pa rin ako sa mga kamay nya.

"Yung kamay ko...." sabi nya

"Bakit?" nilingon ko naman sya

"Natutunaw." at tumawa sya

Umirap lang ako at tumingin sa bintana sa gilid ko.

Tumawa sya ng mahina tsaka binuhay ang makina ng sasakyan.

Habang nasa biyahe kami biglang sumagi sa isip ko si Rena, Kamusta na kaya ang anak namin? Ano kayang itsura nya? Sino kaya nag papatahan sa kanya pag umiiyak sya?

"What are you thinking?" tanong nya

Huminga ako ng malalim

"Si Rena."

"Wag mo muna sya isipin, Dahil kapag kasama mo na sya ako naman ang i-isip isipin mo." aniya

Tiningnan ko naman sya habang paminsan- minsan syang sumusulyap sa side mirror.

Tama sya, dapat sa kaniya muna ang buong atensyon ko. Dahil pag kasama ko na si Rena, sya naman ang i-isip isipin at hahanap- hanapin ko.

Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit sandali. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Felix ang kamay ko at hinigpitan nya ang hawak nya rito.

Maya- maya habang nasa biyahe kami ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pag gising ko ay medyo madilim na ang paligid at nasa express way na kami.

"Sorry, nakatulog ako." masama kasing tinutulugan ang kasama pag nasa biyahe.

"Ok lang babe." at ngumiti sya

Ngumiti din ako pabalik

"Asan na ba tayo? Saan tayo pupunta?"

"Zambales." at ngumiti sya

"Zambales? Pupunta tayong Zambales?!" nanlaki pa ang mga mata ko

"Yes babe." he chuckled

Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa sobrang excitement at agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para mag search ng mga lugar doon na pwede naming pasyalan, isa na sa umagaw ng atensyon ko ang Crystal Beach Resort sa San Narciso.

Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa sobrang excitement at agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para mag search ng mga lugar doon na pwede naming pasyalan, isa na sa umagaw ng atensyon ko ang Crystal Beach Resort sa San Narciso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti ako ng maimagine ko na tinitignan ko ang mga view dito ng mga sarili kong mata. Hindi na ako makapag hintay na makaapak sa lugar na to.

"You like it?" sabi ni Felix

"Ofcourse! Thank you babe!"

"Para sayo babe. Kahit ano gagawin ko." and he held my hand more tightly.

Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon