ILANG SEGUNDO MATAPOS ang halik ay hindi parin makagalaw sa kinatatayuan si Gabby. Kahit na may distansya na si Miguel sakanya mula sa pag kakatayo ay nanatiling mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.Ang mga mata nito ngayon ay may kakaibang emosyon na hindi niya mapangalanan. Pero sa loob niya ay alam niyang galit ito sakanya, galit sa ginawa niya ilang taon na ang nakakaraan.
Tumikhim siya at nag iwas ng tingin. "Pasensya kana. S-Sorry—"
"Sorry?" He interrupted. "Stop saying sorry for things you've done. Kahit anong gawin mo hindi mo na mababago ang nangyari na."
May pamilyar na kirot ang naramdaman niya sa kanyang puso. Ang huling mga salitang sinabi nito.. totoo namang wala na siyang magagawa dahil tapos na iyon. Pero gusto parin niyang humingi ng tawad.
"Kahit n-na—" aapela sana siya.
"Do you think you can undo things just because of that word?"
Natigilan siya sa tanong nito. Kaya nga ba niyang burahin lahat ng nagawa niya sa pamamagitan ng salitang iyon?
Marahan siyang umiling. No, she can't.
Ilang segundong walang nagsalita sakanilang dalawa bago nito napagpasyahang magsalitang muli. "Tomorrow, let's schedule another meeting. Here, call Monica and tell her about that, she will provide the details." May inaabot itong calling card.
Kinuha niya iyon mula sa kamay nito at tinignan. Calling card iyon ng lalaki at may nakasulat na numero na pwede niyang tawagan.
Namulsa ito at bumalik sa blanko ang tingin. Nawala na ang kanina'y emosyon na gustong ipamukha sakanya ang lahat ng kasalanang nagawa niya noon.
Huminga siya ng malalim at pilit na hinamig ang sarili. "O-Okay.."
Muli siya nitong tinitigan ng ilang segundo bago nag simulang mag lakad palayo sa kinatatayuan niya hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Ilang minuto na itong nakaalis ay hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. Hinawakan niya ang kanyang labi na hinalikan ni Miguel kanina.
Ang pamilyar na erotikong tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na mararamdaman niya ulit ang bagay na iyon pagkatapos ng mahigit walong taon.
"Miguel.." mahina niyang bulong sa sarili.
TULALA AT PARANG wala sa sarili ng mga sandaling iyon si Gabielle, pilit niyang iniisip ang mga bagay na pinag usapan nila ni Miguel kanina. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman sa lahat, kung dapat ba siyang malungkot o maging masaya dahil mukhang wala ng pakialam sakanya ang binata.
Walang pakialam. Malungkot na napangiti siya dahil doon. Gusto niyang mangyari ang bagay na iyon pero may parte ng kanyang puso ang tumututol.
"Gabrielle? Are you listening?"
Natigilan siya sa pag iisip ng marinig si Vienna. Kasama niya ito ngayon na kumakain sa isang cafe dahil matapos ng naging pag uusap nila ni Miguel ay tinawagan niya ito para makipag kita sa pinakamalapit na cafe kung nasaan siya.
"Sorry--" napahinto siya sa pag hingi ng tawad ng maalala ang salitang iyon ang sinabi niya kanina sa lalaki.
"Gabby, okay ka lang ba? Sabi ko naman sayo huwag ka na muna bumalik ng Manila.." hinawakan ni Vienna ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
Mula sa mga kamay niya ay tinignan ko siya. "Vien, alam mo naman ang kundisyon ni Kuya Austin ngayon. Kailangan kong umuwi para sakanya."
"Para sakanya lang ba?" May duda sa boses nito.

BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...