MAINGAY, MAUSOK AT malikot na sumasayaw ang mga ilaw sa loob ng bar na pinasukan ni Gabrielle. Matapos ang naging pag uusap nila ni Miguel kanina ay naisip niyang muling lumabas para uminom saglit."One more vodka sunrise, please.." it was the third time she ordered that drink.
Naubos na niya ang mga nauna. Medyo mabilis siyang tamaan ng alak kaya ngayon palang ay nakakaramdam na siya ng kaunting pagkahilo. Besides, she's drinking vodka. Just three or four shots of that will make her instantly drunk.
Mabilis na tumalima ang bartender at ginawa siya ng inumin na gusto niya. Umikot ang mata niya sa loob ng bar na iyon, halos lahat ng tao ay nag sasayawan at lahat umiinom. Gusto niya rin maging masaya kagaya ng mga nandito.
"Please.. just.. just leave me alone."
Pinilig niya ang ulo ng maalala ang sinabi sakanya ni Miguel. Ramdam niya ang pag hihirap sa boses nito, dahil ba iyon sakanya? Nahihirapan ba ito dahil nandito siya sa tabi ng lalaki?
Bahagya siyang tumawa. Pabigat lang talaga siya.
"Wala ka ng ginawang tama, Gabrielle.." mahinang kausap niya sa sarili.
Nilapag ng bartender sa harap niya ang order niya kaya agad niya iyong kinuha at diretsong ininom. Gumuhit ang mapait na lasa nito sa kanyang bibig pababa sa lalamunan. She never likes drinking alcohol but right now she kinda like it.
"Hi, Miss!"
Pinikit niya ang mata at muling minulat bago niya nilingon ang nagsalita sa tabi niya. Isang lalaking hindi nalalayo sa edad niya ang umupo sa kanyang tabi. Umorder din ito ng inumin bago siya muling nilingon.
"Nag iisa ka?"
Dala narin siguro sa gusto niyang magkaroon ng makakausap sa oras na iyon ay tumango siya sa tanong nito. Muli rin siyang umorder ng alak at bahagyang pinilig ang ulo sa pag aakalang mababawasan niyon ang hilo niya.
"Okay ka lang?" The man beside her asked with bit of concern in his voice.
"Okay lang.." mahina niyang saad.
"Mukhang may nangyaring hindi maganda sayo.." kinuha nito ang order na dumating at uminom roon bago nagpatuloy. "Don't worry, I won't ask you about it. Nandito lang din ako para mag saya."
Dumating narin ang inumin niya at kagaya nang mga nauna ay ininom niya kaagad iyon. Pakiramdam niya ay naadik siya sa mainit na pakiramdam na binibigay sakanya ng alak sa mga oras na iyon.
"Malung..kot ka rin ba?" Mahina niyang tanong sa lalaki.
Tumawa naman ang lalaki sa tanong niya. "Not really, are you?"
Ngumuso siya at bahagyang pumikit bago tumango. Naalala nanaman niya ang sinabi sakanya ni Miguel kanina. Ang mga salitang parang karayom na bumabaon sa kanyang puso.
"I'm Fred," pakilala nito at nilahad ang kamay sakanya.
Kinuha niya iyon at bahagyang ngumiti para magpakilala. "Gabrielle.."
"Your name sounds beautiful just like you.." ngumiti ito sakanya kaya napailing nalang siya, she already heard those kinds of compliments hundred times.
"Bolero.." natatawang sabi niya bago tumayo sa kinauupuan.
"Hey, watch your steps." Sinalo siya nito dahil pagtayo niya ay bigla siyang nawalan ng balanse.
"Thank y-you.." inayos niya ang tayo. Gusto niyang pumunta saglit sa banyo dahil gusto niyang umihi. Medyo marami rami narin ang nainom niya.
"Do you want me to escort you? Where do you want to go?" Tanong nito ng mapansin na baka hindi niya kayanin mag isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/59006862-288-k504676.jpg)
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...