Chapter 20
Ken's story
Ilang linggo na ang nakalipas mula noong umamin sa amin si Ken. Hindi ko na rin sya nakikitang pumapasok, At hanggang ngayon hindi pa rin nag sisink in sa akin ang lahat. Actually, hindi ako galit sa kanya kasi alam ko namang aksidente lang ang lahat. Gustong- gusto ko nga syang makita dahil marami akong sasabihin sa kanya, Marami akong itatanong sa kanya.
Sabado ngayon at syempre nandito lang ako sa kwarto ko nakakulong, Wala kasi sila Mommy and Daddy ngayon may aasikasuhin daw sila.
Nakahiga ako sa kama at kinakalikot ko ang cellphone ko, tinignan ko yung facebook ni Ken. Inactive na rin sya. Sana ok ka lang Ken.
Pinindot ko ang chat box namin at chinat sya.
'Ken, I'm not mad. Let's talk.'
Huminga ako ng malalim at sinend ko ang message ko sa kanya.
Habang nanonood ako ng videos sa youtube, may lumitaw sa notification bar ko. Napaupo ako ng nakita kong nag reply si Ken.
'Really? di ka galit sa akin?'
Napangiti ako
'No I'm not. It's an accident after all.' sagot ko kaagad
'I'm so sorry, Kung nagging maingat lang sana ako. It's all my fault.'
'No, Walang may gusto ng nangyari. Pwede ba tayong mag kita ngayon?'
'Sure, wala naman akong ginagawa rito.' she said
Tinext ko sa kanya kung saan kami mag kikita. Tumayo na ako sa pagkakahiga at nag ayos na ako.
Bumaba na ako sa sinasakyan kong taxi at dumiretso sa Cafe na pag kikitaan namin ni Ken. Habang nag hihintay ako umorder na ako ng drinks namin at nakiconnect din ako sa Wifi nila.
"Hi Jade." sabi ni Ken na nasa harapan ko na pala
"Hello." I smiled at her
Binigay ko sa kanya ang drinks na inorder ko, hinawakan nya naman ito at ininom.
"I'm so sorry Jade. Para makabawi sayo, Ask me everything, sasagutin ko lahat." she said
Huminga ako ng malalim
"Ken, are you...."
She smiled at me sadly.
"No I'm not. I'm not dead."
Napasinghap ako sa gulat.
"What?"
Ken's POV
(Flashback)
I'm drinking right now in this bar like there's no tomorrow. It's me and my boyfriend's anniversary, dapat masaya ako ngayon but I'm not. I caught my boyfriend passionately kissing his ex. Sa mismong condo ko pa! Ang kakapal talaga ng mga mukha nila!
Wala akong ginawa kundi maging the best sa kanya, Hindi naman ako nag kulang sa pag mamahal ko sa kanya. Ang sakit- sakit. Hindi ko alam kung ano ba ang pag kukulang ko, ano ba ang nagawa kong mali to deserve this kind of pain.
"Give me more." sabi ko sa bartender
"Maam sobrang dami na po ng nainom niyo."
"Why do you care?! I said give me more!" sigaw ko sa kanya
Agad naman nya akong binigyan ng isa pang shot ng seven and seven.
Walang pakundangang ininom ko ito. Tumayo ako tapos nag lapag ng 5,000 sa table at lumabas na ng bar, I went inside my car and drove away. I don't really care if I die right now, My life is a total mess anyway.
BINABASA MO ANG
Second Time Around (Garcia Series #1)
RomanceJade and Felix, a married couple who believe in second life where they can start their new life once they're dead. They promised to each other that they will find and love each other in their second life. The two got into an accident and woke up to...