STA 19

78 4 0
                                    

Chapter 19

Di ko sinasadya


Malapit nanaman ang finals kaya halos lahat ng mga studyante ay nag aaral na at inaasikaso ang mga requirements nila, Maliban lang kay Felix na natutulog ngayon sa table nya. Kahit kailan talaga to'ng lalaking to. 

"Felix malapit na finals, wala ka bang balak na asikasuhin mga requirements mo? o mag aral?" sabi ko

"Hmm..Wala." sabi nya tapos bumalik sya ulit sa pag tulog

"Tss. Kahit kailan talaga." umiling- iling pa ako 

Binalik ko na ang atensyon ko sa pag babasa, kailangan kong mag aral ng mabuti dahil hindi naman ako kasing talino ni Felix. Noong nag aaral pa lang kami noon sa highschool, bilib na bilib ako sa kaniya kasi kahit hindi sya nag aaral nakakapasa pa rin sya, hindi rin sya nakikinig pero top student pa rin sya. Tao kaya to? Grabe lang kasi ang katalinuhan nya.

Kaya ayan ang sarap masyado ng buhay nya! Patulog-tulog lang sya dyan sa tabi, buti pa sya sobrang talino! sana naman binigyan nya ako ng kalahati ng katalinuhan nya. 

"Don't push yourself to much, mas lalong di mo matatandaan yan." sabi ni Felix na nakatingin pala sa akin

Huminga ako ng malalim dahil sa sobrang stress, ang dami-daming kasing gagawin hindi  ko na nga alam kung ano uunahin ko. Idagdag mo pa ang stress na idinudulot sa akin ni Kristine!

Tumayo ang teacher namin at sabi nya pwede na daw kaming lumabas, ang mga kaklase ko naman ay nagsi labasan na, panigurado sa canteen sila didiretso. Samantalang ako walang balak lumabas at kumain dahil wala akong time para isingit yan sa mga gagawin ko. 

Naramdaman ko ang pag tayo ni Felix tsaka lumapit sya sa akin. 

"C'mon you need to eat. Let's go." 

"Pero--"

"Babe, we're on our second lives, tapos na tayo ng pag aaral ok? This is all just like reenactment."

Tsaka ko lang narealize na tama sya second life nga pala ito, para kasing nasa totoong mundo na ako. Maybe ito na rin talaga ang magiging totoong mundo namin ni Felix, Knowing that patay na kami. Maybe this is our heaven. 

"What do you want?" tanong ni Felix 

"Burger and Fries nalang." 

Tumango siya

"Ok, wait for me." 

Sinundan ko sya ng tingin habang papunta sa counter, nakita ko syang umoorder at nag hihintay na ibigay sa kanya ang order namin. Luminga-linga ako sa paligid dahil baka sakaling makita ko si Ken, Hindi kasi sya pumasok kanina baka ngayon palang papasok. Simula noong tinanong sya ni Felix ay naging tahimik at hindi sya nag papapasok sa klase and I found it really weird. May masama ba sa tanong ni Felix? 

"Ang lalim naman ng iniisip mo." 

Sa gulat ko naitulak ko si Jared, nakaupo na pala sya sa tabi ko nang hindi ko nararamdaman. Masyado atang occupied ang utak ko ngayon. Umusog naman ulit si Jared palapit sa akin at ngumiti.

"Hello, if that's your way of saying hi." and he smirked

Kumunot ang noo ko.

"Bakit ka nandito?" 

"I just want to say sorry sa inasal ni Kristine." 

I looked at his face at nakita kong sincere naman sya. 

Tumango nalang ako at ngumiti.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa ginawa ni Kristine na pag titig nya sa amin mula sa labas ng classroom kaso baka naman nami-misinterpret ko lang sya. Siguro ganun lang talaga sya? Baliw? joke.

"We're having a party mamaya baka gusto m--"

Naputol ang sasabihin ni Jared ng biglang may nag bagsak ng kung ano sa table namin. Napatalon din ako sa sobrang pagkagulat ko.

Si Felix pala, binagsak nya ang tray na hawak nya.

Hindi nag sasalita si Felix at nakatitig lang sya ng masama kay Jared. Ramdam na ramdam sa buong canteen ang alitan na namamagitan sa kanila o baka ako lang yun. Napatayo naman si Jared at tinitigan nya rin si Felix.

"Run or die?" tanong ni Felix

Tinaas naman ni Jared ang dalawang kamay nya tsaka umalis.

Huminga sya ng malalim at tumabi sa akin kita ko ang galit sa mga mata nya noong nakita nya si Jared na kinakausap ako, kahit kailan talaga ang seloso nya and I found it cute haha.

"Wag ka ng lalapit sa kanya, mapapahamak ka lang at ayokong mangyari yun."

"Hindi naman ako lumapit sa kanya, sya ang lumapit." sagot ko

"Don't let him be. Hmm?" 

"Yes master!" at ngumiti ako sa kanya

Binigay nya sa akin ang mga order ko at nag simula na kaming kumain, Sabi nya tutulungan nya ako sa mga requirements na kailangan.

Habang nag lalakad kami pabalik sa classroom nakita ko si Ken na nakatayo sa 3rd floor ng building namin, mukhang malalim ang iniisip nya dahil hindi nya kami napapansin mula sa baba. Sinabi ko kay Felix na puntahan namin si Ken kaya agad rin kaming umakyat.

"Ken." tawag ko sa kanya

Lumingon sya sa akin at nakita kong nanunubig ang mga mata nya. Niyakap nya ako at humagulgol sya habang si Felix naman ay nasa gilid ko at nakatungo lang sa amin. 

"B-bakit? Anong problema?" 

"I'm s-so sorry! Di ko sinasadya!" sabi nya

Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at iniharap ko sya sa akin.

Nakayuko lang sya habang umiiyak, sa di malamang dahilan ay napaiyak na rin ako, ramdam na ramdam ko kasi ang bigat na dinadala nya.

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko

"A-ano kasi.."

Tinitigan ko lang sya ng mabuti at bigla akong nakaramdam ng kaba. 

"I w-was involved sa accident na n-nangyari sa inyo n-noon. I'm so sorry."

Biglang nawala ang lahat ng lakas ko sa katawan, napabitaw rin ako sa pagkakahawak ko sa balikat nya. 

Mabuti nalang at nandito si Felix at inalalayan nya ako. Tumingin ako kay Felix at mukhang hindi rin sya makapaniwala.

"I'm so sorry! Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko pero sana, s-sana mapatawad mo ako. Sana mapatawad nyo ako." at lalong lumakas ang pag iyak nya

Isa-isa ng pumatak ang mga luha ko, hanggang sa hindi ko na ito mabilang. Hindi ako makapaniwala. Nakatungo lang ako sa sahig at pinipilit kong ipasok sa utak ko lahat ng sinabi ni Ken. I can't really believe it.

"I'm so s-sorry!" 

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko.

"I can't believe this." 









Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon