2

241K 4K 82
                                    

      MARIA GABRIELLE Santillan, also known as "Gabrielle" is a model by profession. Mula pagkabata niya iyon na ang kanyang naging trabaho, ang pag momodelo. Kahit pa nakatapos siya ng kursong fashion designing ay mas pinili niyang ipagpatuloy ang ganitong trabaho. It's a type of work that she really enjoys doing.

"Gabrielle.."

Nilingon niya ang tumawag sa kanyang pangalan gamit ang malaking salamin sa harapan niya. Si Paisley iyon, ang kanyang manager. She's been working with her for more than a decade now, she even considers her as one of her closest friends.

"Iwan mo muna kami, Gail." Saad ni Paisley sa babaeng nag aayos ng buhok niya.

Tumango ang babae bago umalis sa loob ng silid na iyon. Bumuntong hininga si Paisley at hinawi ang maiksi at kulay dark green na buhok nito. 

"Okay ka lang ba?"

Mabilis na tumango siya sa tanong nito. "S-Sorry, medyo nahihilo lang ako."

Nilapitan siya nito at tinapik sa balikat. "You seem like in your usual self, pwede ko naman sabihin na bukas nalang ulit natin ituloy ang shoot."

"Hindi na," iling niya. "Okay lang naman ako. Iinom nalang ako ng gamot para maging okay."

"Gabrielle," Paisley sighed. "Alam kong wala ka pang pahinga, punong puno ang sched mo this month. Katatapos lang din ng shoot natin sa Boracay, okay lang kung mag pahinga ka muna."

Gustuhin man niyang tumutol ay wala na siyang nagawa dahil narin sa pag pupumilit ni Paisley na kailangan niya ng pahinga. Ilang minuto pa ay sakay na siya ng isang van pauwi sa kanilang bahay, wala naman siyang ibang plano sa araw na iyon kaya naman mas okay na sa bahay nalang siya mag pahinga.

"Oh, hija, nakapag luto nako ng tanghalian. Gusto mo bang ipag hain kita?"

Kuha ng atensyon ni Manang Cely sakanya habang pababa siya ng hagdan. Tanghalian na pala, hindi niya namalayan ang oras dahil pag uwi niya mula trabaho kaninang umaga ay nakatulog siya sa pagod. Tama nga si Paisley, she seriously needs some rest. Ngayon ay bumalik na ang sigla niya kahit papaano.

"Si Kuya Austin po?" Imbes ay tanong niya pag kababa ng hagdan.

"Hindi alam ni Austin na umuwi ka kaagad, baka sa office niya iyon kakain." Sagot ni Manang habang kinakausap si Caloy, ang gardener nila, tungkol sa balak ata nilang pagbili ng mga bagong paso at bulaklak para sa garden ni mama.

"Kamusta na po kayo, Ma'am Gabrielle?" bati sakanya ni Caloy.

Hindi nalalayo ang edad nila ni Caloy at sa pagkaka tanda niya ay hindi malayong kamag anak ito ni Manang Cely. Ngumiti siya ng matamis, "Mabuti naman, ikaw?" ganting bati niya.

Hindi niya alam kung namula ba ang mukha nito dahil sa sinabi niya o dala lang iyon ng mainit na panahon sa labas. "O-Okay lang din po."

"Bakit hindi mo nalang dalhan ng tanghalian ang Kuya Clark mo sa trabaho? Siguradong matutuwa iyon." Suhestiyon ni Manang Cely ng muling lumabas si Caloy sa sala at mukhang may gagawin na muli sa labas.

She instantly smiled when she heard the suggestion. Tutal ay madalang lang din naman niyang mabisita ang kapatid sa trabaho at iyon na ang pinaka tamang pag kakataon para magawa iyon. 

"Sige na, mag bihis kana at ako ng bahalang mag handa ng dadalhin mo." Muling dagdag pa ng matanda.

Sa tuwa ay nilapitan niya ito at bahagyang niyakap bago nagpasalamat at umakyat muli para mag palit ng kanyang suot na pambahay. Napili niya ang isang simpleng spaghetti strap white romper na umabot hanggang sa taas ng kalahati ng kanyang hita at pinaresan iyon ng flat sandals. Hinayaan nalang rin niyang nakalugay ang hanggang bewang na buhok.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon