STA 23

65 3 0
                                    

Chapter 23

Hell

Makalipas ng ilang araw salamat at nakalabas din ako ng ospital, kahit ang doktor at ang mga magulang ko ay nag tataka dahil wala naman silang nakitang sakit sa akin. Sabi ko sa kanila na mag pasalamat nalang sa Diyos at wala akong sakit. I can't really tell them my situation, Palagi pa ring nakatatak sa isip ko ang mga instructions na sinabi sa akin ni Ken noon. 

"Anak sigurado ka bang kaya mo nang pumasok?" tanong ni Dad

"Opo." 

Tumango lang sya at lumabas na ng kwarto. 

Simula noong nalaman ko na naipanganak na ang anak namin, hindi na sya natanggal sa isip ko. Minsan nga gusto kong umiyak ng umiyak dahil gustong- gusto kong makita ang anak ko. It hurts so much na bilang ina hindi ko man lang siya mahawakan at maalagaan. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag nawalay ka sa anak mo. 

Huminga ako ng malalim at tumagilid sa aking kama, Bigla akong nakaramdam ng pagkaantok. Gusto ko muna mag pahinga.

I closed my eyes and wished that I could dream of our daughter. 

Unti-unti nang lumalalim ang tulog ko ng biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Jade. May bisita ka." 

Umupo ako sa kama para salubungin kung sino man ito.

Nasilayan ko si Ken na may dalang mga pagkain at si Felix na may dala- dalang mga bulaklak at nakangiti sa akin, Nilingon ko naman si Mommy na sinarado ang pinto ng kwarto ko.

"Sorry kung biglaan kaming pumunta dito may gusto kasi akong sabihin sa inyong dalawa." 

Nalipat naman ang tingin ko kay Felix na kitang-kita ang pag tataka sa mga mata nya

"I think kailangan ko itong sabihin sa inyo as soon as possible. Hangga't may oras pa kayo." 

Napakunot naman ang noo ko

"What do you mean?" 

"Now that you're alive, There's a bad news and a good news for you. Anong gusto mo'ng unahin natin?"

"Y-yung g-good news." halos kumawala na ang puso ko sa sobrang kaba

"Makakasama mo na si Rena." nanlaki naman ang mga mata ko

"But, you're going to leave Felix." 

No way.

"What?!" Huminga ako ng malalim

"Why? Naguguluhan ako."

"There's a rule sa mundo na to na hindi pwede mag stay ng matagal dito ang mga taong nabubuhay pa sa lupa." she explained

"Pero.." Nalipat ang tingin ko kay Felix na kanina pa tahimik

Makakasama ko nga ang anak namin pero hindi ko naman makakasama si Felix.

"Here..." Ipinakita ni Ken ang isang hour glass na kahit nakabaliktad ay hindi pa rin bumabagsak ang mga buhangin sa ibaba. 

"Once na naibigay ko na sayo ito, tatakbo na ang oras, yan ang mag sisilbing orasan mo, Kahit hindi mo ito tanggapin ibabalik at ibabalik ka pa rin sa lupa." 

Nilingon ko si Felix na nakatingin sa kisame tila nag pipigil ng kanyang mga luha. 

"Don't waste your time Jade, Sulitin nyo na ang mga panahong makakasama mo si Felix." Aniya 

Kinuha ni Ken ang kamay ko at bumilang sya tsaka nya inilapag ang hour glass sa kamay ko. Nakita ko namang unti unting bumabagsak ang mga buhangin sa ibabang parte nito. 

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng nangyayari sa amin ngayon. Sunod- sunod kasi ang mga nalaman ko nitong mga nakaraang araw. 

At sa mga nalaman ko, ito na ata ang pinakamasakit.

"Enjoy your remaining days with Felix."

Tumango ako at kasabay noon ang pag tulo ng mga luha ko. 

Tinapik ni Ken ang balikat ko at nag sorry sya. Nilingon ko muli si Felix na ngayon ay nakatingin na sa sahig pero hindi nakatakas sa paningin ko ang mga luhang tumutulo galing sa mga mata nya. 

Why am I in this situation anyway? 

Iniisip ko palang na malalayo ako kay Felix muli ay parang di ko na kakayanin. He's my husband and I love him so much, I can't leave him.

Tumayo na kaming tatlo mula sa pag kakaupo sa kama dahil aalis na raw sila, unang lumabas si Ken kaya kami nalang ni Felix ang natitira dito sa loob.

Unti- unti syang lumapit sa akin at niyakap ako. Ramdam ko ang bigat ng dinadala nya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya dahil sa mga narinig nya. Ang yakap- yakap nya ako pero pakiramdam ko ang layo- layo nya. 

"Anong gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin ko." sabi ko

"Don't think of anything, just spend your time with me." 

Sa sobrang iyak ko, hindi na ako nakapag salita. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag diwang o mag luksa. I hate this feeling, I'm in between! 

Bumitaw sya sa yakap at hinawakan nya ang balikat ko.

"Let's go somewhere that can take us away from this hell. Come with me Jade." sabi nya

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tumango ako nang hindi nag dadalawang isip. Dahil gusto ko ring makalayo dito sa lugar na to. Gusto ko makalayo sa "hell" na ito.




Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon