16

123K 2.2K 35
                                    


       NAGING MABILIS ANG pag lipas ng mga araw para kay Gabielle. Naging abala ang lahat para sa nalalapit nilang kasal ni Miguel at maging siya ay naging busy din dahil doon.

"Anong oras ang uwi mo?" Inayos niya ang necktie na suot nito at pagkatapos ay pinagpagan ang nakitang gusot sa balikat nito.

"Hindi ako sigurado," nagkibit balikat ito. "Gusto mo bang umuwi ako ng maaga? May gusto ka bang gawin ngayon?" Hinapit nito ang bewang niya at pinagdikit ang kanilang mga katawan.

"Miguel.." mahinang tawag niya rito.

"Hmm?" Pinisil nito ang kanyang bewang.

Kinalas niya ang yakap nito sakanya at lumayo ng bahagya rito. Hinawi niya ang takas niyang buhok at inipit iyon sakanyang tenga. Nakatitig lang si Miguel sa bawat galaw na gawin niya.

Huminga siya ng malalim bago nag tanong. "Alam mong may boyfriend ako dati d-diba?"

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ni Miguel at napalitan iyon ng seryosong mukha. "We are getting married, Brielle."

"I know," tango niya rito.

Muli naman siya nitong hinapit sa bewang at pinagdikit muli ang mga katawan nila. Humalik pa ito sa kanyang noo.

"Hindi ka pa ba nakipag hiwalay sakanya?"

Nag iwas siya ng tingin sa tanong nito. Maging siya ay hindi niya alam kung paano niya gagawin ang bagay na iyon. May takot parin sa loob niya at hindi niya maiwasang mangamba.

"Maria Gabrielle," he called her name using his prominent and authoritative voice.

"I will.." mahina niyang sagot. "Makikipag break ako sakanya ngayong araw." Sabi niya na wala sa sarili.

Kumunot ang noo nito bago kinalas ang yakap sakanya at saka siya tinitigan. "Makikipagkita ka ngayon sakanya?"

Napakurap siya sa tanong nito at kaagad na umiling.

Hindi nawala ang kunot sa noo nito at mukhang hindi naniniwala kaya napilitan siyang gumawa ng kwento para hindi ito mag alala.

"I will just give him a call," she said. "Hihiwalayan ko siya over the phone, Miguel. Ayoko munang mag kita kami." Nag iwas siya ng tingin dahil baka malaman nitong nag sisinungaling lang siya.

Mukhang nakumbinsi niya ito sa naging sagot niya kaya umaliwalas ng bahagya ang mukha nito. Mula sa seryosong mukha ay ngumiti ito na nakapag pangiti narin sakanya kalaunan.

Dumukwang ito at ginawaran siya ng isang matamis na halik sa labi.

"You should go," pagtataboy niya rito. "Baka malate ka, akala ko ba may meeting kayo today?"

Mabilis na napatingin ito sa suot na relos at hinalikan siyang muli bago nag paalam at halos takbuhin ang pagitan ng kanilang kwarto at gate.

"Mag iingat ka!" Pasigaw na sabi niya habang naka dungaw sa bintana kung saan nakita niya itong pasakay ng sasakyan.

"I love you!" Nabigla siya sa sinigaw nitong sagot at nag flying kiss pa.

Hindi kaagad siya nakauma at pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok niyon. Kinabog niya ng mahina ang dibdib. Kalma, Gabrielle. Magiging asawa mo na siya.

"Aalis po kayo?"

Nilingon niya si Jena, ang kasambahay nina Miguel na mas bata ng ilang taon sakanya. Ito ang madalas niyang kasama rito sa bahay lalo na pag wala halos ang pamilya ng lalaki dahil busy sa pag aasikaso ng kasal nila ni Miguel.

"Uhm, yes," tango niya. "Babalik din ako kaagad, 'wag mo nang sabihin kay Miguel na umalis ako. Salamat, Nena."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at mabilis na kinuha ang susi sa tukador at sumakay sa kanyang sariling sasakyan.

"Good morning, Ma'am. Any reservation?" Bungad sakanya ng waiter pag pasok niya sa restaurant na pagkikitaan nila ni Andrei.

"I'm with A-Andrei Sy," sagot niya rito.

"This way po, Ma'am." Hindi na nito chineck ang listahan dahil kilalang kilala nito ang pangalan na binanggit niya.

Si Andrei ang may ari ng restaurant na ito. Kasama ito sa mga business na pinatatakbo niya, bukod kasi sa pagmomodelo ay hilig din nito ang pagtatayo ng iba't ibang business.

Hinawi niya ang mahabang buhok bago umupo sa upuang tinuro ng waiter. Wala pa si Andrei dahil maaga siya ng trenta minutos sa oras na usapan nila.

Hindi siya mapakali habang nag hihintay. Pilit niyang iniisip kung paano siya makikipaghiwalay ng hindi sila masyadong mag kakasagutan ng lalaki. Mahirap na at baka maeskandalo pa sila.

"Babe,"

Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng marinig niya ang boses ni Andrei. Nag angat siya ng tingin at bumungad sakanya ang nakangiti at gwapo nitong mukha. Tumayo siya kaagad sa pagkakaupo.

"Kanina ka pa?" Tinignan nito ang oras sa suot na relos. "Sana nag text ka na maaga ka makakarating para maaga kong natapos ang meeting ko."

Lumapit ito sakanya at hindi na siya kaagad nakaiwas ng bigla siya nitong halikan sa labi.

"N-No, it's okay." Iling niya rito.

Pagkaupo nila ay mabilis na nakalapit ang waiter para salinan ng wine ang mga baso nila. Tahimik na hinintay niya iyong matapos.

"Hey," untag ni Andrei at hinawakan ang kamay niyang nasa table. "Are you okay? You look tense."

Umiling naman siya at pasimpleng binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Andrei.."

Kinuha nito ang wine glass at sumimsim ng alak doon bago siya nito nilingon.

Humugot siya ng malalim na hininga.

"Andrei, let's break up."

Natigilan ito at binaba ang hawak na baso. Ngayon ay malamig ang tingin nito sakanya.

"Stop joking around." He said in a cold tone.

Mabuti nalang at walang tao sa paligid. Nasa exclusive table sila na para sa mga special guest kaya walang mga tao ngayon sa paligid at tanging ang mga waiter lamang na nasa bandang malayo na nag hihintay ng utos mula sakanila ang naroon.

"Andrei," umiling siya. "Let's break up. I'm serious."

"No!"

Napapitlag siya sa kinauupuan ng bigla nitong ibagsak ang kamay sa mesa. Napalingon din sakanila ang iilan sa mga waiter.

"Andrei please.. stop making scene. Paalisin mo muna ang mga waiter--"

"No," malamig na putol nito. "Ayaw mong malaman nila na dalawa kami? Na may iba kang lalaki bukod saakin?"

Hindi ako nakahuma sa sinabi nito. Kahit masakit ay totoo naman iyon. Hindi siya nakuntento, may iba siyang lalaki habang silang dalawa. Ngayon ay ikakasal na din siya sa hindi niya kasintahan.

"Ayokong masaktan ka, Andrei-"

"At sa ginagawa mo ay hindi ako nasasaktan?" He gritted his teeth. "Tangina. Tangina. Alam mo ba kung gaano kasakit saakin ang lahat ng 'to?"

"Andrei.."

"Pero wala kang alam, diba?" He chuckled. Walang buhay. "I'm not ending this relationship. Akala mo ba hindi ko alam na buntis ka?"

Nakatitig lang siya rito at tinatanggap ang mga salitang binibitawan nito. Alam niyang alam na nito ang bagay na iyon, alam din niyang sina Kency at Renzo ang nag sabi rito.

"Pinagpalit mo na nga ako, nag pabuntis ka pa sa iba." Nakangiti ito sakanya pero alam niyang peke iyon. Alam niyang galit na galit ito.

"Sorry.." mahina niyang hingi ng tawad.

"No, babe. Sinabihan na kita. Papatayin ko ang gagong iyon.." He whispered.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon