STA 6

111 6 0
                                    

Chapter 6

I like you

"Hey. Gising na."

"Jade gising na~"

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Felix na nakatingin lang sa akin.

"Nandito na tayo." Aniya

Ang ganda talaga ng boses niya. Nakakainlove lalo

"Asan tayo?"

"Baguio." Simpleng sagot nya

"Baguio?!" nanlaki ang mga mata ko

"Yeah. Tara kain na muna tayo." Lumabas sya ng sasakyan at pinag buksan niya ako.

"Thanks."

Hinaltak nya ako papunta sa isang restaurant, inasikaso kami ng crew at hinanap kami ng upuan, binigyan din kami ng menu.

Pagkatapos namin pumili ay kinuha na ang orders namin.

"Maam and Sir gusto nyo po bang itry ang Shrimp Gambas namin. Best Seller po namin yun." Sabi ng waiter

"Ay hindi na, bawal kasi sya sa Shrimp." Sabi ko

"Ok maam. Iseserve ko nalang po ang orders nyo." At umalis na ang waiter

"Bakit mo alam na bawal ako sa shrimp?" Nakakunot ang noo ni Felix habang nag tatanong.

"Dahil matagal na tayong magkaklase." at tumingin ako sa baba

"Anong connect nun? I'm not even talking to you."

Not even talking to you? So ngayon nya lang pala ako kinausap.

"Basta. Bigla ko lang nalaman." Umiwas ako ng tingin

"You're stalking me huh?"

"I'm not!" Nanlaki ang mata ko

"Tss it's okay." At ngumiti pa si Felix

"Here's your order!" At inilapag na ng waiter ang mga inorder namin.

"Kain na." Sabi ni Felix

Hindi naman pala sya ganoong kasuplado dito sa mundo na to.

Dati kasi talagang hindi ka nya kakausapin. Kumbaga bahala ka sa buhay mo.

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa natapos na kami. Nag uusap kami tungkol sa iba't ibang bagay.

Hanggang sa napunta ang usapan namin sa....

"Jade, naniniwala ka sa second life?"

Huminga ako ng malalim dahil nagulat ako sa tinanong nya

"Oo. Naniniwala ako. Ikaw?"

"Hindi." Aniya

"Bakit?!"

Ngumisi sya

"It's nonsense. Second life? Kung patay kana edi patay kana at hindi kana mabubuhay pa."- Felix

Tumango lang ako

"Bakit mo naman naitanong kung naniniwala ako?" Tanong ko

"Wala lang. Meron kasing ibang mga taong naniniwala doon eh." Sagot nya naman

Hindi sya naniniwala sa second life, eh hindi nya alam na nasa second life sya ngayon.

"Tara pasyal tayo. Hanap na rin tayo ng Hotel na matutuluyan." Sabi ni Felix sabay tayo

"Hotel? Hanggang kailan ba tayo dito?"

"Hanggang gusto ko." And He gave me a bored and cold stare 

Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon