STA 25

75 5 0
                                    

Chapter 25

Tired

Naalimpungatan ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Felix na mahimbing ang tulog. Gusto ko sanang haplosin ang mga buhok nya kaso baka magising sya. He needs a lot of sleep, Ang haba pa naman ng biyahe kagabi idagdag mo pa ang walang katapusang traffic. Tumagilid naman ako ng dahan- dahan upang makita ko lalo ang mukha nya. 

Ang mga mata nya,ang mahahaba nyang pilik-mata, ang ilong nyang matangos, ang mapula nyang labi, ang makinis nyang mukha, Napakaperpekto. Napakagandang tignan.

"Yung mukha ko natutunaw." sabi nya habang nakapikit 

Ngumiti sya at lalo nya akong isiniksik sa kanya, rinig na rinig ko na ngayon ang mabilis na pag tibok ng puso nya. 

"Gising kana?" 

"No. I'm dreaming of you." sabi nya pero nanatili pa rin syang nakapikit. 

Ngumisi ako at tinapik sya sa braso

"Mag luluto na ako ng breakfast." 

Uupo na sana ako pero hinila nya ako pabalik sa higaan at pumaibabaw sya sa akin.

Ngumiti sya ng malawak at bumulong sa akin

"I'm hungry and I'm gonna eat you." 

"Felix!---" 

"Don't try to escape baby." he winked and tinalukbungan nya kami ng kumot. 

And the rest is history.....

~~*~~

Nagising ako ulit ng may tumatapik sa balikat ko. Dumilat ako at nakita kong medyo madilim na ang paligid. Ilang oras ba ako natulog?

"Babe nag luto ako ng dinner. Kain na tayo?"

Tumango ako at umupo habang pinapangtakip ko ang kumot sa sarili ko.

"Mag bibihis lang ako."

"Ok." At ngumiti sya ng napakalawak.

Tinignan ko syang lumabas at sinarado ang pinto. Agad naman akong tumayo at nag tungo sa banyo para mag shower saglit.

Hindi nag tagal lumabas na rin ako sa banyo na nakabihis na, sinuklay ko ang mahaba kong buhok at lumabas na rin ako. Nagugutom na kasi ako at paniguradong sya rin.

Nang makita nya akong lumabas ay tumayo sya at pinaglaanan nya ako ng upuan. Umupo naman ako doon at nag linga- linga sa kabuoan ng bahay.

Maganda ang disenyo nito, gawa ito sa hard wood kung hindi ako nag kakamali. Pati na rin ang mga furniture sa bahay ay mga gawa rin sa kahoy. Nakaka-amaze at ang sarap sa mata tingnan.

"Anong oras na?" Nakita ko kasi sa labas ng bintana na may konting araw pa.

Tumingin sya sa relo nya

"4:45" at ngumisi sya.

"Ganun ako katagal natulog?!"

WTF? Ang bilis ng oras.

"Sarap nga ng tulog mo eh." At humalakhak sya

"Pinagod mo kasi ako." Ngumuso ako

"Wow. Ikaw pa napagod? Paano naman kaya ako?" At tumawa sya

Hinampas ko sya sa braso

"Ewan ko sayo! Kumain na tayo!"

Tumawa sya muli bago nag simulang kumain. Walang nag sasalita sa aming dalawa, dahil gutom na talaga kami.

"By the way, Any plans for tomorrow?" Tanong nya

"Gusto kong mag libot sa tabi ng dagat! Tsaka gusto ko pumunta tayo kung saan maganda ang view!"

"Ok. Basta babalik na tayo dito bago mag 1 ng hapon."

Tumango ako at ngumiti kaagad sa sobrang excitement. Hindi na talaga ako makapag hintay!




Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon