DUMAMPOT SIYA NG maliit na bato mula sa gilid ng kinauupuan niyang kahoy sa harap ng dagat bago binato iyon sa tubig. Papalubog na ang araw at kakaunti nalang ang mga taong lumalangoy.Mag iisang oras na siyang nakaupo roon at pinipilit na libangin ang sarili. Sinama sama siya doon ni Miguel pero heto naman siya at iniiwan lang nito kung saan saan. May pupuntahan daw silang site ni Eli at hindi siya pwedeng sumama.
"Akala ba niya alaga akong hayop na pwede lang niyang iwan pag gusto niya?" Naiinis na bulong niya.
"Who are you talking to?" Mula sa dagat ay nilingon niya ang bulto na umupo sa tabi niya. It was Emmett, hindi pala ito sumama kina Miguel kanina dahil may pupuntahan din daw ito. "May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" He continued with amusement in his voice.
"Ikaw nanaman? Akala ko ba may pupuntahan ka? Bakit andito ka pa?" Naiiling na tanong niya bago binalik ang tingin sa mga lumalangoy.
"Ouch," humawak pa ito sa dibdib. "Kababalik ko lang, gusto mo nanaman ako umalis?" Natatawang tanong nito.
Nag kamali pala siya sa unang naging impresyon niya sa lalaking ito dahil hindi naman talaga ito tahimik. May pagkaseryoso lang ito ng bahagya kaysa kay Eli pero hindi tahimik kagaya ni Miguel.
May kakulitan din ito katawan.
"Sira, ikaw ang nag sabi kanina na aalis ka." Maging siya ay natawa na din.
"Kababalik ko nga lang," bumaling din ito sa malawak na dagat. "Mag isa ka? Asan si Kuya at Miguel? Wala pa ba?"
Umiling siya bilang pag sagot sa tanong nito. Nililibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa tumigil iyon sa isang babaeng may kargang apat na taong gulang na bata. Umiiyak ang bata at pinapatahan ng sapalagay niya ay ina nito. Bigla ay naalala niya ang sariling anak.
Ilang oras palang siyang nawawalay sa anak ay namimiss na niya ito ng sobra. Malungkot na napangiti siya habang nakatingin parin sa mag-ina.
"Malungkot ka?"
Dahil sa tanong ni Emmett ay nilingon niya ito. Nakatingin din ito sa babaeng may kargang bata na tinitignan niya kanina.
"Hindi naman ako m-malungkot.." tanggi niya.
"Ikakasal kayo dapat ni Miguel, diba?"
Natigilan siya sa sumunod na tanong nito at hindi kaagad nakahuma. Mabilis ang naging pag iwas ng tingin niya rito para hindi nito makita ang pag daan ng sakit sa kanyang mukha.
Alam niya?
"Balitang-balita ang kasal niyo sa mga dyaryo. We are actually invited that day, pero hindi lang ako nakarating."
Hindi niya alam ang isasagot sa mga sinasabi nito, hindi rin niya alam kung anong irereact niya. Sariwa pa sakanya ang lahat na parang kahapon lang iyon nangyari. That day, the day she left Miguel.
"Masayang-masaya si Miguel noon," He continued despite of her being not responsive. "Buong akala ko ay natuloy ang kasal niya. But.. after a year, bumalik siya dito. Tuwing tinatanong ko siya kung kumusta ang may buhay may asawa ay biglang umiinit ang ulo niya." Naiiling na sabi ni Emmett.
Yumuko siya at mariing kinagat ang labi para pigilan ang pag gawa ng ingay habang nag sasalita ito. Pinipisil pisil niya ang kanyang mga daliri habang nakatitig sa mga iyon.
"He always acted like that," He sighed then continued. "Ang lamig niyang kausap. Until one day, nabalitaan kong hindi pala natuloy ang kasal niya. He even attempted—"
Mabilis na nag angat siya ng tingin dahil sa pag putol nito sa sinasabi. Hindi nito tinuloy ang mga salita at para bang tinatantya pa niya kung sasabihin ba niya saakin o hindi.
![](https://img.wattpad.com/cover/59006862-288-k504676.jpg)
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...