KASALUKUYAN SIYANG NAG papatuyo ng buhok dahil katatapos lang niyang maligo nang may kumatok sa pintuan ng kwarto nila ni Miguel. Sigurado siyang hindi ang lalaki iyon dahil kanina pa ito umalis papuntang trabaho."Ma'am Gabielle may naghahanap po sainyo sa labas." Dinig niyang sabi ng isa sa mga kasambahay nina Miguel mula sa labas ng pinto.
"Po?" Sagot niya habang patuloy parin sa ginawa, hindi rin niya iyon gaanong narinig.
"May bisita ka sa baba, Ma'am. Pinapasok ko na po ng sala." Sagot pa nito.
Wala siyang naiisip na pwedeng bumisita sakanya sa bahay nina Miguel kundi ang manager niya. Kahapon ay nakausap niya si Paisley tungkol sa pag tigil sa pag momodelo pansamantala. Balak parin naman niyang bumalik kapag siguro maayos na ang sitwasyon.
Isang beses pa niyang sinuklay ang hanggang bewang na mahabang buhok bago nakuntento at lumabas na para puntahan ang bisita.
Pababa na siya ng hagdan ng makita niya ang pamilyar na bulto ng babae na nakatalikod mula sakanya. Nakasuot ito ng isang napaka iksing damit na ikinakunot ng kanyang noo.
Sigurado siyang hindi iyon si Paisley.
"Yes?" Huminto siya sa paglalakad ilang pulgada mula sa kinatatayuan nito.
Dahan-dahan iyong lumingon sakanya hanggang sa makita na niya ang kabuuan ng mukha nito. Hindi niya maiwasang mabigla dahil hindi niya inaasahan ang bisitang ito. It's Samantha Wesley, iyong madalas nilang pag awayan ni Miguel dati.
Blankong mukha nito ang unang bumungad saakin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa na para bang minamaliit ako sa pamamagitan niyon.
"Maria Gabrielle Santillan?"
Tumango siya. "Please have a seat," tinuro pa niya ang isa sa mga sofa na malapit sa kinatatayuan nito.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. Kagaya nga ng inaasahan niya ay sa likod ng maganda nitong mukha ay may tinatago itong kamalditahan. Palagay niya ay wala na siyang dapat ipagtaka doon.
"Your brother is Austin Santillan, right?"
Sa paraan ng tanong nito ay hindi niya alam kung bakit siya nainsulto. Para kasing sinasabi nito na wala siyang karapatan na maging kamag anak ng kanyang sariling kapatid.
"Yes, he is my brother." Tumango pa siya para kumpirmahin iyon. "Hindi lang namin sinabi when I was his temporary secretary—"
"Really? Why?" May bahid ng lungkot ang boses nito na ipinagtaka niya. "Akala ko pa naman simpleng sekretarya ka lang na lumalandi sa amo."
Kung kanina ay wala siyang inis na nararamdaman dito ngayon ay nag iba na ang usapan. Kung hindi lang dahil sa bata sa kanyang sinapupunan ay kanina pa niya hinatak ang buhok nito at pinulupot sa mismong leeg ng babae.
Hindi niya isusugal ang buhay ng anak nila ni Miguel para lang sa walang kwentang insulto mula rito.
"Bakit ka ba nandito?" Tanong niya ng walang bahid ng ngiti sa labi.
Tumikwas ang kilay nito. "Ano bang pinag mamalaki mo? Eh nag pabuntis ka lang naman kaya ka papakasalan ngayon ni Miguel." Natawa pa ito sa sariling salita at tinignan siya na para bang nakaka awa ang lagay niya.
Natawa din naman siya. "Kung hindi importante pwede ka ng umalis. Busy ako."
"What?"
"Nasisira kasi ang araw ko pag nakakakita ng mga pangit na bagay. Kaya kung pwede lang umalis ka na—"
"How dare you!" Nainis ata ito. "Naniniwala ka ba talaga na gusto ka ni Miguel? Ang tanga mo naman para isipin iyon. Kaya ko rin siyang bigyan ng anak kung gugustuhin ko!"
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...