9.b

51 1 0
                                    


Tumahimik na ako buong byahe namin kasi inaantok na ako pero nawawala lalo pa't bumibirit ng kanta itong si Chrome.

" We're here " deklara ni Chrome. Huminto kami sa isang bar, pangmayaman hindi yung maraming jejemon. Malaki ang gusali. Pagbaba namin ni Chrome ay may lumapit sa kanyang lalaki at inabot dito ang susi. Sosyal talaga ang lugar na to dahil may valet. Bar ba to ? ang tahimik dito sa labas.

" Halika na " Confident akong naglakad patungong entrance ng hinarang ako.

" bakit ? " tanong ko sa lalaki na humarang sa akin.

" your pass, maam ? " liningon ko si Chrome na may tini-text sa cellphone.

" hoy Chrome, anong pass ang pinagsasabi nito ? "

" oh, sorry. Here. " Inabot nito sa lalaki ang isang card na kulay ginto.

" ano yun ? "

" hindi ito ordinaryong bar ok ? at wala kang maririnig na tugtug dito sa labas for this place not to attract none elite personalities. Only the elites can have access to this. In order for you to get in and out without a problem, you must pay the membership fee. If you'll ask me how much ? It's a six digit price " literal talaga akong napanganga. ganun ka mahal ?! utang na loob, i-dodonate ko nalang yan !

" paano ako ? eh ikaw lang ang may pass sa atin at bakit hindi ka pa pumapasok ? "

" You can get in for as long as you are invited by a member or you come along with a member. And for your second question, hindi pa dahil i-veverify pa nila sa loob if member nga ako at hindi lang gawa-gawa ang pass ko. The security is very tight since they are dealing with society's elite members. And by the way, they'll ask you several questions before entering, just tell them you know me since college " pagkatapos sabihin ni Chrome iyon ay sya rin namang pagbalik ng lalaki.

" We're done verifying it sir. Is this lady your companion, sir ? " Inabot nito ulit ang card kay Chrome at tinignan ako.

" Yes. She's a friend of mine "

" Do you mind if we'll ask you few questions, maam ? For security's sake "

" No, not at all "

Mabilis lang naman ang question and answer portion namin at pagkatapos ay binusisi ng maigi ang loob ng aking bag. Pinakapkapan pa ako ng isang babaeng security guard.

In all fairness, english spekening ang mga security personnel nila dito at naka polo barong pa ang mga ito na kulay dark gray at black slacks. May Bluetooth din na nakakabit sa mga tenga nila. Edi kayo na mayaman dito.

Nang matapos na akong i-check kung tao ba ako o alien ay pinapasok na kami.

I expected a place covered with smoke but no, only few are smoking. The others are enjoying their drinks and the others are enjoying the music. Yung iba parang gagawa na ng bata. Dios ko, wala talagang pinipiling tao ang libog. Mayaman man o mahirap. May kasabihan sa bisaya : Mas mapugngan pa ang baha kaysa sa biga. (Mas mapipigilan pa ang baha kesa sa libog).

Some are alone while some are with someone. Just like him. Enjoying the night, babe ?

Nakaupo sila sa mga sofa na nakahilera sa isang gilid. These are group of sofas made for a bucnh of people. Bale may limang set ng sofa doon na magkakadikit. Ang isang set ay composed of three long chairs arranged in a U position. Ang natitirang apat ay ganon din. Nasa bandang huli sila. lumapit ako sa pang-apat na sofa at umupo sa likod nila ng babae nya bale talikuran kami.

Nakikinig ako sa usapan nila. Actually, yung babae lang ang naririnig kong nagsalita. Si Arthur ay tahimik lang.

" So, what's your plan after this ? " malanding frog. That's why I really hate frogs to the bones. Literally.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon