STA 18

75 7 0
                                    

Chapter 18

She can't have me


"Oh my gosh." Sabi ni Ken nung kinuwento ko yung nangyari sa amin ni Felix kagabi.

Ngumiti lang ako tsaka ipinagpatuloy ang pagkain ko. Kahit ako mismo sa sarili ko hindi makapaniwala na natatandaan na ako ni Felix, sa sobrang saya pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin. All of this is just like a dream. Ang hirap lang paniwalaan.

"Paano mo naman sasabihin sa mga magulang mo na may asawa kana? Sigurado akong mag f-freak out yun." Sabi nya

"H-hindi ko rin alam."

Sa totoo lang nakalimutan kong mag isip kung paano ko sasabihin iyon sa mga magulang ko. Natatakot ako na baka pag layuin nila kami ni Felix, at ang malala baka isipin nila na nababaliw na ako.

"Hey." Napaangat ang tingin ko. Si Felix pala

"Can I join you?" Tsaka sya tumingin sa aming dalawa ni Ken

"Ah sige." Umusod ako ng konti para makaupo sya

Umupo sya sa tabi ko at ngumiti.

Napangiti rin ako sa kanya dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Finally.

"So..Felix natatandaan mo na ba talaga si Jade?" Tanong ni Ken

"Yes. I do and I love it." Tumingin sya sa akin at naramdaman ko ang pag hawak nya sa kamay ko.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya tsaka ako ulit tumingin kay Ken.

"Wait. Kung second life to bakit ka nandito?" Tanong ni Felix kay Ken

Oo nga noh. Anong ginagawa nya rito? Ibig bang sabihin...

"Patay ka na ba?" Tanong ni Felix

Napansin ko namang namutla si Ken tsaka sya napatingin sa akin.

"Ano kasi--"

Naputol ang sasabihin nya dahil narinig na namin ang bell. Tumayo na kaming lahat at nag tungo sa classroom namin. Napaisip talaga ako sa tanong ni Felix, Bakit nga ba hindi ko yun naitanong dati kay Ken? Kung nandito sya sa second life ibig sabihin patay na talaga sya, pero bakit? Paano?

Sa dami nang iniisip ko di ko namalayang tapos na pala ang klase. Lumabas na ang teacher namin at napatingin ako sa tabi ko. Nakatingin rin pala si Felix sa akin at tinaasan nya ako ng kilay.

Napangisi nalang ako sa kanya, talagang nag balik na sya. Nag balik na talaga ang asawa ko, bigla nalang tumulo ang luha ko dahil akala ko talaga di na sya babalik sa akin.

"Why are you crying?" Kumunot noo nya

Pinunasan nya naman ang mga luha ko gamit ang kamay nya.

Umiling lang ako at ngumiti.

"Tears of joy." Sabi ko

Tumawa sya ng mahina tsaka sya tumingin sa akin, hinawi nya ang buhok ko at inipit nya iyon sa tenga ko.

"I don't want to see you cry ok? It makes me worry so much."

Naudlot ang usapan namin ng may biglang kumatok sa classroom. Kami lang pala ang narito?

"Nakakaistorbo ba ako?" Sabi ni Kristine habang nakahalukipkip sa harap namin.

Tumayo si Felix at hinarap si Kristine.

"What do you want?" Iritadong sabi nya

"All I want is you Felix." Lumapit pa sya lalo kay Felix na halos mag kahalikan na sila.

Tumayo ako at inilayo si Kristine kay Felix. Nilapitan ko sya tsaka ko sya tinignan sa mata.

"You can't have him hangga't nandito ako Kristine. Hangga't nabubuhay ako hinding- hindi mo sya maaagaw sa akin."

"I always have my ways Jade. Wag kang mag pakasigurado. You don't know me. You don't know what I can do." Ngumisi sya tapos umalis na sya sa classroom namin.

Walang hiya talaga yang obssessed na yan. Para syang baliw na habol ng habol kay Felix. Ayaw na nga sa kanya ng tao pinagpipilitan nya pa rin ang sarili nya.

Naramdaman ko naman ang yakap ni Felix muna sa likod ko. Hinalikan nya ang balikat ko at bumulong sa akin.

"Don't worry she can't have me."

Bigla namang nawala lahat ng pag aalala at ang pag kairita ko.

Huminga ako ng malalim at naupo na kami ulit sa upuan namin sakto namang nag pasukan na ang mga kaklase namin dahil time na pala.

Habang nag tuturo ang teacher namin nakaramdam ako ng kakaiba, para bang may nakatingin sa akin. Napalingon ako sa bintana ng pintuan at di nga ako nag kakamali.

Si Kristine nakatingin sa akin habang pinaglalaruan ang buhok nya.

This girls is really crazy. Baliw na talaga sya.

Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at nakinig nalang ako sa sinasabi ng teacher, pero kahit ganun di pa rin nawawala ang pagkakilabot ko sa mga tingin at aksyon ni Kristine.

Natakot tuloy ako bigla sa pwede nyang gawin sa amin.

She's really insane!


A/N: Happy Happy Birthday sa daddy ko sa kpop world!!! Appa Happy Birthday!! Mag kikita- kita rin tayong Banana family!! Sana mag katuluyan kayo ni Jungkook!! <3 I love you appa!!


Second Time Around (Garcia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon