19

114K 2.1K 40
                                    


   ANG MAINGAY AT mausok na lugar ang kanyang palatandaan na nakabalik na nga si Maria Gabrielle ng Manila pagkatapos ng walong taon. Malayong malayo sa tahimik na probinsyang kanyang tinirhan sa maikling panahon ng kanyang buhay. 

Masaya siya sa buhay niya roon at wala na sanang balak pang  bumalik dito. Pero tinawagan siya ng kanyang ina dahil sa isang problema, naaksidente ang kanyang Kuya Austin, nang marinig niya ang balitang iyon ay hindi na siya nag dalawang isip na bumili ng ticket pabalik sa lungsod.

"Maru, stop reading." Saway niya sa anak ng makitang nag babasa nanaman ito ng libro. "Sa Pampanga wala kang ginagawa kundi magbasa, pati ba naman sa Manila? Baby naman."

Messiah Reusse Santillan, Maru for short, his son is just eight years old but loves to read books that supposed to be for high school students. Sa sobrang hilig nitong mag basa ay hindi na siya nag tataka na sa murang edad ay ipanagawa na niya ito ng salamin sa mata.

"Diba mommy told you na ipahinga mo ang mata mo paminsan minsan?" Kinuha niya ang binabasa nitong libro tungkol sa science.

Hindi na siya nag abalang basahin ang pamagat ng libro at itinago iyon sa kanyang bag kung saan hindi iyon basta basta makukuha ng bata.

"Mommy, hindi ako nagbasa maghapon kahapon because I was the one who packed my things." Inayos pa nito ang salamin sa mata.

Natawa nalang siya sa dahilan nito at dumukwang para halikan ito sa pisngi. "Aren't you excited to see Lolo and Lola again?"

"Excited," sagot nito. "But Uncle Austin is in the hospital so I can't be happy. How is he, Mommy?"

Malungkot ang naging ngiti niya dahil sa tanong ng anak. Nilingon niya ang labas ng sasakyan at nakitang ilang oras nalang ay makakarating na sila sa bahay. Kahit hindi niya aminin ay namiss niya rin kahit papaano ang lugar na ito.

"Your Uncle Austin will be fine," sagot niya rito at kinabig ito para yakapin.

Yumakap naman ito pabalik. Kahit madalas seryoso ang anak niya ay malambing parin ito lalo na sakanya na ina nito. Nag patuloy lang sila sa pag uusap hanggang sa hindi nila namalayan na nakarating na sila sa mansyon.

Binayaran niya ang taxi driver at nag pasalamat bago bumaba bitbit ang mga gamit nila. Mabilis naman siyang dinaluhan ng security guard ng makita siya at binuhat ang mga gamit niya papasok ng bahay.

"Gabielle! Sweetheart!"

Mula sa anak niya ay lumipad ang tingin niya sa kanyang ina. Sinugod siya nito ng yakap. Matapos siya nitong yakapin ay sinunod nito ang anak niya at pinaghahalikan sa pisngi.

"L-Lola.." angal ni Maru ng hindi parin tumitigil ang kanyang ina sa paghalik sa pisngi nito.

"Ang gwapo talaga ng apo ko," yumakap pa ito ng isang beses sa anak.

Napangiti lang siya habang nakatingin sa dalawa.

Mayroong maputing balat si Maru na namana nito sakanya. Bukod sa maputing balat at manipis na labi ay wala na siyang makitang pagkakahawig sa sarili niyang anak. Ang buhok nito, mata, ilong at maging ekspresyon sa mukha ay nakuha lahat nito sa ama.

"Kumain na ba kayo ng agahan?" Tanong ng kanyang ina kapagkuwan.

"Just light breakfast," sagot niya at nilingon si Maru sa kanyang tabi. "Are you hungry?"

Tumango ito at binalingan ang kanyang lola. "I want spaghetti bolognese, 'La."

Mabilis na tumalima ang kanyang ina pagkarinig sa request ni Maru at nag utos ng maid para mag luto. Nag paalam muna siya na aakyat na muna sila sa kwarto niya at mag papalit sandali.

"This mommy's room before," sabi niya sa anak ng hindi ito mag tanong. "This will be your room too while we stay here."

Tumango ang anak niya at nag simulang mag palit ng pambahay kahit hindi niya sinasabi. Matalino ang anak niya at madalas ay hindi na nito kailangan ng utos bago gawin ang mga bagay.

Habang nag bibihis ito ay lumabas siyang muli sa kwarto para hanapin ang ina at kausapin. Kumatok siya sa kwarto ng magulang bago iyon binuksan. Nilingon siya ng kanyang ang ina na may kausap sa telepono.

"Sige, ako ng bahala doon. Okay." Sabi pa nito bago binaba ang tawag.

"Oh Gabielle?" Lumapit ito saakin.

"Wala ba si papa?" Tanong niya ng hindi mapansin ang kanyang ama.

"Ang papa mo ang pansamantalang namamahala sa negosyo ng Kuya Austin mo. Sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw."

Tumango siya at tumigil sandali ng ilang minuto bago muling nagsalita.

"Mama," huminga siya ng malalim. "Kumusta na ang lagay ni Kuya? Hindi naman malala ang aksidente diba?"

Bahagyang ngumiti ang kanyang ina, may kinuha itong folder sa taas ng cabinet at inabot sakanya. "Two days after that incident ay binigay iyan ng mga pulis saamin. Mga larawan na nakuha sa araw ng aksidente. Nabangga ang sinasakyang k-kotse ni Austin sa guardrail at nag tuloy tuloy sa b-bangin.."

Napatakip siya sa bibig dahil sa sinabi ng kanyang ina. Hindi niya inaasahan na ganoon kalala ang naging nangyaring aksidente sa kanyang kapatid.

"H-How is he? Kumusta si Kuya?"

"He's in a coma.." her mother sighed.

Para siyang tinakasan ng lakas dahil sa sinabi nito kaya napahawak siya sa pinakamalapit na cabinet para hindi tuluyang matumba. Paano nangyari sa Kuya niya ang bagay na iyon? Kahit kailan ay wala pa itong kinasangkutan na aksidente dahil sa ingat nito sa pagmamaneho.

Garalgal na binuksan niya ang folder para makita ang laman niyon. Unang bumungad sa mata niya ang larawan ng isang sasakyan na matindi ang pagkakasira. Sasakyan iyon ng kanyang kapatid.

Iba't ibang anggulo ng sasakyan ang mga sumunod pang larawan. Tuloy tuloy lang siya sa pag lipat ng picture ng biglang may mahagip ang mata niya na pamilyar na tao sa isang larawan.

"M-Ma.."

"Siya nga iyan." Kumpirma ng kanyang ina. "Kaya nga ikaw ang una kong tinawagan pagkatapos ng aksidente, Gabielle."

"P-Pero.."

"Gusto kong makausap mo si Miguel tungkol dito. Kailangan nating malaman ang kinalaman niya sa aksidente, walang malay hangga ngayon ang Kuya Austin mo at ikaw lang ang aasahan ko.." hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya.

Muli niyang nilingon ang larawan. Kalahati lang ng mukha ni Miguel ang nakuhanan dahil sa isa pang tao sa harapan nito pero hindi siya pwedeng magkamali. Si Miguel nga ang lalaking iyon.

Anong ginagawa nito sa lugar ng aksidente?

May kinalaman ba ito?

"Do this for your brother, Gabrielle."

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon