15

131K 2.4K 25
                                    


    "Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?"

Tumango siya at pilit na nginitian si Mang Oscar, ang driver nina Miguel. Siya ang nag hatid sakanya papuntang hospital kung saan siya nakatakdang mag pa check up ngayong araw na ito.

"Kaya ko na po," mahina niyang sagot. "Itetext ko nalang po kayo kapag papasundo na ako."

"Oh sige," tango nito. "Mag iingat ka nalang. Hihintayin ko ang text mo."

Mag isa siyang pumasok sa loob ng malaking building para kitain si Dra. Bless, ang Obstetrician Gynecologist na nirekomenda sakanya noong araw na nalaman nilang buntis siya.

Naging mabilis lang ang check up niya dahil wala naman naging komplikasyon sakanyang pag bubuntis nitong mga nakaraang araw.  Niresetahan lang siya nito ng mga ilang klase ng bitamina at sinigurado nito na malusog siya at wala siyang dapat ipag alala.

Nag lalakad siya mag isa palabas habang hinahanap ang cellphone sa loob ng sling bag niya para itext na si Mang Oscar at mag pasundo.

"Gabielle!"

Natigil siya sa pagkalkal sa bag at nag angat ng tingin sa babaeng tumawag sakanya. May kasama itong lalaki na naka akbay rito at parehas na may ngiti sa labi nila. Pamilyar ang dalawa at pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang mga ito.

"It's me, Kency. Do you still remember me?"

Pagkasabi nito sa pangalan ay bigla niya itong naalala. Tama, nakasama na niya ang dalawa sa Fashion Week sa France na sinalihan niya dalawang taon na ang nakakaraan. Matagal na iyon.

"Kency and Renzo?" Paniniguradong tanong niya sa pangalan ng dalawa.

Natatawang tumango ang mga ito at nakipag kamay sakanya. "Glad you still remember us!" Sabi ni Kency bago muling niyakap si Renzo sa tagiliran.

Naalala niya ang dalawa na noon ay magkasintahan at hangga ngayon ay mukhang ganoon parin naman. Ngumiti siya dahil masaya siya para sa mga ito.

"Why are you here?" Mayamaya ay tanong ni Kency bago napatingin sa kanyang tiyan. "Oh, buntis ka din ba?"

Tumikhim siya at bahagyang tumango. Kung andito lang sana si Miguel ay hindi na niya kailangan pang ipaliwanag ang bagay na iyon.

"Kasal na ata sila ni Andrei, Honey." Sabad ni Renzo.

Mula sa kanyang tiyan ay nag angat siya ng tingin sa dalawa nang marinig ang pangalan ni Andrei. Nanlamig ang kanyang sikmura pero pinilit parin niyang ngumiti.

"Really?" Natutuwang sabi ni Kency. "Congrats, naalala ko pa ng magkakasama tayong lahat. Kayo ni Andrei ang sweetest couple." Dugtong pa nito habang nakangiti.

Kasama nga din pala si Andrei sa Fashion Week noon sa France, isa din ito sa mga naging modelo. Pakiramdam niya ay tatakasan siya ng dugo dahil sa usapan na iyon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kency ng mapansing hindi siya kumikibo. "May nasabi ba kaming mali?"

Muli siyang pilit na ngumiti. "H-Hindi si Andrei ang ama nito," lakas loob niyang sagot.

Napawi ang ngiti sa labi ng dalawa at biglang napalitan pagkabigla . "Sorry, naku, sorry talaga, Gabby. Hindi namin alam.."

"Okay lang," tango ko at ngiti.

"Hindi ko nabalitaang nag break kayo ni Andrei," wala sa sariling sabi ni Renzo na para bang kausap ang sarili.

Siniko siya ni Kency.

Tumikhim naman siya at nag paalam na sa dalawa. May kailangan pa siyang bilhin na mga bitamina at gusto na niyang umuwi para makapag pahinga.

Matapos ang lahat ay tinext na niya si Mang Oscar para sabihing tapos na siya sa check up at may kailangan pa siyang bilhin bago umuwi. Wala pa sigurong limang minuto ay nakarating kaagad ito.

Napalitan ng pagkabigla ang kanyang ngiti ng imbes na si Mang Oscar ang lumabas ng driver seat ay si Miguel ang naglalakad ngayon papunta sakanya. Naka business attire pa ito at mukhang kagagaling lang sa trabaho.

"Love," He called. "Sorry, nawala sa utak ko na sasamahan pala kita sa dami ng ginagawa ko—"

"It's okay," putol niya rito. "Nasaan si Mang Oscar?"

Lumapit ito saakin at akmang hahalikan siya sa labi bilang pagbati ng iiwas niya ang mukha kaya tumama ang halik nito sa kanyang pisngi.

"Love.."

"Let's go." Sabi niya at nauna ng maglakad papunta ng sasakyan at pumasok.

"Brielle. Look at me, I'm going to explain myself," habol nito sakanya na walang nagawa at pumasok na din ng sasakyan. "My love, talk to me please.."

Umiling siya at humarap rito. "Ang sabi ko, it's okay. Don't bother to explain yourself, okay?"

"Brielle.."

Naaawa man siya sa malungkot na mukha nito ay pinigilan niya ang sariling haplusin iyon. Hindi siya pwedeng bumigay basta basta dahil nakalimutan nito ang kanyang pangako. Nangako ito na sasamahan siya ngayon sa check up niya.

"Do you want milk-flavored cake?"

Gustong tumikwas ng kilay niya dahil for the first time ay inalok siya nito ng ganoon. Pero siyempre dahil may atraso ito ay hindi niya iyon sinagot binaling nalang niya ang kanyang tingin sa daan.

"Love.."

Hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa pagtingin sa tanawin sa labas.

She heard him sighed.

"Do you want ice cream?"

Bigla niyang naisip na kahapon pa siya nag hahanap ng mango ice cream pero tinikis niya ang sarili na lingunin ito. Siya nalang mismo ang bibili niyon at sa ngayon ay seryoso siya sa hindi pag pansin sa lalaki.

Kita niya sa gilid ng mata niya ang malungkot na mukha ni Miguel. Mukhang kagagaling lang din nito sa trabaho at nag mamadaling pumunta rito oara sunduin siya.

Bakit ba kasi nakalimutan ako?

Naipit sila sa traffic kaya naman mas nadagdagan kanyang inis. Hindi talaga pwedeng umuwi ng hindi dumadaan sa mahabang traffic sa Pilipinas. Gusto na niyang umuwi at magpahinga.

"Kuya, kuya," katok ng isang dalagita sa salamin ng sasakyan.

Hindi naman nag dalawang isip si Miguel at binaba ang binatana para makausap ng maayos ang dalagitang sa hula niya ay nasa kinse anyos palang.

"Kuya," ulit nito. "Bili na kayong bulaklak para kay Miss Ganda. Isang daan lang isa, para makakain na ako." Pinakita pa nito ang mga hawak na bulaklak.

Na curious siya kaya lumapit siya ng bahagya sa gawi ni Miguel para tignan ang mga tinda nito. Kumunot ang kanyang noo ng makita niyang medyo may umbok ang tiyan nito.

Buntis ang dalagita.

Hindi kaagad siya nakauma ng may kunin si Miguel na plastic ng pagkain na may tatak ng mamahaling resto at iabot iyon sa dalagita. Noon lang rin niya napansin na may pagkain pala roon. Inabutan din ito ni Miguel ng ilang libo.

"Here," abot ni Miguel sa pera. "Go for a check up, okay? Iwasan mo rin ang sobrang pagod." Paalala pa nito.

Naantig naman ang puso niya dahil doon kaya kung kanina ay naiinis siya, ngayon ay para iyong yelo na unti unting natutunaw.

"Salamat po, Kuya pogi!" Sagot ng dalagita at ibinigay ang lahat ng dalang bulaklak kay Miguel na nasa sampung piraso. "Ibigay niyo po kay Ate ganda. Sana po magka baby din kayo!" Sabi nitong habang nakangiti.

Napangiwi naman siya sa sinabi nito pero hindi parin niya maiwasang hindi mapangiti.

Hanggang sa nawala na ang dalagita sa harap nilang dalawa at umandar na muli ang sasakyan. Inabot naman sakanya ni Miguel ang bugkos ng carnation na isa sa mga paborito niyang bulaklak.

Akala ata ni Miguel ay hindi niya iyon aabutin kaya akmang babawiin na nito iyon ng bigla niyang kunin sa kamay nito ang mga bulaklak at ngumiti ng matamis.

Nilagay niya ang mga iyon sakanyang kandungan bago dumukwang para bigyan ito ng halik sa pisngi. Natigilan naman ang lalaki at mula sa daan ay nilingon siya nito.

Ngumiti siya ng matamis at hinaplos ang mukha nito. Hindi niya alam ang gagawin kung wala ang lalaking ito sa tabi niya.

"I love you.." mahina niyang bulong na sapat lang para marinig nito.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon