STA 17

88 6 0
                                    

Chapter 17 

Memories


Napatayo kaming dalawa ni Felix ng makita naming papalapit na sa amin si Kristine. Hinawakan naman ni Felix ang kamay ko at itinago ako sa likod nya.

"Walanghiya ka! Ikaw babae ka ang landi- landi mo! Inaagaw mo sa akin si Felix!" sabay turo sa akin ni Kristine

"Stop it Kristine! Nasa simbahan tayo!" Sabi ni Felix

"I don't fucking care!" 

Nag simula na ring uminit ang ulo dahil sa mga inasal nya, Hindi na sya nahiya! Nasa simbahan kami, nasa harapan ng Diyos. No doubt kaya ayaw sa kaniya ni Felix.

"Excuse me ha? Hindi ba dapat ako ang nag sasabi sayo niyan? Malandi ka, Inaagaw mo ang asawa ko." sabi ko

"Are you crazy woman? Paanong ikinasal si Felix? Ilusyonada!" 

Kinaladkad sya ni Felix palabas ng simbahan at nasa likod nya lang ako nakasunod. 

"Kristine pwede bang itigil mo na to, We're not even in a relationship pero daig mo pa ang asawa kung mag skandalo. Remember this, Hinding hindi kita magugustuhan 'cause I love my wife!" 

"Wife?" kumunot ang kilay ni Kristine sa narinig nya

Hinawakan ni Felix ng mahigpit ang kamay ko, napatingin naman doon si Kristine at nag igting ang panga nya.

Ngumisi sya at hinawi ang buhok nya

"Fine! Ang isla nga nag hihiwalay kayo pa kaya?" tumalikod sya at nag lakad papunta sa sasakyan nya, Pinanood nalang namin ang pag layo ng sasakyan nya mula sa amin.

"Punong- Puno na talaga ako sa babaeng yun." Huminga sya ng malalim at tumitig sa aking mga mata sabay ngiti.

"Ok ka lang? Babe?" 

Lumakas bigla ang pintig ng puso ko, nahihirapan na rin akong huminga dahil sa salitang 'Babe' na yan. Ang lakas- lakas ng epekto sa akin ni Felix, abot hanggang second life!

Ngumiti ako at tumango na lamang. Sumakay kami ulit sa sasakyan ni Felix at umalis na ng simbahan, sabi nya sa ibang lugar nalang daw kami pumunta yung mas mag e-enjoy daw kami. Habang nasa gitna kami ng biyahe, napatingin agad ako kay Felix ng itinigil nya ang sasakyan. 

Bumaba sya ng sasakyan at sinabi nyang wag raw ako lumabas, Binuksan nya ang harapan ng sasakyan at tinignan ang makina. Makalipas ng ilang minuto ibinaba nya na ang hood at napahawak nalang sya sa batok nya.

"Yung battery ng sasakyan, It's dead." 

Bumaba na ako ng sasakyan para samahan sya, Tinignan ko lang sya habang nag da-dial sa kanyang cellphone. 

Huminga lang sya ng malalim at itinago na ang cellphone nya sa bulsa.

"Walang signal." sabi nya

"Ano nang gagawin natin? Madilim pa naman dito at walang dumadaan na--" Napatigil ako ng biglang bumuhos ang isang malakas na ulan.

"Umuulan! Pumasok na tayo sa loob! mag kakasakit tayo nyan!" sigaw ko sa kanya sa lakas ng ulan.

Hinaltak nya ako papalapit sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Let's stay like this for a moment." 

Niyakap ko sya at tumango, Pang ilang beses ko na bang sinabi na sobrang sarap sa pakiramdam na mayakap ka ng taong mahal mo? 

Sobrang sarap na nakakalimutan ko lahat ng problema at mga aalalahanin ko lalo na ngayong finally alam ko na talaga na mahal nya ako. He's coming back to me, I can feel it. 

"It's my third time na maligo sa ulan." bulong nya sa tenga ko

"How did you know?" 

He chuckled at pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko. Samantalang ako naman ay ramdam na ramdam ang bilis ng tibok ng puso nya. 

"Help me Jade, Help me I'm drowning for you. I'm falling for you even more. Don't let me die." 

Napangiti ako sa sinabi nya at ipinikit ang mga mata ko

"But I'm drowning too. How can I save you?" sagot ko

"Love me Jade, Love me more ." 

And he claimed my lips and kissed me sweetly and gently na para bang isa akong diyamante na madaling mabasag. I can feel love and care within his kisses and I love the feeling. 

We broke the kiss at hinihingal kaming nag hiwalay, pinagdikit namin ang noo namin.

"I love you Babe."

"I love you too Babe." 

"Finally, I know who I really was. Thank you babe, You brought my memories back." 

Napatigil na lang ako sa sinabi nya, Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa kamay nya, Suot nya ang wedding ring namin. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. He smiled at me and he whispered to me

"I missed you so bad, Akala ko hindi na kita makikita."



Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon