18

120K 2K 67
                                    


       ANG ARAW NA IYON ay ang araw ng nakatakdang pag iisang dibdib nina Maria Gabrielle at Miguel. Lahat ng tao sa loob ng mansyon ng mga Montreal ay aligaga sa mga kanya kanyang gawain.

"Ma'am Gabielle, okay ka lang ba?" Untag sakanya ng babaeng nag aayos sa buhok niya. "Sobrang ganda niyo po pala talaga, lalo na sa personal. Ibang iba kase sa mga magazine at tv."

Hindi niya naiintindihan ang sinabi nito pero pinilit niyang ngumiti. Eto na ang araw na hinihintay ng lahat, ang pag iisang dibdib nila ng panganay na Montreal. Gustuhin man niyang maging masaya ay kinakabahan siya.

Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Sakto namang natapos ang pag aayos sakanya at suot suot narin niya ang gown na disenyo mismo ng kanyang kaibigan.

"You look wonderful, honey." Bulong sakanya ng ina habang inaalalayan siyang bumaba ng hagdan.

"Thank you, 'Ma." Pilit ang naging ngiti niya pagkatapos siya nitong yakapin.

"I'm so happy right now," umiiyak na rin si Tita Serene at nasa tabi lang nito si Tito Mauve. "You look so beautiful. I'm so happy for both of you and Miguel."

Niyakap niya rin ang mga ito at nagpasalamat. Hatak hatak ang malaking gown niya ay sumakay siya sa bridal car. Ni hindi niya maramdaman ang kanyang bawat hakbang na ginagawa dahil sa kaba.

"Mag kita kita nalang tayo sa simbahan," ang mama niya iyon. "Mang Oscar, ingatan mo si Gabby. Siguraduhin mong makakarating siya sa oras." Paalala pa nito.

Agad naman tumango ang driver niya ngayon sa bridal car na si Mang Oscar. "Yes po, ma'am!"

"Gabielle," untag ulit ng kanyang ina.

"Ma.."

"Smile. Why do you look like that?"

Umiling siya bilang pagsagot at ngumiti ulit ng pilit para iparating na maayos lang siya. Nag simula na ang biyahe at wala siyang kasama ngayon sa loob ng sasakyan kundi si Mang Oscar.

"Ma'am Gabielle, wag po kayong mag alala, darating po tayo sa oras." Sabi ni Mang Oscar ng mapansin nitong parang hindi siya mapakali sa kinauupuan.

Hindi na siya nakakibo.

Dumoble ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib ng marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone sa mismong tabi niya. Kagat labi niyang binuksan iyon.

From: Andrei
The decision is yours, Gabby.

Muntik na niyang mabitawan ang hawak na aparato dahil sa nabasa. Kusang pumatak ang mga luha sa kanyang mata ng hindi niya namamalayan.

"M-Ma'am? Ayos lang kayo?"

Hindi niya sinagot si Mang Oscar at nagpatuloy sa pag iyak. Gusto niyang pakasalan si Miguel pero ayaw niyang mapahamak ito.

"Mang Oscar.." mahina niyang tawag rito. "Itigil niyo p-po ang sasakyan.."

"H-Ha?" Naguguluhang tanong nito. "Bakit ma'am? Baka malate kayo—"

"Stop the car. Bababa po ako." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha.

"P-Pero ma'am. Mahuhuli po kayo—"

"Hindi po ako pupunta ng k-kasal."

"Ha?"

Kinuha niya ang sobre sa loob ng kanyang bag kung saan nakasulat na hindi niya kayang mag pakasal kay Miguel. Wala iyong spesipikong dahilan pero sapat na para malaman nilang hindi siya makakarating.

Inabot niya iyon kay Mang Oscar. "Pakibigay po kay m-mama," ngumiti siya ng pilit rito. "Pakisabi na humihingi ako ng tawad, hindi ko talaga k-kaya."

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon