NANG SUMUNOD NA araw ay bumisita sila ng kanyang anak sa hospital para dalawin ang kanyang kapatid. Ang sabi ng Doctor na nakausap niya ay malaking dahilan ang naging malalang head injury nito sa pagkacoma ni Kuya Austin.Kailangan daw nila itong obserbahang mabuti sa loob ng ilang linggo at kapag hindi pa ito nagising sa mga panahong iyon ay mare reclassified ang kundisyon ng kapatid niya as persistent vegetative state na mas malala kesa sa comatose.
"Uncle, you told me before na kapag nag punta na akong Manila ay ipapasyal moko.."
Nilingon niya si Maru na kinakausap ang kanyang Kuya. Nilapitan niya ito at ginulo sa buhok, "Naririnig ka ba ng Uncle mo?"
Tumango ito at inayos ang salamin. "Based on the books I read before, comatose patients can actually hear their surroundings but unable to react due to their condition. Kaya sigurado ako na naririnig ako ngayon ni Uncle Austin."
Napailing nalang siya sa sinabi nito. Marahil ay dahil iyon sa kababasa ng kanyang anak ng mga kung ano ano tungkol sa science.
"Oh sige na, Doctor Maru. Mag paalam kana kay Uncle at aalis na tayo." Biro niya rito.
Sumunod naman ito at nag paalam sakanyang Kuya. Gustuhin man niyang ipasyal ang anak ngayon ay hindi niya magawa dahil may mga importanteng bagay pa siyang kailangan ayusin.
"Are you leaving, Mommy?"
Tumango siya at nilingon ang anak. Ang balak sana niyang pagsagot sa tanong nito ay nahinto nang makita niya ang isang bagay na nasa kamay nito.
"Maru!" Mabilis na kinuha niya ang singsing rito.
Ang singsing lang naman na hawak nito ngayon ay ang singsing nila ni Miguel noon. Sa pagkakaalam niya ay nilagay niya iyon sa drawer niya kagabi. Hindi niya alam kung paano ito napunta sa kanyang anak.
"Bakit nasayo 'to?" Mabilis na tanong niya.
"I saw it inside the drawer." Mahinang sambit ng kanyang anak na para bang natatakot saakin. "Tinitignan ko lang naman, Mommy."
Huminga siya ng malalim at umupo sa kama paharap dito. "Maru, anong sabi ko sa pagkalkal ng gamit ni Mommy?"
"It's a bad thing to do."
Tumango siya. Hindi naman niya pagagalitan ang anak dahil doon, nabigla lang siya ng makita niyang hawak iyon mismo ng bata.
"Mommy, singsing niyo ba iyan ng daddy ko?"
Natigilan siya sa tanong nito. Hindi naman ito madalas magtanong tungkol sa ama pero sa tuwing mag tatanong ito ay hindi niya parin alam kung anong isasagot rito.
Tumango siya bilang pagsagot at ngumiti ng bahagya. Niyakap siya ng kanyang anak na kanyang ikinabigla.
"Maru?" Takang tanong niya.
"It's okay, Mommy. If you don't want to talk about it. Hindi ko naman po kailangan ng daddy kase andito na kayo." Bulong nito sakanya.
Mapait na napangiti siya sa sinabi nito. Kailanman ay iniiwasan niyang pag usapan nilang dalawa ang bagay na iyon, at sa lahat ng pagkakataon ay iniintindi iyon ni Maru. Hindi ito nag tatanong pa lalo na kapag alam niyang nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong.
"Where did you get this one?" Paglilihis niya sa usapan nila. Tinaas pa niya ang kinakain nitong chips sa mismong kama niya.
"Lolo gave this to me," kinuha nito ang chips sakanya.
"You want to be a doctor someday and you know that is bad for your health, right?"
"But this is a vegetable chip that is made with corn and carrots," depensa nito. "According to also to some research, eating junk food in a while is not bad for your health."
Natawa nalang siya sa sinabi nito. Hindi talaga siya mananalo sa anak kapag may kinalaman sa kalusugan at science ang usapan nilang dalawa.
"Huwag kang mag papasaway kay Lola, okay?" Sabi niya kahit alam naman niyang hindi ito gawain ng anak.
Tumango ito at inayos ang salamin sa mata bago muling pinagpatuloy ang pagkain. Habang siya naman ay muling tinignan ang itsura sa salamin, nang makuntento na siya ay nilapitan niya ang anak at hinalikan.
"Take care, Mommy." Paalam ng anak niya.
Nilabas niya sa garahe ang sasakyan at nag drive habang tumatakbo sa utak niya ang maraming bagay. Kailangan na niyang matapos ang lahat ng ito para muli siyang makabalik ng Pampanga kasama si Maru.
KUMUNOT ANG NOO niya sa sinabi ng babae sa kanyang harapan. Hindi niya alam na ganoon na kabusy ang lalaki at hindi na pala pwedeng kausapin kung walang na set na meeting.
"Pasensya na po talaga, Ma'am. Pero kung wala po kayong appointment with Sir Miguel ay hindi niyo po siya pwedeng makausap." Hinging paumanhin pa nito sakanya.
Napahawi siya sa kanyang buhok. "Uhm ganito nalang. Can you tell him that it's me? Sabihin mo ang pangalan ko. Mag kakilala kami."
Nag aalangan ito sa request niya pero kinuha nitong muli ang telepono at pumindot ng kung ano doon para tawagan ang lalaki na nasa loob ng opisina nito.
"Maria Gabrielle Santillan po diba?"
Tumango siya sa babae at ngumiti. Lumibot ang mata niya sa paligid. Hindi parin talaga siya makapaniwala na andito si Miguel ngayon. Noon naman ay wala itong nabanggit na gusto nitong pumasok sa politika.
Noong sinabi sakanya ng ina na si Miguel ang kasalukuyang mayor sa lungsod na ito ay hindi talaga siya naniniwala. Ayaw pa talaga niyang maniwala kung hindi lang siya ngayon nakatayo sa loob ng munisipyo at hinahanap ang lalaki.
"Ma'am," untag sakanya ng babae.
Natigil siya sa pag libot ng tingin at nilingon ito. Marahil ay nasabi na nito kay Miguel ang pangalan niya. Ngumiti siya at hinintay ang sagot nito.
"Sorry po talaga, Ma'am. Pero hindi po kayo kilala ni Mayor. Mag pa schedule nalang po kayo—"
"What?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Sinabi mo ang pangalan ko?"
Tumango ito at muling nanghingi ng paumahin sakanya. Napahawi naman siya sa buhok dahil sa inis. Siya ba pinagloloko ng lalaking 'yon? Paano siya nito hindi makikilala?
"Nasa loob lang siya diba?"
Tumango muli ito. "Opo."
"Ganito, tawagan mo siya ulit," ngumiti ako kahit naiinis na. "Sabihin mo ulit ang pangalan ko—"
"Pasensya na po talaga, Ma'am."
Huminga siya ng malalim at bumilang ng tatlo sa isip. Pinipigilan niya ang sariling pumasok sa loob ng silid kung nasaan ang lalaki at bulyawan ito dahil sa ginawang pamamahiya sakanya.
"Thank you." Mahinang sabi nalang niya bago lumabas at umalis sa harapan nito.
Sapalagay niya ang ibang Miguel na ang makakaharap niya ngayon. Mukhang sa pagdaan ng mga taon ay nag bago na ito. Wala naman siyang dapat iangal doon dahil sariling buhay ng lalaki iyon. Pero tama bang ipagtabuyan siya?
Ibang tao na nga siguro siya.
Iba sa Miguel na nakilala niya.
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...