8

157K 2.9K 295
                                    

    
        SINUBUKAN NIYA ang lahat ng kanyang makakaya para iwasan si Miguel sa lahat ng pagkakataon. Hindi na niya kayang makonsensya pa sa kanyang mga ginagawa. Kailangan na niyang pigilan ang sarili bago pa mapunta sa kung saan ang kanyang mga nararamdaman. 

"Gabrielle, lunch na. Sabay kana saamin?" Tanong ni Glacier sakanya ng daanan nila ang kanyang table.

Ngumiti siya. "Mamaya na. Tatapusin ko lang 'to susunod ako sainyo."

"Okay. Hihintayin ka nalang namin sa cafeteria sa baba." Sabi nito bago sila umalis.

Muli niyang inayos ang pagkakasunod sunod ng mga papel at nang makuntento ay tumayo na. Pupuntahan na sana niya sina Glacier para sumabay sa pagkain ng biglang mag ring ang cellphone niya.

Andrei's calling..

Nag dalawang isip siyang sagutin iyon. Dalawang araw na kasi niya itong hindi nakakausap. Hindi narin niya nagagawang sagutin ang mga text nito dahil narin sa bago niyang trabaho.

"Andrei?"

"Yes, it's me. Your boyfriend, Maria Gabrielle. Oh baka naman nakalimutan mo na?" Bungad nito sakanya.

"Andrei ano bang pinagsasabi mo--"

"Tangina. Sa palagay mo ba hindi ko alam ang mga pag labas labas mo kasama ang isang lalaki?" Galit na ang boses nito. "Sino yung Miguel na 'yon? Tangina naman. Nawala lang ako saglit."

Bahagya niyang nilayo sakanyang tenga ang aparato at huminga ng malalim. For pete's sake, paano niya nalaman ang mga iyon? Wala pa siyang nababanggit na kahit ano rito. Don't tell me—

"Pinasusundan mo ba ako, Andrei?" Sumingkit ang kanyang mata.

"Don't change the topic--"

"Pinasusundan mo ba ako, Andrei?!"

"Maria Gabrielle--"

"Don't fucking Maria Gabrielle me! God. Pinasusundan mo talaga ako? You're creeping the fuck me out!" Bahagya naring tumaas ang kanyang boses.

Mabuti nalang at lunch break na. Wala ng tao sa mga cubicle. Kaya kahit sumigaw siya ng sumigaw rito ay walang maeeskandalo.

"Oo pinasusundan kita! Lagi kang nag sisinungaling kung nasaan ka! You forced me to do that--"

"I didn't force you! Hindi ako nag sisinungaling sayo! Hindi ko lang agad nasasabi pero hindi ako nag sinungaling!"

Hinawi niya ang buhok sa inis. Kaya pala ng mga nakaraang araw ay pakiramdam niya ay may sumusunod sakanya. Si Andrei pala ang dahilan.

"Okay okay. I'm sorry about that. Pero sino yung kasama mo? Sino si Miguel?" Bahagyang huminahon ang boses nito.

Napahilot siya sa sentido. "Akala ko ba pinapasundan moko? Hindi ba sinabi sa'yo na boss ko iyon?" Sarkastiko kong sagot.

"Boss?"

"Yes, I am working as a temporary secretary, Andrei. Sa kumpanya ni Kuya Austin at Miguel." Obvious na sagot niya rito.

"Yet, hindi mo sinabi saakin?"

Marahas na hinawi kong muli ang kanyang buhok dahil tumataas nanaman ang boses nito.

"Look, I don't have to tell you everything, Andrei--"

"You fucking have to! Boyfriend moko--"

"Then, lets break up." Walang gatol na sagot niya. Pagod na siya. Nakakasawa na.

Wala rin namang pupuntahan ang relasyon na 'to. Matagal na niyang gustong makipag hiwalay sa lalaki pero ayaw lang nito.

"What?!"

"Lets break up, Andrei. Tutal lagi nalang away ang--"

"Fuck no! Siguro lalaki mo talaga yung Miguel na iyon kaya--"

"Stop dragging my boss name here! Hindi siya ang problema, Andrei. Ikaw! Ikaw ang problema. Let's end this bullshit."

"No. You know me well, Maria Gabrielle. Papatayin ko ang lalaking iyon kapag iniwan mo'ko. Don't push my limits." Malamig na sabi nito at pinatayan siya ng linya.

Nanghihinang napaupo ulit siya. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang napapalapit sa iba, pinag iinitan iyon ni Andrei. For 3 years nilang mag-on ay iyon ang panakot niya palagi.

Papatayin niya ang sino mang magustuhan niya bukod rito. He's too damn possessive which is creeping her out. Natatakot siya rito, kase alam niyang hindi ito nag-bibiro.

Ang tatay ni Andrei ay isang retired colonel. Pamilya sila ng mga sundalo at pulis, si Andrei lang ang naiba ng tinahak na propesyon. Mahirap mang paniwalaan pero ganoon ito kaimpluwensyang tao.

Matagal na niyang pinag-sisihan ang pag sagot sa binata noon. Noong una ang akala niya ay normal lang ang pagka possessive nito. Pero habang tumatagal ay palala iyon ng palala.

Hindi na niya naituloy ang planong pagbaba para kumain dahil sa dami ng iniisip. Dumagdag pa sa trabaho niya ang isipin niya kay Andrei.

"A penny for your thoughts?"

Mabilis na tumaas ang kanyang tingin ng marinig niya ang boses ni Miguel. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Bakit pa ito andito? Patapos na ang lunch break.

"Here," nilapag nito ang paper bag sa kanyang table. "Eat lunch. Don't try to skip meals, that will not be good for you." Iyon lang at nawala na ito sa kanyang paningin.

Tatak ng mamahaling restaurant ang nasa paper bag. Hindi naman iyon nakakapag taka dahil mayaman ang lalaki. Mas mag tataka pa siya kung galing lang ang pagkain na iyon sa cafeteria.

Carbonara at lasagna ang laman niyon. Nanubig ang kanyang bagang ng maamoy ang mga iyon, doon lang niya naramdaman ang gutom. Nilabas niya isa isa ang mga iyon at wala na siyang nagawa kung hindi kainin ang mga iyon dahil baka masayang.

Habang kumakain ay tumunog uli ang kanyang cellphone. Hindi na sana niya iyon titignan pero nahagip ng kanyang mata ang pangalan ni Andrei.

From: Andrei
Stop being near that person. Hindi ako nag-bibiro, Maria Gabrielle. You know me well.


Napaubo siya at nabilaukan sa kinakain. Uminom siya sa iced tea na kasama sa binigay ni Miguel kanina. Dali-dali niyang binura ang text message na iyon ni Andrei.

"Gabrielle, hindi kana sumunod. May dala ka palang pag kain." Si Glacier iyon na galing na sa cafeteria at mukhang tapos na mag lunch. Hindi niya namayang halos treinta minutos na pala ang lumipas.

"Sorry. Nakalimutan ko sabihin sainyo." Nahihiyang pag-sisinungaling niya rito. Pasimple niyang tinakpan ang tatak ng resto sa paper bag.

Nang makaalis na sila ay para siyang nakahinga ng maluwag. Hindi rin nagtagal ay bumalik na ang lahat ng mga empleyado sa kanya-kanya nilang trabaho. Tapos na ang lunch break.

"Gabby, nakapag-lunch ka ba?"

"Yes, kuya. Ikaw kumain ka na?"

"Ahh oo. Kumain na kami ni Miguel kanina."

"Kuya nga pala," naalala niya na ang sasabihin dapat niya kanina. "Pwede bang mag absent ako sa monday?"

"Bakit? May photoshoot ka?"

Tumango siya kahit wala naman. Ang totoo ay balak kong mag patingin sa doktor. Pakiramdam niya kasi may sakit siya, nanlalata ang pakiramdam niya mula last week. Mayroon din siyang mild migraine kaya regular din siya sa mga check ups niya.

"Osige. Pero tapusin mo muna yung pinapagawa ko. May isang araw pang trabaho, para sa Monday ay pwede ka mag absent." Bilin nito saakin.

Tumango siya at nang umalis na ito ay nagsimula siyang muli sa trabaho. Kailangan niya tapusin ang lahat ng ito bago mag Lunes.

Tatayo sana siya para magtimpla ng kape ng bigla siyang atakehin ng pagkahilo. Napahawak siya sa gilid ng kanyang lamesa at napapikit ng mariin.

Damn migraine.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon