STA 13

86 7 0
                                    

Chapter 13

About us

Bigo akong nag lalakad pauwi ng bahay, Wala akong pakielam sa mga nakakasalubong at nakakabangga ko. Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko, hindi ko kayang itaas ang tingin ko, baka bumuhos nanaman ang mga luha ko. 

Ang sakit lang talaga. Ngayon lang ako nasaktan ng ganitong katindi, sa lahat ng sakit na naranasan ko noong pumasok ako sa isang relasyon ito ang pinakamasakit. Ito yung pinakamasakit na halos ikakamatay ko na. Gusto kong pumunta sa isang lugar na payapa at maganda, Gusto ko muna makalayo sa mga problema ko, kahit saglit lang kasi konti nalang, konting- konti nalang bibigay na ako.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat na pala ng bahay namin, hindi ako makapaniwala na nalakad ko ang ganoong kalayo ng walang nararamdaman na kahit konting pagod. Pag pasok ko sa bahay sinalubong ako ni eomma at niyakap.

"Bakit ngayon ka lang Jade?" malambing nyang sabi

"Marami lang po ginawa sa school." pag sisinungaling ko habang nakatingin sa sahig namin

Hindi ko kayang tingnan si eomma dahil baka bumuhos lang ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, ayokong nakikita ako ng mga magulang ko na umiiyak. I want to be strong, But how? 

Niyakap lang ako ni eomma at bumulong

"If there's something bothering you, Don't hesitate to knock on my door, ok?"

Tumango lang ako at dumiretso na sa kwarto ko.

Agad akong humiga sa kama ko at pumikit. Pero sa pag pikit ko ang tanging nakikita ko lang ay ang pag halik ni Felix kay Kristine. Huminga ako ng malalim kasabay ng luha kong kumakawala nanaman.

Ngayong gabi, nakatulog ako ng umiiyak at masama ang loob.



Kinaumagahan, nagising ako ng maaga at naunahan ko pa ang alarm ko. Agad akong nag handa para sa pag pasok ko, Tumingin ako sa salamin at nagulat ako dahil namamaga ang mga mata ko at namumula ang ilong ko. 

"Oh Jade ang aga mo ata." sabi ni eomma pagkababa ko galing kwarto

Tumango lang ako at ngumiti ng tipid, I'm not in mood to talk. It's still painful.

Umupo ako sa mesa at tinitigan lang ang plato ko, wala akong ganang kumain. Kung yung iba dinadaan sa pagkain ang problema, ako hindi. 

"Jade you need to eat." sabi ni appa na katapat ko sa mesa

Kumuha lang ako ng tinapay at kinain ito at biglang tumunog ang cellphone ko. It's a text message from Felix.

"Mag kita tayo, Black Bird, 10 pm." 

Lumakas ang pintig ng puso ko habang tinititigan ko ang text message ni Felix, Gusto kong marinig ang mga sasabihin nya pero I don't think this is a good idea. Papahupain ko muna ang nararamdaman ko before I go to see him. Natrauma na ata ako sa nangyari kahapon. Ayoko ng maulit yun. Gusto ko sa susunod na mag uusap kami, sasabihin nya sa akin na mahal nya ako at he likes the idea na kasal na kami. Ngunit baka abutin na ako ng dekada bago mangyari yun.

Hindi ko nalang sya nireplayan at tumayo na para pumunta ng school. Nag paalam na ako kila eomma at appa bago umalis ng bahay.

Mag lalakad nalang siguro ako ulit. Maaga pa naman eh. Ngayon ko lang napagtanto na masarap pala mag lakad sa umaga, Mahangin, Malamig, nakakarelax. 

Tamang- tama lang sa oras nang makarating ako ng school, dumiretso agad ako sa classroom at hinanap ng mga mata ko si Ken. Napatingin ako sa relo ko at nakitang malapit na mag bell, Hindi naman sya nalelate ah.

"Shin, nakita mo ba si Ken?" 

"Hindi, sorry." 

Bumaba ako at nag abang sa may entrance, umupo ako sa bench habang pinag mamasdan ang mga studyanteng pumapasok ng school. Nag hintay ako hanggang sa nag bell na, Bigo akong pumunta sa classroom at umupo sa upuan ko. Tumingin ako sa kanan ko nakita ko rin na bakante ang upuan ni Felix, Asan sya? Sa likod ng building? Nakikipag halikan nanaman ba kay Kristine? Napangisi nalang ako sa naisip ko.

Nag focus ako sa mga tinuturo ng teacher ko dahil ilang araw din ako nahuli sa lessons, Mag fo-focus muna ako ngayon. Pagkalabas ng teacher namin, kumopya ako ng notes kay Shin.

Nagulantang ako ng napakarami ang kokopyahin ko. Mukhang hindi pa ako makakakain ngayon ah. Nagugutom pa naman ako. 

Napasinghap ako ng biglang may isang tray na puno ng pagkain na inilapag sa table ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Felix na iniwas ang tingin nya sa akin at umupo sa upuan nya. Paano ba ako makakapag aral nito! Sabi ko pa naman mag fo-focus ako ngayon! 

"Eat first." sabi nya ng hindi tumitingin sa akin

"Salamat." at kumuha ako ng isang fries

Habang kumokopya ako ng notes pasimple akong tumingin kay Felix pero agad akong bumalik sa pag susulat ng makita kong nakatingin din sya sa akin. 

Awkward.

Nag madali na akong kumopya dahil baka pag nagtagal pa ako dito ay atakihin na ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito. 

Inubos ko ang pagkain na binigay nya at tumayo para isauli ang tray sa canteen. Lalabas na sana ako ng classroom ng may bigla syang sinabi.

"Jade, Let's talk about us." 



Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon