STA 15

85 6 0
                                    

Chapter 15

Responsibilities


Ang daming mga group projects ang iniwan ng mga teachers namin ngayong 3rd quarter, At halos sa mga projects na iyon ay ako ang umaasikaso. Sa sobrang daming projects ay inabot na kami ng gabi sa school.

"Guys bukas nalang natin pag usapan yung sa iba pang projects na gagawin natin, Tsaka isesend ko nalang sa GC yung mga materials na dadalhin nyo." sabi ko sa mga kagrupo ko

"Ok!" Sabi ng mga kagrupo ko

"Uwi na tayo. Gabi na." Sabi ko sa kanila

Nag ayos na kami ng mga gamit at lumabas na kami sa classroom.

Ang ibang mga kaklase ko ay pumunta nang parking lot at sumakay na sa mga sasakyan nila.

"Sige Jade una na ako ah. Talaga ba'ng ok ka lang dito mag isa?" Sabi ng kaklase ko sa abangan ng masasakyan

"Oo, ok lang ako. Salamat. Ingat!" At kumaway ako sa kanya habang sumasakay sya sa jeep

Kumaway din sya sa akin at umalis na ang jeep.

Sana pala inagahan namin umuwi, edi sana marami pa akong masasakyan. Sa sobrang tagal ko nang nag iintay dito ay sumasakit na ang paa ko, kung mag lakad nalang kaya ako?

Napapikit ako sa liwanag ng sasakyan na huminto sa tapat ko.

Ang Mercedes Benz GLK 220 ni Jared.

Napaurong ako nang lumabas ng sasakyan si Jared.

"Jade what are you doing here? Gabi na ah." Sabi nya at tumingin sya sa kanyang relo

"Kasi maraming projects sa school." At nilihis ko ang tingin ko sa kanya

"Let's go. I'm taking you home." Pinag buksan nya ako ng pintuan pumasok ako sa loob

Wala na akong choice. Kung papalagpasin ko pa itong alok nya baka dito na ako maabutan ng umaga sa kakahintay.

Sumakay na rin sya sa loob at pinaandar ang kotse.

"Jade, mag dinner muna tayo. I'm sure di ka pa kumakain. Malilipasan ka nyan." Saad nya habang nakatingin lamang sa daan

"Wag na Jared. Ok lang."

"I insist. You need to eat." At tiningnan nya ako noong huminto kami sa stop light

"Anong gusto mo?" Tanong nya habang nakatingin kami sa menu

"Kung ano nalang din sayo."

Ngumiti sya at tinawag na ang waiter. Lumapit naman ito sa amin at kinuha ang aming order. Tumatango lang ang waiter sa lahat ng sinasabi ni Jared. Nag linga- linga ang paningin ko sa resto, Simple ito ngunit maganda, narealize ko rin na kami lang pala ang tao dito siguro ay dahil gabi na.

"You like here?"

Tumango lang ako at ngumiti

"We actually own this place." Sabi ni Jared

"Talaga?" Sabi ko sa kanya at iginala ko nanaman ang paningin ko sa buong paligid.

"Yes. What do you think about this place?" Nakangiting sabi nya

"Maganda, relaxing, at simple." I said

Tumango lang sya at ngumisi.

"Thanks. Alam mo ba ikaw ang babaeng una kong dinala dito. Except for Kristine of course."

Lumapit na ang waiter sa amin at inilapag sa mesa ang mga orders namin. Tinignan ko ang pagkain at mukhang masarap din ito. Hindi ako mag tataka kung one of this days maging favorite place ko na to.

"I don't believe you." Ngisi ko

"Why? Hindi ba ako ganun kapanipaniwala?"

"Hindi eh." At natawa nalang kaming dalawa.

Habang kumakain kami ni Jared ay marami pa kaming napag kwentuhan. Tawa kami ng tawa noong ikwento nya ang mga kalokohang ginawa nya noong elementary palang sya. Mas lalo ko pa syang nakilala ng dahil sa dinner na to. I think he's a good person naman,  Siguro nag kamali lang ako ng basa sa ugali nya.

"Ah Jared, Thank you dito sa dinner ah pero kasi kailangan ko nang umuwi, 11 pm na eh baka hanapin na ako sa bahay."

"Ok. I'll drive you home." Tumayo kaming dalawa at lumabas ng resto

Laking gulat ko nang Blue Range Rover ni Felix sa labas ng resto.

Di ko na nagawang ihakbang ang mga paa ko pababa ng resto pati si Jared din ay napatigil.

The next thing I knew is nasa sahig na si Jared dahil sa lakas ng pagka kasapak ni Felix. Sasapakin sana nya ulit si Jared pero agad ko syang pinigilan.

Tinitigan nya ako gamit ang matatalim nyang mga mata. Amoy alak din sya.

"Felix stop it." Sabi ko

Tinulungan ko si Jared na makatayo at nag sorry ako sa kanya. Ngumisi lang sya habang hawak- hawak nya ang labi nyang dumudugo.

"Let's go." Hinablot ako ni Felix papasok ng kanyang sasakyan, Agad nya itong pinatakbo palayo sa lugar na iyon.

Maya- maya itinigil ni Felix ang sasakyan sa isang tabi. Tinitigan nya ako at hinampas nya ng malakas ang manubela.

"Shit!" Saad nya

Hindi lang ako kumibo at yumuko lang ako. Ngayon ko lang naalala na may usapan nga pala kami ni Felix ngayon. Why so stupid Jade?

"Kaya naman pala hindi ka sumipot sa usapan natin kasi may kasama kang iba!" Pag tataas nya ng boses

Napakislot ako sa lakas ng boses nya. He's angry as hell, sa sobrang galit nya baka umapoy na ang sasakyan.

"Sorry." Bulong ko

Ngumisi lang sya at tumingin sa akin

"Akala ko Jade gusto mong maayos ang lahat ng 'to. Ngayong handa na akong makinig ikaw naman ang may ayaw." Huminga sya ng malalim at ipinikit nya ang mga mata nya

"Sorry. Nakalimutan ko kasi."

"Nakalimutan mo kasi hindi naman importante. Tama ba Jade?" Seryosong sabi ni Felix

"Hindi naman sa-"

"Parang mas importante na ata sayo ngayon si Jared eh. Mas inuuna mo pa sya kaysa sa akin!"

Yumuko lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko sa sobrang nerbiyos.

"Ako na ang nag re-reach out sayo pero ikaw naman 'tong lumalayo. Ano ba'ng gusto mo Jade huh?! Gusto mo pa ba'ng maayos to? O sapat na yung tarantadong yun para sayo?"

"Stop it Felix, lasing ka lang."

Tinitigan nya ako ng walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

"No. Nakainom ako pero I'm not drunk Jade." Umiling sya

"I want to do my resposibilities as your husband Jade. Pero papaano ko gagawin yun kung hindi mo ako tutulungan. Papaano ko gagawin yun kung wala akong maalala?" Biglang napaangat ang tingin ko sa kanya. Seryoso ba sya sa mga sinasabi nya?

"I'm serious Jade. I want to do it."

"B-bakit? You hate commitments right?" Sa wakas nasabi ko rin ang mga gusto kong sabihin

"Because I love you Jade."

Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon