Anselle: Again, this is a story inspired by The Romancing the Ice Prince. Nilagay ko rin to sa pinaka unahan ng story para mabasa niyo bago mag simula. Please stop bashing me, nakakasakit sa puso :(
**
THE NEXT DAY pinilit ni Gabrielle na makauwi kahit ayaw ni Miguel, she needs to come home for her son. Tatlong araw na siyang hindi nakakauwi at isa pa ay baka dalhin na niya si Maru pag balik niya sa bahay ni Miguel para magkakilala na ang mag-ama."Are you sure about this?"
Tumango siya sa tanong ng kanyang ina. "Alam ko namang hindi nag hahanap ng tatay si Maru, but he still needs a father, hindi ko pwedeng palitan si Miguel sa buhay ng anak namin."
Her mother smiled. "Alam ko naman na kapakanan ni Maru ang iniisip mo, do what you think is the best for my grandson."
Lumapit siya at niyakap ito ng bahagya. "Thank you for supporting me in this, 'Ma."
Kasabay niyon ay ang isang mahinang katok mula sa labas ng silid niya. Bumukas iyon at isa sa mga kasambahay nila ang iniluwal ng pinto.
"Ma'am Gabrielle, may bisita po kayo sa baba. Pinapasok ko na po." Anito.
Kumunot ang noo niya ng mawala na ito at maiwan muli silang mag ina sa loob ng silid. Wala naman siyang inaasahan na bisita at mukhang ganoon din ang kanyang ina dahil nag kibit balikat ito ng balingan sana niya para mag tanong.
Habang pababa ng hagdan ay dinig niya ang tawa ng kanyang anak na mukhang kausap ang bisita sa sala. Isang bulto ng pamilyar na lalaking nakatalikod ang unang bumungad sakanyang paningin pag baba niya, kumunot ang kanyang noo.
"Andrei?" Paninigurado niya.
Mula sa pagkakatalikod ay dahan dahan itong humarap sakanya at ang nakangiti at maaliwalas nitong mukha ang sumalubong sakanya. Hindi na siya nag dalawang isip at lumapit rito para yakapin ito.
"Chill, 'wag mo naman ipahalatang namiss mo'ko ng sobra." Natatawang sabi nito pagyakap niya.
Kumalas siya ng yakap at hinampas ang dibdib nito, nilakasan niya iyon para iparating na naiinis talaga siya rito. "Ngayon ka lang bumisita?"
Andrei chuckled. "Alam mo naman na busy ako tuwing ganitong buwan. Saka hindi ko alam na bumalik na pala kayo ng Manila."
"Mommy, look how cool Tito Andrei is in his uniform." Sabad ng bata sa usapan.
Tumaas baba naman ang tingin niya sa lalaking kaharap. Andrei is wearing his fatigue army uniform, he already quit modeling and acting a long time ago. Pag katapos ng hindi magandang nangyari noon sa kasal dapat nila ni Miguel ay wala itong ginawa kung hindi humingi ng tawad sakanya sa araw araw.
Sumunod ito sa Pampanga pagkatapos ng isang linggo niyang pagkawala dahil na realized daw nito lahat ng ginawa nitong pag kakamali. Nag quit ito sa industriya ng pag aartista at pumasok na sa military kagaya ng mga kapatid nito bilang tanda ng pagsisisi nito sa lahat ng nagawa.
Gusto daw nitong itama lahat ng maling desisyon sa buhay. It takes time bago niya ito napatawad, siguro dahil na rin sa pag alalay nito sakanya noong wala siyang malapitan nung mga oras na buntis pa siya kay Maru kaya mas madali niya itong napatawad.
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...