STA 5

130 6 0
                                    

Chapter 5

Calling

Isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama ko. Wala naman pasok kaya dito muna ako.

May cellphone kaya ako?

Nag hanap-hanap ako sa buong kwarto ko.

Meron akong nakitang mga pictures na alam kong hindi naman nangyari.

May picture kami ni eomma na nasa beach kami.

Kahit never naman kaming nakapag beach ni eomma, pero masaya naman ako na kahit sa second life ko ay kasa-kasama ko pa rin si eomma hanggang ngayon.

Nag hanap-hanap pa ako ng ibang mga bagay na nasa kwarto ko. Hanggang sa nakita ko ang cellphone ko.

Walang pinagbago ang cellphone ko kumpara sa totoong buhay ko.

Buti pa ang cellphone ko hindi nag bago.

Tinignan ko agad ang gallery...

Laking gulat ko nang makita ko doon ang mga newly wed pictures namin ni Felix. Kaso wala sya sa picture para bang na-crop ang kalahati ng pictures.

Meron pang shot doon na nag kiss kami ni Felix kaso ang problema naka-crop si Felix.

Nalungkot ako lalo nang nakita ko ang bagong patayong bahay ni Felix para sa amin.

Gusto ko nang bumalik. Sana panaginip lang ang lahat na to. Gusto ko na gumising

"Anak nandito na ang papa mo! Kumain na tayo tanghali na." Katok ni eomma sa kwarto ko.

Agad akong bumaba mula sa kwarto ko at sumalubong sa akin si Appa (daddy).

Nakita kong nagulat sya nang makita ako.

Bakit?

Lumapit sa akin si Appa at hinawakan ako sa magkabila kong balikat.

"Jade? Anak?"

"Appa..."

"Bakit ka nandito?" Nag tatakang tanong ni Appa

"A-ano?..."

"Ano bang pinag uusapan nyo dyan? Halika na lalamig itong mga pagkain."

Binitawan ako ni Appa, yumuko sya at nag tungo na sa hapag kainan.

Ako rin ay sumunod sa kanya.

Tahimik kaming kumakain at napansin kong tingin ng tingin sa akin si Appa.

Hindi ko nalang yun pinansin at patuloy lang ako sa pagkain.

**I need you girl, wae honja saranghajo, honja soman ilbonhae~~**

"Ay wait lang po may tumawag." Umalis ako sa table at nag punta ako sa likod ng bahay

**Felix calling.....**

Totoo ba to'ng nakikita ko? Si Felix

"Hello?"

"Hello nandito ako sa gate ng bahay nyo mag bihis ka may pupuntahan tayo."

"Ha? Ano? Pero--"

*toot toot toot*

Aba binabaan pa ako ng telepono!

Pumunta ako sa gate ng bahay at nakita ko ngang nakahalukipkip at naka-sandal sya sa sasakyan nya.

"Mag bihis kana!" Aniya

Agad akong tumakbo sa loob ng bahay at nag paalam sa parents ko. Ayaw ni Eomma pero sabi ni Appa kilala nya si Felix kaya pinayagan din ako.

Pagka-bihis ko agad akong pumunta sa labas.

"Saan ba tayo pupunta?" Sabi ko

"Sakay." Aniya at umikot sya papunta sa drivers seat

Sumakay ako at sinara ang pinto.

Habang nasa biyahe kami napansin kong ito rin ang sasakyan nya sa nakaraan naming buhay.

Nakakamiss naman.

"Hoy." -Felix

"Hmmm?"-Ako

Tiningnan nya lang ako at bumalik na sa pag mamaneho

Anong trip nun?

Dahil sa sobrang bored na ako, Nilabas ko ang cellphone ko at nakinig nalang sa music.

Para naman kasing wala akong kasama dito.

May kasama nga ako di naman nag sasalita!

Habang nakikinig ako ng music tinitignan ko ang mga pictures na nasa gallery ko.

Para hindi makita ni Felix tinatakpan ko ito gamit ang mga kamay ko. Habang tinitignan ko ang mga litrato hindi ko maiwasang mapangiti. Natatandaan ko pa noon nung naligo kami sa ulan.

"Anong tinatakpan mo dyan? Nanonood ka ng porn noh?" Ngisi nya

Bigla kong tinanggal ang earphones ko.

"Hindi ah! Bakit mo naman naisip yun?"

Tumawa lang sya.

"Malay ko ba." At ngumisi nanaman sya

Tss -_- itong lalaking to wala man lang pinagbago.

Ganyan pa din ugali.

"Bakit ka nga pala sumama sakin?" Sabi ni Felix

"Kasi sinabi mo na may pupuntahan tayo." Sagot ko

"Pero hindi mo ako kilala. Di ka pa rin nag bago." Aniya

"Ano?"

"Noong nakaraang buwan sumama ka kay Jared. Kahit hindi mo naman sya kilala. Muntik ka nang mapahamak." Seryosong kwento nya

"Oh? Hindi mo naman siguro ako ipapahamak di ba?" Kasi asawa kita.

"You can't tell." ngisi nya

Di ko nalang sya pinansin at tumingin ulit ako sa cellphone ko.

Ginawa kong wallpaper ang shot na nag kiss kami ni Felix pero uulitin ko naka-crop si Felix.

Pinatay ko ang cellphone ko at tumingin sa labas ng bintana. Grabe sobrang ganda naman dito. Nasaan na kaya kami? Ang tagal na naming bumibiyahe ah. Mag didilim na nga!

Dahil walang kwentang kausap tong isang to ay nanatili nalang akong tahimik, hindi naman ako nag aalala kung saan ako dadalhin ni Felix, Hello? Asawa ko itong kasama ko ngayon...








Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon