KANINA PA SIYA palakad lakad sa sala at hindi mapakali. Mag iisang araw ng hindi umuuwi ang kanyang kapatid buhat ng malaman nila na nag dadalawang tao siya. Pag kabalik nila kahapon galing sa hospital ay umalis kaagad ito.
Hindi niya ito masundan dahil mahigpit na inutos nito sakanya na hindi siya pwedeng lumabas ng bahay hangga't wala pa sina Mama at Papa. Nilingon niya ang malaking orasan sa dingding, pasado ala una na ng hapon at maya maya lang ay darating na ang kanyang mga magulang galing Barcelona.
Ang kanyang Kuya Austin din ang nagsabi tungkol sa kalagayan niya. Kaya naman mula ibang bansa ay nag book kaagad ang magulang niya ng flight pauwi ng Pilipinas.
"Hija, okay ka lang ba?" Tanong ng kanyang Nanang Cely ng makita siya na hindi parin mapakali sa kinatatayuan. "Maupo ka nga munang bata ka. Kanina ka pa nakatayo diyan."
Wala na siyang nagawa ng alalayan siya nito paupo. Hangga ngayon ay wala paring pumapasok sa utak niya na kahit anong bagay, hindi parin niya alam ang gagawin at iisipin.
"Manang natatakot ako." Mahinang sabi niya.
"Huwag kang matakot, Hija." Hinaplos nito ang buhok ko na kahit papaano ay nakapag kalma sakanya. "Andito lang kami. Maayos din ng mga magulang mo ang lahat, 'wag kang mag alala."
Kaya nga siya natatakot dahil doon. Alam na alam niya kung gaano kahalaga sa kanyang mga magulang ang dignidad at iisipin ng mga tao. Iniisip palang niya ang magiging reaksyon ng kanyang Ina ay hindi na siya mapakali.
Mas dumoble ang kabog sa dibdib niya ng makarinig siya ng busina ng sasakyan. Lihim siyang nag dasal na sana ang kanyang Kuya Austin ang dumating.
"Ayan na siguro sina Sofia at Claude." Tumayo ang kanyang Nanang Cely. "Mag hahanda lang ako ng meryenda para sakanila."
Tumayo na din siya at naglakad papunta sa main door para salubungin ang magulang. Kahit may takot sa dibdib ay mas nanaig ang pagka miss niya sa mga ito dahil halos tatlong buwan ding naglagi ang dalawa sa Barcelona.
"Mama—"
Isang nakabibinging sampal ang una niyang natanggap pagkakita sa kanyang ina. Dahil sa tahimik ang buong bahay ay dinig na dinig ang sampal na iyon hanggang sa labas.
"Sofia," awat ng papa niya.
"Anong ginagawa mo sa buhay mo, Gabrielle?" Iyon ang tanong na lalong nagpatahimik sakanya.
"Sofia.." tuluyan ng lumapit ang ama para pumagitna sakanila ng kanyang ina. "Kadarating lang natin, mag pahinga muna tayo. Huwag na muna nating pag usapan ang bagay na ito."
"S-Sorry po.." mahinang hingi niya ng tawad na sapat lang para marinig ng mga ito.
"Pag pasensyahan mo na ang mama mo at pagod lang sa byahe," sabi pa ng kanyang ama. "Andyan ba sa loob si Manang?"
Tumango siya at tinawag si Nanang Cely sa loob. Nag paalam nalang muna din siya na gusto niyang magpahinga sa loob ng kwarto at tawagin nalang siya kapag may kailangan.
Tahimik ang naging pag iyak niya habang nakahiga sa kanyang kama. Alam niyang malaking bagay ang kanyang nagawa at maling mali iyon. Hindi niya rin masisisi ang kanyang mga magulang dahil sa naging reaksyon ng mga ito.
Hinaplos niya ang tiyan niya. "Hindi ako nag sisisi sayo.." bulong niya. "Medyo mahirap lang ang sitwasyon ngayon hmm.."
Pinunasan niya ang luha at pumikit. Wala siyang balak matulog pero hindi niya namalayan na unti unti na pala siyang ginugupo ng antok hanggang sa makatulog. Nagising nalang siya dahil sa mahihinang katok sa kanyang pintuan.
"Gabielle? Hija? Bumangon kana diyan at may bisita ang mama mo sa baba. Sumabay kana kumain." Ang kanyang Nanang Cely iyon.
"Opo," sagot niya bago pupungas pungas na tumayo.
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...