PINILIT NIYANG NGUMITI kahit pa naiinis na talaga siya bago nilapag ang mga papeles na pinasuyo ng kapatid sakanya. Pang ilang balik na niya iyon at mukhang walang balak ang Kuya Austin niya na paupuin siya kahit saglit."I'm doing this for my car," mahinang bulong niya sa sarili. "I'm doing this for my car."
Umuwi si Serin, ang sekretarya ni Kuya, sa Pampanga dahil sa kasal ng ate nito. Susulitin nadin nito ang pag uwi sa probinsya kaya ilang linggo itong mawawala at kailangan ng kanyang kapatid ng magiging kapalit nito pansamantala.
Siya iyon.
Siya ang bagong temporary secretary.
Her brother promised her a new car kapalit nito. Kung hindi niya lang gusto ang bagong labas na modelo ng sasakyan ng BMW ay baka hindi siya pumayag. Never in her wildest dream.
"Gabrielle," Kuya Austin called her again. "Give this folder to Miguel, he needs this one. Urgent. Thank you." Pag kasabi niyon ay binalik na nito ang tingin sa mga binabasang papel.
Pinagtaasan niya ito ng kilay kahit hindi nito nakikita. Nanadya ba si Kuya?
Pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin na para bang busy ito masyado para awayin siya. Marahas na napabuga siya ng hangin sa frustration. She have no choice, mukhang seryoso ito. Lumabas na siya ng opisina nito para puntahan naman si Miguel sa opisina nito. Sa pagkaka-alam niya ay nasa 12th floor pa ito.
Ang pinagtataka niya ay kung bakit nalipat sa building ng kuya niya ang office ni Miguel. Pumayag siya na maging secretary ng kapatid sa pag aakalang wala rito ang lalaki.
Ang alam niya ay sa isang branch sa ibang lugar ito naglalagi. Kung pumunta man ito dito sa building na ito ay madalang lang kaya hindi niya maiwasan magduda ng sinabi sakanya ng kanyang kapatid na nandito ang office ni Miguel.
"Oh, Gabrielle. Sinong kailangan mo?" Si Glacier secretary ni Miguel.
Inayos ko ang suot kong salamin sa mata. "Si Mi-- Sir Miguel?" Mabilis niyang agap. Umubo siya dahil sa muntik niyang masabi.
Para hindi siya masyadong mamukhaan ng mga tao ay napilitan siyang mag suot ng malalaking salamin na halos tabunan na ang buong magandang mukha niya. Pumayag na siya roon dahil gaya ng sabi ng kanyang kuya ay pansamantala lang iyon.
Medyo effective din naman 'to dahil hindi siya masayadong napapansin ng mga tao, maliban na lang sa mga nakita na siya sa personal dati pa.
"Kausap pa si Miss Wesley sa loob. May ipapasabi ka?" Tumayo ito sa kinauupuan habang nag aayos ng mga papel sa table nito.
"Wala pero," tumikhim ako. "Kailangan niya daw ang mga papel na ito. Urgent."
"Uhm. Paano ba 'yan? Bilin pa naman ni Sir 'wag siyang iistorbohin." Nag aalalang tanong nito.
She can't help but raise an eyebrow. Sino ba yung bisita niya at bawal istorbohin? Sobrang importante ba niyon? Baka babae niya? Ah girlfriend siguro.
Natigilan siya sa naisip.
Pinilig niya ang ulo, "Okay lang, ikaw nalang ang mag-bigay. Sasabihin ko nalang--"
Naputol ang dapat sasabihin niya ng lumabas si Miguel sa opisina nito kasama ang isang babae. Hawak ni Miguel ang siko nito at tumatawa pa sila pareho na para bang siyang siya sa kanilang usapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/59006862-288-k504676.jpg)
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...