Chapter 14
His Sister
"Jade, Let's talk about us."
Napatigil ako, Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, sa sobrang lakas nito ay hindi ko na marinig ang mga nasa paligid ko.
Unti- unti akong lumingon at nakita ko syang seryosong nakatitig sa akin, Ang mga titig nyang nag pahumaling sa akin, Sa mga titig na yan ako na in love.
Lumunok ako at umiwas ng tingin, Hindi ko kayang makipag laban sa mga titig nya. Masyado itong nakakalunod, nakakabaliw, at nakakapanghina.
"Jade.."
Humakbang sya palapit sa akin at umurong naman ako.
"Wag ngayon Felix."
Tumalikod ako sa kanya at mabilis nag lakad papuntang canteen, Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, Halos kumawala na ito sa katawan ko. Inilagay ko nalang sa bakanteng table ang tray at nag lakad papuntang bench, doon nalang ako mag papalipas ng oras. Dito nalang ako mag hihintay hanggang sa mag time. Ayokong bumalik ng classroom ng wala pa ang mga classmates ko, baka kami nanaman ni Felix ang nandoon at kung ano pa ang mapag usapan namin.
"What are you thinking?"
Napatalon ako sa gulat. Pag tingin ko sa gilid ko, Nandito si Jared kanina pa ata nakaupo sa tabi ko. Umirap ako at tinitigan ko ang mga damo na sumasayaw sa lakas ng hangin.
"I'm sorry for what I've said. Nadala lang ako ng galit."
Napatingin ako sa kanya, Nakatungo ang mga mata nya sa mga ulap.
"Ano bang nagawa sayo ni Felix?"
Ngumisi sya.
"Hindi sa akin, sa kapatid ko." Huminga sya ng malalim at nag patuloy
"Dati pa may gusto sayo si Felix, He can't approach you dahil he's a cold type of a person. Hindi sya sanay na sya ang lumalapit sa mga babae. My younger sister loved that asshole so much, At nung nalaman nya na gusto ka ni Felix, she thought na this is her chance para makalapit kay Felix. She insisted na tulungan si Felix, Pumayag agad si Felix sa alok ng kapatid ko." Ngumisi sya
"Akala ng kapatid ko mahuhulog rin sa kanya si Felix pag ginawa nya yun, But she's wrong. Felix just used her all along. Hanggang sa one time hindi na sya kailangan ni Felix, He pushed her away na para bang walang naitulong ang kapatid ko sa kanya." Ngumiti sya ng mapait
"He hurted my sister, One time kakausapin sana sya ng kapatid ko kaso, boom! nakita ng kapatid ko na may kasamang iba si Felix. Pinapamukha ni Felix sa kanya na hindi sya kailangan nito. That's what he did to my sister, Kristine."
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko.
"Si Kristine? Kapatid mo sya?" sabi ko habang nakatulala sa kanya
"Yeah. Oh Well, Half sister ko sya. Anak ako sa labas."
Tumango lang ako.
"Jared, I need to go. Time na namin."
"Ok. Go ahead. Thank you for hearing me out." He smiled and walked away
Ngumiti ako ng tipid at nag lakad na rin ako papuntang classroom.
Sa mga sinabi ni Jared nawala ang galit at irita ko kay Kristine. Hindi halata na pinagdaanan nya iyon. I feel sorry for her, walang halong sarcastic yan. Alam ko kung gaano kasakit yun. Love hurts talaga.
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
RomanceJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...