Chapter 21
Propose
"Oh My God."
"Nabigla ata kita." sabi sa akin ni Ken
Umiling naman ako pero di pa rin ako makapaniwala.
Kaya nyang mag pabalik-balik sa totoong mundo at dito sa Second Life. Wow! Just WOW!
Pero bakit ako di ko magawa iyon? It's kinda unfair. Edi sana nakikita ko kung maayos lang ba silang lahat. Sana makikita ko ang mga nangyayari sa paligid ko habang wala akong malay doon sa ospital.
"Paano mo nagagawa yun? Bakit ako hindi ko kaya?" tanong ko
"I don't know, bigla nalang syang nangyari sa akin. Hanggang sa parang normal nalang sa akin na nangyayari yun."
"Sana nagagawa ko rin yun." sabi ko ng puno ng panghihinayang
Ngumiti sya ng konti at ininom ang inumin nya.
Napagulantang ako dahil biglang nag ring ang cellphone ko na nasa bulsa ko.
"Wait lang ah" sabi ko
Tumayo ako tsaka sinagot ang tawag.
"Hello?"
'Babe where are you?'
"Nasa Commune with Ken. Why?"
'I'll fetch you there, wait for me.'
"Ha? A-ah ok."
'Bye. I love you.'
Napangiti naman ako
"I love you too."
Pinutol ko na ang tawag at bumalik na sa table namin ni Ken.
"Si Felix?" tanong ni Ken
"Oo, susunduin nya daw ako rito."
"So I guess pwede na akong umalis, may pupuntahan pa kasi ako." sabi ni Ken
"Ah ok sige! Thank you Ken. Ingat ka."
Tumango sya tsaka tumayo. Tinignan ko lang sya habang nag lalakad sya palabas ng Commune. I waved at her noong tumalikod sya at kumaway sa akin. Siguro sa mga ganitong sitwasyon mo malalaman kung gaano katatag ang friendship nyo ng kaibigan mo. I'm happy na kahit anong nangyari sa amin ay magkaibigan pa rin kami.
Tuwing may pumapasok sa Commune, napapaisip ako kung naaalala kaya nila ang mga dati nilang buhay? Kasama kaya nila rito ang mga mahal nila sa buhay?
"C'mon let's go?"
Napatalon ako sa sobrang gulat. Bakit ba sobrang akong magugulatin? Tsaka parati akong lutang.
Tumayo ako at inabot ni Felix ang kamay ko kaya nag lalakad kami palabas ng coffee shop ng mag kahawak ang kamay.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta."
Ayan nanaman siya sa 'Basta' na yan
Inayos ko nalang ang upo ko sa sasakyan nya at sinuot ko ang seatbelt ko.
"Yung seatbelt mo po."
"Ay sorry."
Kahit kailan hindi na talaga natuto. Ang tigas- tigas pa rin ng ulo. Hanggang ngayon di pa rin sya sanay na nag s-seatbelt.
"You can sleep, Gigisingin nalang kita pag malapit na tayo."
"Hindi naman ako inaantok. Teka, bakit ba palagi mo akong pinapatulog?"
Bigla naman syang natawa kaya pinalo ko sya sa braso.
"Anong ginagawa mo habang tulog ako ha?!"
"HAHAHA W-wala HAHAHAH" Sabi nya habang tumatawa
"Ikaw ha! Pinag t-tripan mo nanaman ako."
Tumingin na ulit ako sa daan at nagandahan ako sa mga gusaling nakikita ko. Sobrang taas kasi nila na para bang abot- abot na nila ang langit. Akala ko pa nga noong bata ako pag nakaakyat ako sa tuktok nyan makikita ko na si Jesus. Yun pala kailangan ko muna mag pakabait at mamatay bago ko makita ang Diyos.
"Malapit na tayo." sabi nya
Umayos naman ako ng upo at inayos ko ang buhok ko.
Maya- maya nakita ko ang ilaw ng Star City.
"Woah. Anong gagawin natin dito?" mangha kong sabi
It's been a long time since I went here. Natatandaan ko nasa highschool palang ako noong huli ako nakapunta dito.
"Matutulog, Antok na ako eh." malokong sabi ng kasama ko
"Ewan ko sayo!"
Nag park na kami at pinatay ang sasakyan, Pero bago kami bumaba may kinuha si Felix sa backseat.
"Here wear this." at inabot nya sa akin ang isang Jacket.
Kinuha ko nalang ito at lumabas kami ng sasakyan, inilahad ni Felix ang kamay nya at tinanggap ko naman ito.
"You're going to enjoy this day baby." And he winked at me
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa ni Felix. Bakit ba kahit anong gawin nya napakalaking epekto sa akin?
This guy is killing me slowly.
Bumili kami ng tickets and then pumasok na kami. Patingin- tingin lang ako sa paligid dahil nag d-desisyon pa ako kung anong gusto kong sakyan syempre namiss ko to'ng lugar na to, hindi ko nga alam kung anong uunahin ko.
"Wear your jacket."
"Ha?"
"Dali na."
Sinuot ko ang jacket na hawak- hawak ko kanina tapos hinaltak ako ni Felix sa Snow World
"Ang lamig!" sabi ko
"Come here, I'll hug you."
Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap sya.
"Tara punta tayo doon!" sabay turo nya sa magagandang ilaw na napapalibutan ng snow.
Bumitaw sya sa yakap at ngumiti sa akin.
Napaurong ako ng konti ng bigla syang lumuhod at may inilabas na maliit na box. Kumalabog ng malakas ang puso ko, nakalimutan ko na rin atang huminga!
Kinuha nya ang kamay ko at hinaplos ito.
"Jade, For the second time. Please marry me."
Napaluha ako sa sobrang saya.
Hindi ko na pinatagal at sinagot ko na sya "Yes Felix"
Sinuot nya ang sing-sing sa akin tapos niyakap nya ako.
"I love you baby."
"I love you too."
Narinig naming nag palakpakan ang mga tao na nasa paligid at natawa nalang kaming pareho dahil ang dami palang nanonood sa amin.
Tama nga si Felix, I'm going to enjoy this day so much kasi for the Second Time, He proposed to me.
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
Любовные романыJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...