3

206K 3.3K 134
                                    



      "Mabuti nalang at maagang natapos ang photoshoot mo," masayang sabi ng Kuya Austin niya bago siya nilapitan at bahagyang niyakap. "Halika, nag uusap lang kami sandali ni Miguel. Umupo ka muna."

Wala sa sariling sinunod niya ang utos ng kapatid at naupo sa sofa roon habang ang dalawa naman ay muling nag patuloy sa pag uusap. Pinag uusapan pala ng mga ito ang nakatakdang pag expand nila ng branches nila abroad.

Ngayon niya naalala kung gaano kalapit ang dalawa. Matalik na magkaibigan ang kanyang Kuya Austin at Miguel. Mula pagkabata ay magkaklase na ang mga ito at hanggang sa ngayong may trabaho na ay naisipan din nilang maging mag sosyo sa isang business na silang dalawa din mismo ang nagtayo.

Pasimple niyang tinignan si Miguel. Kaswal na kaswal ang galaw nito at mukhang wala pang sinasabing kahit anong bagay tungkol sa nangyari sa kapatid niya. Nakahinga naman siya ng maluwag.

Wala pang dalawang minuto ay may kumatok sa pinto na ikinabaling nilang tatlo roon. Niluwal niyon si Serin. "Sorry for the interruption, Sir. Pero andito po ulit si Miss Gomez, she wants to have a minute with you."

Lumingon muna si Kuya Austin saakin at kay Miguel bago nag-salita. "Wait for a minute. I'll be right back."

Bago pa siya makapag protesta ay nakalabas na ito ng pinto. Wala na siyang nagawa ng maiwan silang dalawa ni Miguel sa loob ng opisina ng kanyang kapatid. Ang kanina'y malaking silid ay bigla nalang naging maliit para sakanilang dalawa.

Minutes passed and the silence was invading the whole room. No one dares to talk. Yung tension sa hangin ay damang dama niya. The aura is getting more awkward as the clock ticked in.

"Miguel—"

"Brielle—"

Napatigil silang dalawa ng sabay silang mag-salita. Tinikom niya ang bibig at hinintay itong maunang mag salita.

"Go ahead," pagbibigay ng autoridad sakanya ni Miguel bago naglakad papalapit.

Hindi siya makapag concentrate ng maayos kaya iniwas niya ang kanyang tingin. Tinitigan nalang niya ang mamahaling sapatos ng lalaki habang unti unting lumalapit sa kinuupuan niyang sofa.

"About what happened between the two of us.." tumikhim siya para mawala ang bikig sa lalamunan. "You're texting and calling me every day since that happened, pwede bang kalimutan nalang nating dalawa 'yon?"

"Pardon me?"

"Pwede bang kalimutan nalang natin--"

"Are you saying that we should pretend that nothing happened?" Tumigil ito sa pag lalakad ng makarating ito sa tapat niya.

Tumango siya at hindi parin nag aangat ng tingin sa kausap. "Kalimutan nalang natin. We are both consenting adult. Hindi natin kailangan—" 

Natigil siya sa pag sasalita ng iangat ni Miguel ang kanyang mukha gamit ang kamay nito na nasa baba niya. Nag tagpo ang mga mata nila dahil doon.

"You want me to forget about it?" Kunot noong tanong nito.

"O-Oo.." Nauutal na tango niya. Bakit ba kasi ang lapit ng gwapo nitong mukha sa mukha niya? Ayaw tuloy gumana ng kanyang utak.

"Let me think about that.."  mas lumapit pa lalo ang mukha.

Ilang pulgada nalang at mag didikit na ang kanilang mga labi. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya, natatakot ba siya?

"M-Miguel.." sabi niya nang patuloy parin ito sa paglapit.

Hindi siya nito pinansin hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. The same ecstatic feeling runs through her system. Ang malalamot nitong labi at ang mainit na halik. Brings back all those memories she's trying to forget.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon