24

116K 2.1K 56
                                    


      SERYOSONG NAKATITIG SI Gabielle sa kanyang anak habang busy ito sa pag eexperiment nanaman ng kung ano ano. Nakaupo ito sa table na nasa garden, kagaya ng lagi nitong pwesto, habang may hawak na kung hindi siya nag kakamali ay bote ng dishwashing liquid, vinegar at baking soda. 

Maru is trying to do an experiment and make his own DIY Volcano. Seryosong seryoso ang bata habang nakatutok sa ginagawa at nag babasa ng instruction sa libro na nasa isang kamay naman nito.

"Maru is indeed a very smart child."

Nilingon niya ang ina na hindi niya namalayang nakatayo na pala sa tabi niya. She's watching her child from the front door, kinda far on where Maru is doing his experiment, hindi rin siya napapansin ng kanyang anak mula sa kinatatayuan niya.

"I know," ngumiti siya at binalingan ulit ang bata. "Ever since puro mga science-related ang hilig niya. Hindi na'ko mag tataka kung gusto niyang maging Scientist or Doctor in the future."

"Hindi ba Doctor ang isang kapatid ni Miguel?"

Mula sa anak niya ay nilingon niyang muli ang ina. Tama nga ito, ang sumunod na kapatid ni Miguel na si Marcus ay isang Doctor. Ngayon lang niya naalala ang bagay na iyon.

"Kahapon ay nakita ko si Maru na nagbabasa ng libro na pinublish sa publishing company naman ng isang kapatid ni Miguel," sabi niya bago bahagyang tumawa. "How ironic, lumiliit na ang mundo para saaming lahat. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago si Maru sakanila."

"Sooner or later they will find out about your son. Pasensya ka na, Gabby, kung hindi lang sana kita pinabalik dito sa—"

"Ma," She interrupted. "Stop worrying about me, Kuya Austin is the one who needs that. At saka hindi naman nila malalaman, maybe soon, pero hindi ngayon. Pag dumating ang araw na iyon, sinisigurado kong handa na ako. Hindi nila makukuha ang bata saakin." Nilingon niyang muli ang anak na ngayon ay nag sisimula ng paghaluin ang mga hawak nito.

Narinig niya ang pag buntong hininga ng kanyang ina bago marahang tumango, sang ayon sa sinabi niya. "Yung pag uusap niyo ni Miguel? Kumusta? Nakausap mo siya kahapon hindi ba?"

"Wala siyang sinasabi saakin," bahagya siyang napailing. "Hindi ko alam kung paano niya sasagutin ang mga tanong ko. Kung maayos lang sana ang lagay ni Kuya Austin ay hindi tayo masyadong mahihirapan sa pag alam ng totoong nangyari."

"Magigising din ang Kuya Austin mo, naniniwala ako. Alam kong matutuwa 'yon kapag nalamang umuwi kayo ni Maru dito sa bahay." Gumuhit ang isang ngiti sa labi nito pagkatapos.

Pati siya ay ngumiti ng bahagya at tumango. Naniniwala rin kase siyang isa sa mga araw na 'to ay magigising ang kanyang kapatid. Malaki ang tiwala niya kay Kuya Austin.







WEARING A WHITE cropped cardigan style knitted top and denim skirt, Gabrielle decided to pair it with inch-high black peep-toe heels. Pinasadahan niya pa ang sarili sa harap ng malaking salamin sa kwarto bago siya nakuntento at bumaba.

Kanina pa ang oras nang rescheduled meeting niya kasama si Miguel at late na siya ng trenta minutos pero heto siya at mabagal lang ang kilos. Inaasahan na kasi niya na magiging late lang din ang lalaki kaya hindi na siya nag effort na agahan pa ang pag punta.

"Hello, Miss Monica?" Tinawagan niya ang babae habang nag mamaneho papuntang munisipyo.

"Ma'am Gabrielle. Kanina pa kita hinihintay tumawag! Where are you?" Nasa boses nito ang pagmamadali.

"Kalalabas ko lang ng bahay," walang halong kasinungalingang sagot niya. "Nasaan ba si Miguel? Sigurado akong may meeting pa 'yon kagaya ng dati kaya hindi ko na inagahan—."

"Naku po," nag panic ang boses nito. "Pumunta kana rito, Ma'am Gabrielle. Kanina ka pa hinihintay ni Sir! Inis na inis na po siya."

Mukhang hindi nga nagbibiro ang babae sa sinabi nito dahil pag dating niya ng munisipyo ay ang kunot na kunot na noo ni Miguel ang bumungad sakanya. Mukhang inis nga ito dahil sa pag kalate niya ng lagpas kalahating minuto.

"You're forty-three minutes late." Kaagad na sabi nito paglapit niya.

Nag kibit balikat lang siya na lalong ikinakunot ng noo nito. Pasalamat nga ito at wala pa iyon sa kalahati ng ginawa niyang pag hihintay dito kahapon sa restaurant.

Hindi na nag salita pang muli si Miguel at sumakay na sa isang mamahaling sasakyan na naka parada sa harap mismo ng munisipyo. Doon din siya pinasakay ng isa sa mga tauhan ng lalaki. Wala naman siyang nagawa kung hindi sumunod.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong niya.

Pero kagaya ng bato na hindi nag sasalita ay hindi siya kinibo ni Miguel na nasa tabi lang niya. Buong byahe ay walang pag uusap ang nangyari sakanilang dalawa. Hindi naman niya maulit ang tanong kung saan sila pupunta dahil sobrang busy nito sa laptop na hawak at cellphone sa tenga.

Nag kasya nalang ako sa panood ng tanawin mula sa labas. Mukhang wala naman talagang balak sumagot ang lalaki sa kahit anong tanong niya.

Maya-maya pa ay huminto na ang kotse at pinagbuksan siya ng isa sa mga lalaking naka itim na laging nakasunod kay Miguel. Sa pagkakaalam niya ay mga body guard nito ang mga iyon.

"T-Teka ba't ang daming mga yate?" Sabi niya habang nililibog ang tingin sa paligid.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng daungan ng mga yate. Anong ginagawa nila dito?

Kagaya ng mga naunang tanong niya ay hindi nag abala ang lalaki na sagutin ang kahit isa sa mga tanong niya at nag simulang maglakad papunta sa isa sa mga yate na naroroon kasama ang iilan pa niyang mga tauhan.

"Miguel!" Tawag niya na nakatayo parin sa kinatatayuan at hindi gumagawa ng hakbang.

"Hurry up," sagot nito na hindi siya nililingon.

"Bakit ka sumasakay diyan? Aalis ka?" Naguguluhan na tanong niya. "Diba mag uusap pa tayo? Hindi ka pwedeng umalis na lang—"

"Hurry up. You are going with me." Tumigil si Miguel sa paglalakad at nilingon siya sa kinatatayuan niya.

"A-Ano?"

"I have a business meeting in Cebu."

"Ano ngayon? Kailangan kita makausap—"

"Kung ayaw mo, wait for me after three days. Baka that time nakabalik nako ng Manila." He said in a monotone voice.

"Nababaliw ka na ba?" Hindi niya maipigilang itanong. "Ayokong sumama sa'yo. Pumunta ka dito sa harap ko at dito tayo mag usap—"

Natigil siya sa pag sasalita dahil mukhang walang balak makipag bangayan sakanya si Miguel at muli siyang tinalikuran nito bago nagpatuloy sa pag lalakad papasok sa isang yate na naroroon. Tinawag niya itong muli pero hindi ito sumagot.

Nilapitan siya ng isang lalaki. "Ma'am, aalis na po si Sir. Sasama po ba kayo o hindi?"

Nilingon niyang muli ang pinasukang yate ni Miguel bago hinawi ang buhok sa inis. Wala naman siyang choice. Tatlong araw pa bago ito makabalik, napakatagal niyon. Nag simula na siyang maglakad papunta sa nilakaran kanina ng lalaki.

Sisiguraduhin niyang pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik siya sa dating tahimik na buhay kasama ang kanyang anak sa Pampanga.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon