"Andrei.." naiiyak na sambit niya sa pangalan nito.Kahit papaano ay may pinagsamahan silang dalawa at nasasaktan din siya para rito. Pero kahit anong gawin niya ay hindi na niya pwedeng ipag patuloy ang kanilang relasyon. Ikakasal na siya.
Umiling ito saakin. "No, Maria Gabrielle. Hindi kita ibibigay basta basta sa lalaking iyon."
"Andrei.. please."
Ngumiti ito sakanya. Iyong ngiting halatang nahihirapan. Nahihirapan din ito sa sitwasyon at patuloy lang itong mahihirapan kung hindi pa siya nito pakakawalan.
"I'll accept the child," mahinang sabi ni Andrei na ikinabigla niya. "Tatanggapin ko ang bata, marry me instead. Ako nalang.." kinuha nito ang kamay niya na nasa nakapatong sa mesa. "I can be a better husband and father.. just please, don't leave me."
Tuluyan ng pumatak ang luha sa kanyang mata. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganoong punto ang relasyon nila ng binata. Ang Andrei na nasa harapan niya ngayon ay malayong malayo sa Andrei na nakilala niya tatlong taon na ang nakakalipas.
"Andrei, makakahanap ka pa ng iba. Eventually, you will find someone better than me—"
"Damn it," putol nito. "Alam mo kung gaano kita kamahal, Gabby. Kaya kong gawin lahat para sayo. Ikaw ang niligawan ko dahil ikaw ang gusto ko makasama, hindi kung sino sino."
Nasasaktan siya para rito. Totoong minahal niya si Andrei dahil sa loob ng ilang taon nilang relasyon ay naging mabuti ito sakanya. Pero ang klase ng pagmamahal na binibigay nito ay kailanman ay hindi niya hiningi. Hinding-hindi.
"Pero.. Andrei," She whispered. "Ikakasal na kami ni Miguel—"
"The hell, I care." Putol nito sakanya. "Marry me instead. Ako ang boyfriend mo, hindi siya."
Hinawi niya ang buhok at umiling.
"The choice is yours," blanko ang ekspresyon nito. "Kung ikakasal kayo ng lalaking iyon. Ipapatay ko siya sa mismong kasal niyo. You know me well, Gabby. Sa dami na ng nagawa ko, I won't mind going this far."
Napalunok siya. "Hindi mo g-gawin 'yan.."
"Watch me," sagot nito. "Remember Gian?"
Natigilan siya ng maalala niya si Gian. Isa sa mga kasama niyang modelo na nag tangkang manligaw sakanya kahit sila pa ni Andrei noon. Ang huling balita niya ay natanggalan ito ng trabaho at hindi na nakakalakad.
Binugbog daw ang kawawang lalaki ng mga tambay sa isang madilim na kanto, hindi siya naniniwala na basta tambay lang ang mga iyon. Dahil mga tauhan iyon ni Andrei, binayaran niya ang mga taong iyon para lumpuhin si Gian.
"What about Neil?"
Kagaya ni Gian ay ganoon din si Neil. Ang pinagkaiba nga lang nila ay hindi nalumpo si Neil. Bagkus ay napuno ng pilat ang mukha nito na naging dahilan para hindi makabalik sa mundo ng pagmomodelo.
"Andrei, you're scaring me out." Natatakot na sabi niya rito.
"You should, Maria Gabrielle. Matakot ka. Alam mo ang mga bagay na kaya kong gawin para sayo."
Umiling siya, hindi makapaniwala. "You're obsessed."
"Yes, I am." Hindi man lang ito nag aksaya ng oras para mag sinungaling at kaagad na inamin.
Alam niyang magagawa nga nito ang banta niya. Walang kinatatakutan si Andrei dahil protektado siya ng kanyang pamilya at kahit anong gawin niyang krimen ay makakalusot at makakalusot ito sa batas.
Nanahimik nalang siya at pinag iisipan ang lahat lahat. Ayaw niyang masaktan si Miguel dahil mahal niya ang binata. Pero anong gagawin niya? Nalilito na rin siya, hindi na niya alam.
"Ano bang paraan para pakawalan mo ako, Andrei?" Mahinahon niyang tanong rito.
Malungkot na sumagot ito. "I really do love you, Gabby.."
Umiling siya. Ayaw niyang maniwala.
Tumayo na siya at walang paalam na umalis roon. Nanghihinang napaupo siya sa loob ng sasakyan. Ilang minuto muna siyang sumandal sa upuan bago pinagpasyahan na dumiretso kay Miguel.
Tutal ay ilang araw nadin niyang hindi nakikita ang kanyang Kuya Austin. Isasabay na niya ang pagbisita dito. Ayaw na munang umuwi sa bahay dahil mag isa lang siya doon at lalo lang mag iisip ng kung ano ano.
Nang makarating sa building ay una niyang pinuntahan ang kapatid niya bago pinuntahan si Miguel. Nag hintay pa siya ng ilang minuto sa opisina nito dahil may on going meeting ito pag dating niya.
"What's this?" Kinuha ko ang mga papel na nakaipit sa mga iilang libro. Kumunot ang noo ko. "You have love letters? You are accepting these—"
"Maria Gabrielle, give me those crap." May halong pagbabanta ang boses ni Miguel na kanyang ikinapagtaka.
Natawa siya at umupo sa sofa nito sa loob ng opisina. "Why? Let me read these-"
"Shit. Brielle stop," mariin na giit nito.
Nang lumapit ito sakanya ay pilit nitong inagaw sa kamay niya ang mga sobre ng sulat. Tinago niya iyon sa loob ng kanyang damit para hindi nito makuha ang mga sulat.
"Love, what the-"
Ngumisi siya rito at pinagtabuyan ang lalaki. "Shoo, doon ka. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. Mag babasa ako rito."
Seryoso parin ang mukha nito kaya naman mabilis siyang lumayo at binuksan ng mabilisan ang isang sulat. Pero kaagad din napawi ang kanyang ngiti ng mabasa niya ang mga salitang nakasulat doon.
Die Montreal.
Naagaw iyon sakanya ni Miguel pero huli na ang lahat. Nabasa na niya ang laman niyon. Nanlamig ang kanyang kalamnan dahil sa nabasa at ng linungin niya ang lalaki ay nilulukot na nito ang mga sulat.
"Kailan ka pa nakakatanggap ng ganyan?" Seryosong tanong niya rito.
Umiling ito saakin. "Don't mind these letters. They're not important."
"Yes, they are." Madiin na sagot niya.
Tinapon nito ang mga sobre sa trash can na nasa kalapit lang ng table nito. Sa tantya niya ay nasa anim pataas ang bilang ng mga sobre. Sobrang dami.
Andrei.
"Stop over reacting, Brielle." Lumapit ito sakanya at hinalikan siya sa pingi. "Nakakatanggap nako ng mga ganoong sulat dati pa."
Napailing siya at binaklas ang kamay nitong nasa bewang niya. "Bakit wala kang sinasabi na may natatanggap kang ganyan?" Mahinang tanong ko.
"Normal lang iyon saakin-"
"Saakin hindi!" Naiinis na putol niya rito.
"My love, stop shouting." Mahinahon ang boses nito sakanya pero wala iyong nagawa para pakalmahin siya.
"I'll shout if I want, Miguel Ian Montreal. You're lying to me all this time-"
"No, I'm not." Iling nito. "Ayoko lang na makakuha ng ganyang reaksyon mula sayo. Look, I'm sorry. Don't worry about me, mukha ba akong mahina? Kaya kong protektahan ang sarili ko pati na kayo ng magiging anak ko."
Napabuntong hininga siya sa sinabi nito.
Hindi na niya alam kung anong kanyang gagawin. Nauubusan na siya ng oras at wala siyang maisip na solusyon sa lahat ng problema niya.
"Aalis na ako," sabi niya kapag kuwan. "Hihintayin nalang kita sa bahay, uwi ng maaga. I'll cook dinner."
Ngumiti ito sakanya at tumango. "Smile, Love, para mawala ang pagod ko."
Ngumiti naman siya ng bahagya. Hinapit siya nito sa bewang at hinalikan ng mariin sa labi. She have to do something, kailangan niyang kumilos.
She needs to protect the man she loves.
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...