NAIILANG NA NAG IWAS ng tingin si Gabrielle sa seryosong titig ni Miguel. Hindi siya mapakali sa paninitig nito na para bang ayaw nitong kumurap dahil baka pag ginawa nito iyon ay mag laho nalang siyang bigla.Sumubo siya ng cookies sa bibig at muntik pa siyang mabulunan ng pati pag subo niya ng pagkain ay nakatingin parin ang lalaki. "Miguel.." tawag niya sa pangalan nito.
He lifted up his cup of coffee and sipped but still not breaking his stare. "Hmm?"
"M-May gusto ka bang sabihin?" Nilunok niya ang cookie kahit hindi pa niya iyon masyadong na ngunguya kaya naman nabulunan siya.
"Here," mabilis na abot nito ng baso ng tubig.
Drinking from that glass of water she can't help but frown upon seeing him still staring at her and in every single move she does.
"Stop staring!" She hissed.
Miguel chuckled for the first time after eight years. Natigilan siya dahil doon at hindi mapigilang mapatitig sa masayang mukha nito. What's happening? May sakit ba ang lalaki?
"Are you dying?" Nag dadalawang isip na tanong niya rito.
Mabilis na kumunot naman ang noo nito sa kanyang sinabi. "What?"
Kumuha siya ng isa pang cookie na nasa plato at kinagatan iyon. "Bakit parang iba ang kinikilos mo?"
"And you think I'm dying?" He raised an eyebrow.
Ngumuso siya sa tanong nito. Hindi naman niya alam, maging siya ay naguguluhan sa kinikilos nito. Nandito sila ngayon sa loob ng bahay ni Miguel para mag meryenda saglit, nag pupumilit kase siya na uuwi na pero ayaw talaga nitong pumayag. Napilitan tuloy siyang pumasok sa bahay at sabayan ito sa meryenda. Sandali silang natahimik sa loob ng ilang minuto hanggang sa muling basagin ni Miguel ang katahimikan.
"When will you move here?"
Tuluyan na siyang napaubo at nasamid sa sinabi nito. Mabilis na napatayo si Miguel sa kinauupuan at pumunta sa likod niya para hagurin iyon. Nag patuloy siya sa pag ubo at bahagyang nagluha ang mga mata dahil doon.
"What d-did you say?" Tanong niya habang umuubo parin.
Tumigil ito sa pag hagod sa kanyang likod at umupo sa katabi niyang upuan. Sinusundan niya ang bawat galaw ng lalaki at nag babakasakaling babalik ang trato nito sakanya nung una silang mag kita ilang araw na ang nakakaraan.
"Do you need Monica with you? She can help to move your things here—"
"M-Miguel.." she cut him off. "What are you doing?" Naguguluhan na tanong niya.
Miguel sighed and slightly bow his head. Mukhang nag iisip din ito kung bakit ganoon nalang bigla ang trato nito sakanya. Ilang minuto itong nanatiling nakaganon bago nag taas muli ng tingin. Nag tagpo ang mga mata nila at natigilan siya sa nabasang halo halong emosyon sa mga asul na mata nito.
"Can we.. can we be together again?" Miguel asked almost whispering.
Kinagat niya ang labi dahil pakiramdam niya ay bibigay nanaman ang luha sa kanyang mata. Hindi niya inaasahan na mang gagaling ang mga salitang iyon sa lalaki.
Hinawakan nito ang kamay niya na nasa mesa at dinala sa labi nito bago masuyong hinalikan. "I want us to be together again, Love."
Hearing that endearment from him made her heart skipped a beat. Naging sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya na hindi na niya gaanong marinig ang sinasabi nito. Mixed emotions rushed through her system. A part of her heart says she's happy, another part of her refuses. Nalilito siya.
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...