PINAGMAMASDAN NI Gabielle ang sarili niya sa harap ng isang malaking salamin. Sa loob ng walong taon na hindi sila nag kita ni Miguel, she wonders how would he look right now. Sigurado siyang wala itong masyadong pinagbago.Napahaplos siya sa sariling mukha. Thirty years old is not that old, right? Sapalagay naman niya ay hindi naman siya mukhang matanda para sa edad niya. Hinawi niya ang buhok ng isang beses pa bago napagpasyahan na lumabas na ng comfort room.
Ikatlong araw na ng pagbabalik niya ng munisipyo para lang makausap si Miguel pero hangga ngayon ay hindi parin niya nakikita ni anino ng binata. Naiinis man ay wala naman siyang magawa dahil siya ang may kailangan dito.
"Ma'am Gabrielle,"
Bahagya siyang ngumiti dahil kilala na siya ng babaeng nasa harap niya. Maging ang mga security guard na dinaanan niya kanina ay nakikilala na siya sa araw araw niyang pag punta rito.
"Pwede ko na ba siyang makausap ngayon?"
Bahagyang ngumiti sakanya ang babae bago nanghingi ng pasensya. "Sorry, Ma'am pero wala po ngayon si Sir Miguel sa loob."
Hindi na siya nabigla sa sagot nito pero hindi parin niya maiwasang mainis. "Wala? Diba sabi mo mag set ako ng meeting with him para lang makausap ko siya. Nagawa ko na 'yon, pero hangga ngayon ni buhok ng amo mo hindi ko pa nakikita."
Pinagloloko ba siya ng mga ito?
"S-Sorry po talaga. Sinabi ko naman na may meeting na kayo with Mayor pero mukhang nakalimutan—"
"Nakalimutan?" She interrupted. "Makakalimutan ba niya samantalang araw araw ako dito? Ulyanin na ba ang boss mo?"
Napangiwi ang babae sa harapan niya. "Subukan niyo nalang pong bumalik sa s-susunod na araw."
Inayos niya ang strap ng shoulder bag niya bago naiinis na ngumiti. "Sabihin mo sa amo mo, uminom na ng vitamins for his memory. Tumatanda na siya at nagiging makalilimutin na."
"P-Po?" Hindi makapaniwalang sabi ng babae.
Napabuntong hininga siya. "Di bale na, salamat nalang."
Habang palabas ng building na iyon ay kitang kita sa kanyang mukha ang inis. Kung walang balak magpakita sakanya ang lalaking iyon ay siya na mismo ang pupunta rito.
Sumakay siya ng kanyang sasakyan at minaneho iyon papunta sa isang destinasyon. Tignan lang natin kung hindi pa niya ako kausapin.
"Ma'am Gabielle?"
Napangiti siya ng makita ang dating katulong nina Miguel. Tinutulungan ata siya ng langit dahil sa nakikitang paghihirap niya para lang makausap ang lalaki. Ngumiti ako ng matamis bago sumagot, "Ako nga po. Nandiyan po ba sa loob si Miguel?"
Alas siyete palang ng umaga kaya naisip niya na baka asa bahay pa ito. Kung wala ito sa munisipyo ay wala siyang maisip na pupuntahan nito.
"Si Sir Miguel po?" Kumunot ang noo nito sakanya. "N-Nasa taas pa po, natutulog. Gusto niyo po bang gisingin ko para sabihing nandito kayo—"
"Ay 'wag na," putol niya rito. "Hihintayin ko nalang siya hanggang magising. May pag uusapan lang sana kaming importanteng bagay."
"Ganoon po ba? Halikayo, Ma'am Gabby. Pumasok na kayo sa loob."
Mukhang hindi na niya kailangan pang pilitin ito na papasukin siya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil swineswerte siya ngayong araw.
"Bakit hangga ngayon tulog pa siya?" Hindi niya maiwasang itanong pag upo niya sa sofa sa sala.
"Kauuwi lang po si Sir kaninang madaling araw, nagtataka nga po ako. Kahit po busy kase si Sir lagi siyang on time kung umuwi."
Tumango tango siya. "Siguro marami lang trabaho."
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...