5

47 1 0
                                    

DAYS passed and who would have thought that this is already my third week ? As much as possible ay iniiwasan ko ang magkamali but there are petty mistakes which are unavoidable.

Contrary to my expectations to the president's treatment to his employees, he's like a father to everyone. Akala ko kasi noon na napakahigpit nya pero my god, tinatakot lang pala nya ako the first time we talked about work.

Mr. President is after all, a very playful person. Always doing pranks to his new members. His employees love him so much. All I could hear from them are praises. Pati na rin daw ang asawa nito. Hindi ko pa nakikita ang asawa ni Mr. President but I'm sure na maganda ang asawa nya because Mr. President is also very handsome despite the age and some growing gray hairs which amazingly looks good on him. No wonder...

Si mama naman ay matyaga akong ginagabayan sa trabaho ko. Nakakapagod din pala umupo buong araw. Kaya minsan pag may ipinapaalam si Rhea na may mga reports na sa labas ay ako ang kukuha para maka tayo ako.

Tapos na kami sa trabaho namin. Hanggang six lang ang trabaho namin but there are times that we have to do overtimes especially if there are large operations which concerns big time clients.

The Aguinaldo's business focused more on airplanes, jets, cruise ships, and yachts. They also have ports for air and water transportation. They also owned a yacht club. Members pay millions just for the registration. Only the elites can afford.

They also arranged some secret visits of other foreign country's elites coming here in the PH. They offered their jets sometimes their planes for rentals.

There are also other billionaires who rent a cruise ship just to celebrate their anniversaries alone with their wife. How luxurious is that ? Luxuriously sweet.

They also have investments in other fields of businesses and they just send their executive directors as representative on their behalf.

Nalulula na ako sa yaman ng pamilyang ito. Ang yaman-yaman pero napakasimpleng mga tao. Simple in a way na lahat ng tao pinakikibagayan.

Enough of there treasures. Mas lalo lang tayong maiinggit. Let's talk about my plan after work. Kasama ko ngayon si Rhea at Liya dahil mag-mo-movie house kami. Plano naming mag movie marathon. Si Liya ay isa sa mga support team ng komapanya. Kaedaran ko lang din si Liya. Minsan tinutukso namin si Rhea na maghanap na ng ama sa baby nya kasi malapit ng mabura sa kalendaryo ang edad nya. Yes, Rhea is a single mom. Ayaw nyang magkwento tungkol sa ama ng baby nya kaya hindi na namin pinipilit. Akalain mo yun ? sa sexy nya nyang yun, may anak na pala.

So, anyways, nandito na kami at puro romantic comedy ang pinili namin kasi dito nalang kami kikiligin kasi puro kami single. Parang singles' night out.

The night went well and we really enjoyed the movies. Para pa kaming baliw na napapaiyak tuwing may ginagwang sweet ang lalaki.

Tahimik kaming naglalakad palapit sa kalsada ng may mahagip ang mata ko sa kabilang daan na nag parking sa parking lot ng isang bar. Nakabukas kasi ang bintana.

Shit ! siya ba yun Lord ? Hindi ko rin sure kasi may kalabuan na itong glasses na suot ko. I'll upgrade the lenses next time I visit my my eye doctor. Pero sya ata yun eh.

Tinignan ko ulit pero nakasarado na ang bintana. Sayang.

" Hoy girl, wag ka ng mang-hunting dyan, puro fuckboi nandyan sa bar na yan. Wala kang future. " Hinarangan pa ni Liya ang view ko.

" Hunting ka dyan, may tinignan lang ako akala ko kakilala ko " katwiran ko.

" May taxi na ! " biglang bulalas ni Rhea.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon