28

17 3 0
                                    


DAYS passed and I'm starting to accept mama's condition. Balik ako sa normal routine ko sa office.

" Hey, let's have our lunch. I ordered food " sinarado ni Arthur ang laptop sa harap ko.

" Pero art ... Hindi pa ako tapos " ngumuso ako sa ginawa nito. Naks ! May pa art-art pa akong nalalaman haha !

" Na-ah. Pouting won't work. That can wait for you "

Umupo kami sa sofa at ang bruho agad na isiniksik ang mukha nya sa leeg ko. Yes, minsan nag mo-momol kami haha. Ang sagwa ng term pero natatawa talaga ako sa word nato.

" Ano ba Arthur​ ? Akala ko ba kakain tayo ? " natatawa kong tanong dahil nakikiliti din ako.

" yes, and I am having my appetizer right now " mahina ko syang hinampas sa balikat bago ikinawit ang mga braso ko sa leeg nya. We started kissing and touching each other. Our clothes still intact.

Lumayo lang kami sa isa't-isa ng may kumatok.

" Nandito na ang inorder nyong food "

" Ay, salamat ateng. Tumawag ka sana para ako na ang lumabas "

" Ganoon ba ? Napud-pud na kasi ang daliri ko sa kaka-dial pero para kang bingi o may ginagawang milagro dahil bukas ang dalawang butones ng blusa mo " sarkastiko nitong sabi.

" Naku sorry. Sorry talaga "

" Grabe, baka magkaroon na ng kalaro si Lexie nyan ha. Pero bet ko yan para may friend na ang baby girl ko. Dapat girl rin ang sa iyo " sabi nito na tumatawa pa.

" Tumahimik ka nga ! Baka may makarinig sayo " naeeskandalo kong sabi sa kanya.

" Improving ka ha. Nag level up na ang sitwasyon haha. Sige na, you may now continue " pinagtulakan pa ako nito papasok habang tumatawa pa.

Nag-iinit ang mukha ko ng nakabalik ako sa pwesto namin na bitbit ang pagkain.

" What's wrong ? ang pula ng mukha mo "

" Ha ? Wala yan. Kumain na tayo. Wag kang maraming tanong " inilapag ko na ang pagkain namin para tigilan na nya ako.

" I want to feed you " mahinang bulong nito sa akin. Kinilabutan ako sa bulong nyang iyon kaya bahagya akong napalayo.

" Ano ka ba ? Anong akala mo sa akin ? Bata ? Lumpo ? Wag mo akong echosin " tatawa-tawa kong sabi.

Tumawa naman ito bago ako ginawaran ng munting halik sa pisngi.

Natapos kaming kumain na ako ang sumusubo sa sarili ko at sa kanya. Juice colored !

Weeks passed and we are all so happy because mama surpasses the 7 weeks time limit given to her by her doctor ... Or so we thought.

Balik na naman kami ngayon sa ospital. Two weeks pagkatapos ng '7 weeks na taning' nila kay mama. Mag-iisang linggo na din kami dito. She's​ getting weaker and weaker every passing days.

Ang tiyahin ko pa rin ang nagbabantay sa kanya. Tuwing gabi na kami ni Rhea nakakapunta dahil sa trabaho. Hindi ako pwedeng mag-absent dahil naghahanda ang kompanya namin sa pagdating ng malalaking investors na bibisita sa main branch which is here in the PH since dito ito na establish. Aside from visiting, nagtanong din ang mga ito kung may maisa-suggest ba kaming mga nice beaches and Arthur is quick to recommend the Sandoval's resort in Cebu since partner din ito ng kompanya.

I did not bother telling Arthur or any of the Aguinaldos regarding my mother's condition. Hindi sa ayaw kong ipa-alam. Mga busy silang tao at ayokong madamay sila sa problema ko.

Parati akong kulang sa tulog. Si Rhea din. Tuwing papasok kami sa trabaho ay naiidlip kami ng di sinasadya.

" Hey, these past few days ay napapansin kong kulang ka sa tulog. Did something happened​ to tita Nat ? How is she by the way ? Sinabihan ko din ang parents ko regarding her condition, I hope you don't mind " naka upo ito sa lamesa ko habang linalaro ang daliri ko.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon