SA KAGUSTUHAN NG kanyang magulang ay lumipat siya sa bahay ng mga Montreal. Pangatlong araw na niya ito roon. Pansamantala lang naman iyon hangga't hindi pa nakakabili ng bahay na lilipatan nila si Miguel.Ang sabi ng kanyang ina ay mas makakabuti kung palagi kaming magkasama ng lalaki sa lahat ng oras para mas mabantayan nito ang kanyang pag bubuntis.
"Miguel, lumayo ka nga." Inis niyang sabi ng akmang lalapit nanaman ito sakanya.
Kumunot ang noo nito. "Why? Bakit ka ba lumalayo saakin? Naligo naman ako—"
"Iyon na nga," mabilis na putol niya. "Bakit kailangan mo pang maligo? Nag pabango ka pa sa opisina lang naman ang punta mo." Wala naman siya roon kaya hindi na nito kailangan pang mag pabango.
"Brielle—"
"Stop!" Pigil niya. Dinaklot niya ang unan sa sofa at ibinalibag iyon sa lalaki.
"Baby—"
"Huwag moko tawagin niyan!"
"Love?"
Kumuha pa siya ng isa pang unan at muling itinapon iyon sa direksyon ni Miguel.
"Darling?"
"Pwede ba? Ayoko niyan parang pagkain!"
"Dumpling 'yon—"
"Nangatwiran ka pa," ang remote ang nakuha niya at iyon naman ang sunod na hinagis niya.
Mabilis na nasalo iyon ng lalaki kaya mas lalong kumulo ang dugo niya sa inis. Hindi niya dapat sinalo iyon.
"Siguro may babae kang kikitain don 'no?" Sumingkit pa ang mga mata niya rito.
"Ano? Love naman," naiiling na sabi nito.
"Sabing 'wag moko tawaging Love!"
"Maria Gabrielle."
Natigil ang balak niyang pagkuha ng panibagong bagay na ihahagis dahil sa pag tawag nito sa pangalan niya. Naiiyak na nilingon niya ito, galit na ba ito sakanya?
"Galit ka?" May hilam na luha sa kanyang mata.
Hindi niya alam kung bakit ganto ang nararamdaman niya. Mabilis talaga siyang magalit at mainis lalo na sa lalaking kaharap. Sabi ng mga nahanap niyang sagot sa internet ay dahil iyon sa kanyang pregnancy hormones.
"Hush." Mabilis siyang dinaluhan ni Miguel at niyakap ng mahigpit. "Tumahan kana."
"Ikaw kase," hinampas niya ang dibdib nito. "Bakit wala ka ng endearment saakin?"
Narinig niya ang bahagyang pag tawa ng lalaki dahil sa tanong niya. Kumalas kaagad siya ng yakap at sinamaan ito ng tingin.
"Anong nakakatawa?"
Umiling ito hinawi ang buhok niya na nakawala mula sa pagkakatali at inipit iyon sa kanyang tenga.
"Why is she crying?"
Mabilis na napalingon siya sa boses na iyon. Tinakbo niya ang pagitan nila ni Myth, ang pinakabatang kapatid ni Miguel at sinugod iyon ng yakap. Mula ng tumira siya dito sa mansyon ng mga Montreal ay si Myth ang gusto niyang laging nakikita.
BINABASA MO ANG
Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]
RomanceMatagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her older brother and Miguel are bestfriends. Pero kailanman ay hindi siya tinapunan ng tingin ng gwapo...