Chapter 26
Beach
Sa sobrang excited ko maaga akong nagising at nag luto na rin ako ng umagahan namin, Sakto namang nagising si Felix noong natapos na akong mag luto. Kita kong kusot- kusot nya pa ang mga mata nya pag kalabas nya ng kwarto.
"Good Morning babe." lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya
Niyakap nya rin ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Good Morning babe."
"Kain na tayo. Para makapasyal na tayo!"
Umupo na kaming dalawa sa mesa at nag simula na kaming kumain. Nang matapos na kaming kumain si Felix na ang nag presinta na hugasan ang mga pinggan. Habang ako naman ay nag punta sa kwarto upang ayusin ang mga dadalhin namin sa pamamasyal.
"Felix maliligo na ako ah!" sigaw ko mula sa kwarto
"Samahan kita?"
"Ewan ko sayo!" at sinarado ko ng malakas ang pinto
"Oy! Wait lang Samahan kita."
"Manyak!"
"Parang ikaw hindi ah!"
Napatakip nalang ako sa mukha ko sa mga sinabi nya, siguro kung nakikita nya ako ngayon matatawa yun sa sobrang pula ng mukha ko!
Pagkatapos kong maligo agad na akong lumabas na nakabihis at tinuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya ko.
"Felix maligo kana." pero hindi sumagot si Felix
"Felix?"
"Felix! Asan ka?"
Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko makita si Felix. Saan naman kaya nag punta yun?
Pinihit ko ang door knob at lumabas.
Napatigil ako sa nakikita kong tanawin, Napakaganda! Hindi ko akalaing malapit lang pala kami sa dagat! Sa di kalayuan nakita ko si Felix na naka blue polo at shorts na kumakaway sa akin. Naaninag ko na basa na ang suot nyang shorts kaya sigurado akong lumubog na ang isang to sa dagat.
ANG DAYA! DI AKO SINAMA! MADAYA!
Agad akong lumapit sa kaniya at pinalo ko sya sa braso.
"Ang daya mo! Ba't di mo sinabi na maliligo ka sa dagat?"
"Bakit maliligo ka rin?" nakakunot pa ang noo nya
"Oo!"
"Hindi kita papayagan." seryoso nyang sabi
"Gusto ko ako lang ang makakakita sa mga yan." at tinignan nya ako ulo hanggang paa.
Napangiti naman ako sa sinabi nya, Such a possessive husband huh?
"Tara na ipapasyal na kita. Hanggang 1 pm lang tayo remember? it's almost 12."
"Okie!"
Hinawakan ni Felix ang kamay ko at nag lakad na kami sa gilid ng dagat. Ang ganda- ganda talaga dito! Ang sarap ng simoy ng hangin, ang ganda- ganda ng kulay ng dagat. Nakakaantok tingnan. Ang sarap manirahan sa ganitong lugar.
"Tara babe! Picture tayo doon!" hinaltak ko si Felix at nag punta kami doon sa parang net.
Umupo kami doon at nilabas ko ang cellphone ko
"Ako na mag hahawak ng phone." binigay ko naman ito sa kanya
"Ok, 1, 2, 3 smile!"
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
Любовные романыJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...